Dragon XIX

3916 Words
Gerry's POV Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaligtasan ng mga anak ko't pamangkin, lalo na kay Mama. Dahil sa dami ng Darknian na nandito ngayon ay hindi malabong hindi sila makapasok dito, lalo na ngayong pagod na kami. Kung alam lang sana ito ng mga nasa Palasyo ay tiyak na hindi sila mag-aatubiling tulungan kami, lalo na't involve dito ang mga Dragon. Mahalaga at importante sa lahing Whitenians ang mga Dragon. "Minerva! May nakita akong pumuslit sa kabilang daanan mga lagpas-sampu, puntahan mo!" Rinig kong utos ni Maximo sa asawa ko kaya tiningnan ko siya at tinanguan. 'Agad na umalis si Minerva kaya hinarap ko ulit ang mga kalaban. Kasama nila Mama si Marivic dahil mas kailangan siya doon. Napaharap ako sa gilid ko nang may biglang sumugod na may hawak na palakol at akmang ihahampas niya na ito sa akin. 'Agad akong nag-teleport papuntang likuran niya at kaagad na ginilitan ang leeg. Naging abo ito pagkatapos at sinunod ko naman ang nasa likod ni Maximo—abala siya sa pakikipag mano-mano kaya hindi niya iyon napansin. Pinalipad ko lang ang spear ko na mabilis humagibis papunta sa Darknian na tumarak sa likod at bandang puso kaya 'agad itong naging abo. Nag-teleport ako doon at sinalo ang spear na mahuhulog na, bumalik 'agad ako sa dati kong pwesto nang makita kong dadaanan na ng mga kalaban kaya paglitaw ko sa gitna nila ay pinaikot ko ang katawan ko kasabay ang spear kaya tumama ito sa mga nakapalibot sa 'kin at 'agad silang naging abo. Umayos ako nang tayo at sinugod ang mga nauna nang nakadaan kaya lumipat ako sa harap nila dahilan nang paghinto nila at pumorma, sabay-sabay silang sumugod sa akin nang nakapalibot kaya hinintay ko silang makalapit sa akin. Ilang senti-metro na lang ang layo nila sa akin nang nag-teleport ako paalis sa gitna. Napangisi ako nang makitang sila-sila rin ang nagkapatayan. Sumaboy ang maiitim na alikabok sa kalye na ikinapigil ko ng hininga. "Gerry! Tulungan mo ako dito!" Rinig kong saklolo ni Maximo sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong pinalilibutan na siya ng mga Darknians at lagpas lima ito. Alam kong pagod na siya dahil mano-mano ang ginagawa niya. "Ge-gerry! Tulungan mo ako! Ahh!" Rinig ko ring sigaw ng asawa ko kaya napatingin ako sa kabila at nakita ring sakal-sakal na siya ng isang babaeng kalaban at naka-angat pa ang paa nito sa lupa, pinalilibutan rin sila ng tatlo pang kalaban. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko na malaman kung sino ang uunahin ko, kung ang kapatid ko bang pinalilibutan ng kalaban o ang asawa kong sakal-sakal naman ng kalaban. Pumikit ako't pinakiramdaman ang sarili at inalis ang agam-agam sa aking isipan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman kong tila bigla akong mas lumakas at pinalilibutan pa ako ng puting Aura. "Full force na ito." Huli kong sabi bago nag-teleport at pagka-litaw ko ay dagli kong pinatid ang babaeng sumasakal sa asawa ko. 'Agad siya nitong nabitawan kaya hinigit ko ang braso niya nang akmang hahablutin na siya ng tatlo pang nakapalibot sa kaniya. Walang sabi-sabing lumipat ako kasabay si Minerva sa kung nasaan ako kanina at kaagad namang nag-teleport at lumitaw sa tabi ni Maximo. Nagawa ko ito sa napakabilis na pangyayari. Nagulat pa nga si Maximo nang makitang nasa tabi na niya ako. Nginisian ko ito bago hinawakan ang balikat at nag-teleport kung nasaan ang asawa ko. 'Agad namang napangiti si Minerva at mabilis akong niyakap na sinuklian ko naman. Humarap kami sa mga kalaban na ngayo'y nakahanay na sa harapan namin at nakahandang sumugod. "Bakit ka nag-full force? Alam mo namang mabilis kang mapapagod niyan?" nag-a-alalang tanong sa akin ni Maximo. "Hayaan na, no choice na ako kanina." sagot ko na lang at humanda na upang sumugod. "Ikaw talaga." May pagka-asar na sambit ng asawa ko at hinarap na ang mga papasugod na mga Darknian. Nagdikit-dikit kaming tatlo at humanda upang hintayin ang paglapit nila. Ngunit hindi pa man kami nakakaporma nang maayos ay humakbang na ang nasa unahan papasugod sa amin. Wala na kaming nagawa kun'di ang tumakbo na rin upang salubungin na rin sila. "Yahhhhhhhh!!" Hiyaw pa nila dahilan ng pagsiklab ng muling labanan. Dahil naka-full force na ako ay mas mabilis na ang mga kilos ko. 'Agad akong nag-teleport papunta sa harap ng mga kalaban dahilan ng pagkahinto nila sandali na siya ring hudyat ko na paikutin ang weapon ko. Dahil mahaba ito ay walang nakaligtas sa mga Darknian. Lahat nang natamaan ay 'agad na naging alikabok na sumaboy sa hangin. Tumama ang mga ito sa tiyan, leeg, binti at iba pang parte na inabot ng weapon ko. Napatigil ang iba at napa-atras nang makita ang ginawa ko sa mga kasama nila. Bumalik kaagad ako kina Maximo nang makabawi ako sa ginawang pag-atake. Laking pagtataka namin nang biglang umatras sila at nagdikit-dikit, parang gagayahin ang gagawin sana namin kanina. Mga sampung segundo rin silang ganoon nang humakbang ang mga nasa gilid at parang papalapit sa amin kaya hinanda namin ang aming mga sarili, hanggang sa dumaan sila sa parehong gilid namin. "Mukhang papalibutan nila tayo." Mahinang bulong ni Minerva. Tiningnan ko naman sila at mukhang tama nga ang kaniyang hinala. "Mag-handa kayo dahil ano mang oras ay maaari nila tayong sugurin." bulong ko rin. At totoo nga, napapalibutan na nila kami ngayon at kahit hindi kita ang kanilang mukha ay mararamdaman mong nakangisi sila at nakatingin ng masama. Nagpapakiramdaman kami at nag-aabang sa kung sino ang unang kikilos. Maya-maya'y nag-umpisa na silang maglakad nang dahan-dahan papalapit sa amin. Nagtalikuran na rin kaming tatlo at hinanda ang mga weapons namin. Mababakasan mo ang mukha namin na halatang kinakabahan dahil kahit saan ninyo tingnan ay wala kaming laban ngayong nagkakaisa na silang labanan kami nang sabay-sabay. 'Di hamak rin na mas lamang sila amin dahil sa dami nilang tila hindi nauubos. Ngunit kahit ganoon ay hindi kami mawawalan ng pag-asa. "Natatakot ka 'ata? Whitenian." biglang tanong ng nasa harapan ko. Kaya napakunot ang noo ko at napa-tingin sa mga kasama niya. "Normal lang ang makaramdam ng takot." Sagot ko naman dito. "Baka nakakalimutan mong sa isang labanan ay ang takot ang dapat na hindi mo ipinapakita sa iyong kalaban" Sarkastikong sabi niya. "Alam ko iyon. Ngunit maaari rin namang ipakita ito lalo na kung ganiyang mga mukha ang nakikita mo." Nang-aasar kong turan, napahinto ito kasabay rin ng paghinto ng iba. Hmmm. "Namemersonal ka yata, Whitenian." Bakas ang iritasyon sa boses nito. "Ganoon ba ang dating sa iyo?" Pang-a-asar ko ulit dito, pero hindi siya kumibo. "Umalis na kayo rito." Dagdag ko. "Hangga't walang Dragon ay hindi kami aalis, Whitenian!" "Hindi ninyo nga makukuha ang mga Dragon!" Sabat naman ni Minerva. "Ang lakas naman yata ng loob mong sumabat sa usapan namin, babae." "Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito kaya mabuti pang umalis na lang kayo." Sabat rin ni Maximo. "Ang kulit ninyo rin eh 'no? Ibigay ninyo na lang kasi sa amin ang mga Dragon kung gusto ninyo na kaming paalisin." "Ang kulit mo nga rin eh! Hindi namin ibibigay ang mga Dragon sa inyo dahil hindi iyon pwedeng mapasainyo, papatayin ninyo lang sila kagaya ng ginawa ng Hari ninyo noon." Asik ni Minerva. "Kung ganoon ay humanda kayo dahil malapit na ninyong makita ang langit." Huling sabi ng Darknian at patakbong lumapit sa amin, gayon din ang iba pa. Ngunit bago pa man sila makalapit sa amin ay may lumitaw na puting liwanag sa likuran nila dahilan para matakpan namin ang mata at mapahinto ang mga Darknian sa paglapit sa amin. 'Agad rin naman itong nawala at pagtingin namin doon ay tumambad sa amin ang mga nakabaluting puti, matitikas ang tindig at puno ng katapangan ang mga mukha. Hindi ako maaaring magkamali sila ay mga kawal ng Palasyo! Nagkatinginan kaming tatlo at mababakas sa aming mga mukha ang kasiyahan at pag-asa. Napatingin ako sa gilid namin nang mapansin kong parang umaatras ang mga Darknian kaya napaharap kami at nakitang malapit na sa amin 'yong kumausap sa amin kanina, nakalimutan yatang kami ang kaharap nila kanina. Kung kaya't hinawakan ko kaagad sila Maximo at nag-teleport sa tabi ng mga bagong dating na kawal ng Palasyo. "Magiliw na pag-bati mga Graspela." Sabay-sabay na pagbati sa amin nang lumitaw kami sa harap nila, tinanguan lang namin sila at sinilip ang mga kawal na kasama nila. "Paano ninyo nalamang kailangan namin ng tulong dito?" Tanong ni Maximo. "Nagpadala po ng mensahe ang Headmaster ng Dranair Academy sa Palasyo na nahanap na daw po ang mga Dragon at ang kanilang mga bagong Master. Nasabi rin po doon na nasa pangangalaga daw po ito ng angkan ng mga Graspela. Kung kaya't ipinadala po kami dito ng Mahal na Reyna upang ipasundo kayo at iniimbitahang bumalik na sa Dragonania. Nakarating na rin po sa Reyna na alam na rin po ni Haring Draco ang kinalalagyan ng mga Dragon." Mahabang paliwanag ng tila pinuno ng pangkat ng kawal na ito. "Mabuti kung ganoon, kanina pa namin sila nilalabanan at tila hindi sila maubos-ubos. Pagod na rin kami kaya masaya kaming dumating kayo habang hindi pa kami nagagapi." Nakangiting sagot ni Minerva. Sila Mama. "Maari bang kayo na ang bahala dito? Kailangan naming balikan sila Mama, may mga ilang nakapasok dito kanina kaya baka kung napano na sila doon!" Sabat ko sa pag-uusap nila. "Sige po, kami na ang bahala dito. Makakaasa ho kayo." Nakangiting sabi pa nito at sumenyas sa mga kawal na kasama niya. Humakbang ang mga nasa likod at hinarap ang mga kalaban, sinenyasan ko naman ang dalawa at 'agad naman itong kumapit sa akin. "Mauuna na kami." Paalam ko ulit sa kanila bago muling pinagana ang charm ko at nag-teleport na. Lumitaw kami sa mismong harapan ng bahay ni Mama kaya dumiretso kami sa pinto at walang katok-katok na pinasok namin ang bahay. Nakahinga kami nang maluwag nang makita namin silang lahat na nagtitipon-tipon sa sala. Gising na ang mga bata at gulat ang nakapaskil sa mga mukha nito nang makita kaming hapong-hapo sa pagod. "Maximo!" Sigaw ni Marivic at sinalubong ang asawa. "Akala ko hindi ninyo na kinaya ang mga kalaban." Mahihimigan mong nag-alala talaga siya sa lagay namin kanina. "Okay lang kami....dumating ang mga kawal ng Palasyo." Sagot naman ni Maximo at napatingin kami kay Mama. "Talaga? Paano nangyari iyon?" Takang tanong ni Mama. "Mahabang istorya, pagpahingahin ninyo na muna kami. Masyado kaming napagod lalo na 'yang si Gerry, nag-full force siya kanina." Sabi ni Maximo. "Mabuti hindi ka pa bumibigay." Alalang sambit ni Mama at lumapit sa akin. Napangisi naman ako at inakbayan si Mama. "Tsk! Ako pa ba—" *Black out* MASTER Cristina's POV "Mag-iingat kayo doon ha?" Paalala ulit sa amin ni Mama. Nandito na kaming lahat sa harap ng bahay ni Lola. Ngayon na rin kasi ang alis namin papuntang Academy. "Opo Mama. Paulit-ulit ka naman eh!" Natatawang sambit ko. "Mahirap na ano! Ang tigas kaya ng ulo mo! Kaya Jerald, bantayan mo 'yang kapatid mo!" Pagtataray niya pa rin sa akin. "Bahala siya diyan." Tanging sagot lang ni Kuya at inirapan pa ako. Inismiran ko rin naman siya. Dapat nga ako ang sabihan niyan ni Mama kasi sa aming dalawa ni Kuya, mas balahura siya. "Aalis na po tayo." Agaw pansin ng lalaking maghahatid sa amin sa Academy. "Oh paano Ma? Aalis na daw po kami, huwag kang iiyak mamayang gabi ha?" Pang-aasar ko kay Mama. "Che! Anong akala ninyo sa akin, iyakin? Umalis na nga kayo!" Pagtataboy pa kunwari sa amin ni Kuya. Napatawa na lang kami ni Kuya at parehong yumakap sa mga magulang namin bago sumakay sa van. Kagabi pa kami nagpaalamanan lahat at nag-iyakan kaya medyo chill na lang ngayon. Malaki 'yong van kaya nagsama-sama na lang kami doong lima. Ganito anng seating arrangement namin. Ako—Ate Catherine—Rose Ann Kuya—Rommel "Mamimiss ko sila." Mahinang sambit ko habang tinitingnan sila Mama na kumakaway sa amin. "Kami rin naman e, kaya lang we need to do this for our sake." Pagsang-ayon naman ni Ate Catherine. "Mahirap na ano, baka maulit pa 'yong nangyari kagabi." Dugtong naman ni Kuya. "Mga tulog pa man din tayo last night." Sambit naman ni Rommel. "Nauh, except for me!" Nakangising sabi ni Rose Ann. Tinaasan lang namin siya ng kilay kahit totoo naman ang sinabi niya. "Bakit nga ba ang bilis mo natapos sa pagsubok mo?" Tanong ko sa kaniya. "I'm sure nandaya lang 'yan." Taas-kilay pa ring salita ni Rommel. "Hoy hindi kaya! Sadya lang talagang madali 'yong akin kaya mabilis lang akong natapos." Sagot niya naman. "Ows? Then why the heck ang hirap-hirap sa amin?" Angal ni Ate Catherine. Napatango naman kaming tatlo. "Aba malay ko." Balewalang sagot ni Rose Ann. "Sige nga ikuwento mo sa amin!" Suggest ko. "Oh sure, why not?" Confident na sagot nito habang ngi-ngiti-ngiti pa. Tae ang yabang! "Aalis na tayo." Biglang sabi ng maghahatid sa amin. Nagkatinginan kami ng lima at napasilip sa bintana. Nandoon pa rin sila Mama kumakaway sa amin kaya binuksan ni Rose Ann ang bintana sa tabi niya. "Ba-bye!!!" Sigaw naming tatlo at kumaway lang 'yong dalawa likod. "Mag-iingat kayo doon ha? Huwag kakalimutan iyong mga paalala ko!" Sigaw rin ni Lola kahit nasa tapat lang namin siya. Tumango na lang kami at napa-tawa dahil sa kaniya. "Mag-sabi kayo kapag nandoon na kayo ha? Hihintayin namin iyon!" Salita naman ni Tito Maximo. Nagsimula nang umandar ang sasakyan kaya napa-ayos na kami ng upo at unti-unti na ring sumasarado ang bintana kaya napalayo si Rose Ann doon, naka-dungaw na kasi siya kaya ganoon. Nakita ko sila Mama na nagpapahid na ng mga luha nila at pilit na ngumingiti sa amin habang papalayo na kami sa kanila. Bumibigat na ang dibdib ko at nilalabanan ko namang tumulo ang luha ko dahil baka pag-kantyawan na naman ako nila Kuya. Hanggang sa naka-labas na kami ng subdivision ay nakatanaw pa rin kami doon. Nang hindi na namin makita ang subdivision ay napa-ayos na kami at napabuntong-hininga na lang ako. "Oh ano na? Magku-kwento pa ba ako?" Biglang tanong ni Rose Ann. Tumango na lang kami at napa-ismid naman siya. "Cheer up na. Magku-kwento na ako ha." Panimula niya kaya napatingin na lang ako sa kaniya. Rose Ann's POV *Flashback* After sabihin ni Lola ang mga katagang iyon ay naramdaman ko nang nilamon na ako ng kadiliman. I know hindi ako tulog dahil parang na-blanko lang ang utak ko. I tried to move my body but to no resort ay hindi ko pa ito maigalaw. I waited for almost 5 minutes when I felt my body lying on a cold surface. I open my eyes pero kadiliman pa rin ang nakikita ko. I blink my eyes many times pero ganoon pa rin ang nakikita ko. My heart started to race dahil sa naiisip ko. Did I just lost my vision?! Pero 20/20 pa rin ang vision ko! Without seeing anything, I tried to sit down that I successfully did naman kasi hindi naman ako baldado. Nanunuot sa balat ko ang lamig ng sahig. I'm wearing a shirt and jogging pants pero ramdam ko pa rin ang lamig sa paligid. Wala akong suot na pangyapak kaya I'm a bit hesitant to stand up and walk. Malay ko ba kung may mga tinik pala sa dadaanan ko. Wala pa naman akong makita kaya anong gagawin ko? Inangat ko ang dalawang kamay ko at ipinangkapa sa paligid. Ngunit wala pa rin akong makapang kahit na anong bagay. So this is the feeling of being blind huh. I am clueless of what's behind or in front of me. I gather the courage inside me at piniling tumayo. Dahil dito ay naramdaman ko ang lamig ng sahig. I roamed my eyes again, nagbabaka-sakaling may maaninag na. I even place my hands in front of my eyes pero wala pa rin. Napasabunot ako sa buhok ko at tinapik ang tapat ng puso ko. Mabilis ang t***k nito na tila ba nakikipag-karerahan. I am aware na nasa pagsubok ko ako. Pero what the heck? Ito na ba 'yon? Ang pagsubok ko ba ay ang mabulag dito sa dimension na ito? Seryoso na ba this? "....Hayaan ninyong mga mga Puso't-Isip ang magdikta kung ano ang gagawin ninyo upang makaalis at makapasa sa pagsubok na iyon...." Naalala ko ang katagang iyon na sinabi sa amin ni Lola. Hayaan ang puso at isip? Pano ko naman iyon gagawin kung wala akong kaide-ideya sa ibig sabihin niyon? Pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko, 'di ba? Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko at inalis lahat ng iniisip. Pero nahihirapan ako dahil nape-pressure ako sa ginagawa namin. Naaalala ko pa 'yong sinabi ni Lola na kailangan naming makapasa sa pagsubok dahil kung hindi ay masa-stock kami dito. Kaya shinake ko ang ulo ko para mawala sa isip ko iyon. I need to concentrate like parang magme-meditate. I can't help but smile when I successfully erase all my thoughts. I feel like my mind is so peaceful. What I did next is ikinalma ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Medyo nahirapan ulit ako since nakaka-kaba ang ginagawa ko—namin. After a seconds ay normal na ang heartbeat ko. Naramdaman kong parang na-relax ang katawan ko. I feel like floating pero ramdam ko pa rin ang lamig ng sahig. "Be the light in the darkness." I unconsciously uttered. I creased my forehead when my closed eyes suddenly hit by light. Dagli akong napamulat at bumulaga sa akin ang isang ball of light na nakalutang sa mismong harapan ko. Medyo naging blurred pa ang vision ko dahil sa biglaang pagmulat. I sighed when the realization hit me. Hindi ako nabulag dahil sadya pala talagang madilim dito sa kinaroroonan ko. Damn it. Naloko ako doon ah! "Nag-tagumpay ka." Rinig kong salita ng isang tinig. Napatingin naman ako sa paligid, trying to find where did it came from. Pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko at ako lang ang tao dito. "Sino ka?" Lakas loob na tanong ko. "Ako ay ikaw, ikaw ay ako. Iisa lamang tayo." Rinig kong sagot muli ng boses. The sound of it is like parang katabi ko lang siya. "What are you trying to say? And pwede bang magpakita ka sa akin?" Sambit ko at parang tanga na nagpapalinga-linga sa paligid. "Nasa harap mo lamang ako." Rinig kong natatawang sagot nito. Napakunot ang noo ko at napatingin sa nasa harap ko. On my front is the ball of light who appeared kanina. Kasing level ko lang rin ito kaya napakunot ang noo ko lalo. "Ikaw ang nagsasalita?" Hindi siguradong tanong ko dito. "Oo ako nga at huwag kang matakot, hindi kita sasaktan." Malamyos na sagot nito. "Paano ako makakasigurong hindi ka nga nananakit?" "Simple, because I am you. I don't want myself to get hurt." Sagot nito. "How'd you say so? You are just a ball of light, you are not a human like me. So how come?" Ungot ko pa rin dito. "Hmm, that hurts. Yes indeed I am just a.....ball of light but it's true that we are one. I am your Yin, Rose Ann. I came from Mother Light, she's the one who bore me or should I say created me to make your existence whole. I am your missing piece dear. I am here to fill that." Kahit boses lang ang naririnig ko ay bakas dito na nakangiti siya. "Ohh so ikaw pala ang Yin ko. Bakit hindi mo naman a'gad sinabi? I didn't expect you to be on that form. I thought you're some kind of a gem or what." Totoong sambit ko. "Well, just like you. I love thriller and mystery." Natatawang sagot nito kaya napatawa na rin ako. "Uhmm, tapos na ba ang pagsubok ko?" Tanong ko sa kaniya makalipas ang ilang segundong pananahimik. "Yeah, tapos na nga. To tell you honestly, I'm expecting you to overreact after you got here. Tapos hindi mo kaagad magagawa ang dapat mong gawin dito. But you impressed me, you made it so quick! I am so proud to be your Yin!" Magiliw na sagot nito na siyang ikina-ngiti ko naman 'agad. "Hahaha yeah yeah, thank you." Sagot ko naman. "So, paano ako makakalabas dito?" "Ahh right. Kindly close your eyes for a moment please." Sagot nito. Tumaas kaagad ang kilay ko. "At bakit nanaman?" Tanong ko. "I'm going to enter your body now. Para iisa na talaga tayo. Also, this is the only way para maka-alis ka na dito sa dimension." Sagot niya na siyang ikina-ahh ko naman. "Okay, do your part." Sagot ko at ipinikit na nga ang mata ko. I readied myself for the possible happenings para sa pagpasok niya sa katawan ko. In a matter of seconds, I felt a warm feeling entering my system. It lasts for about one minute and after that, I feel so complete. I can feel how my body reacts to such sensations. Napangiti ako dahil sa sarap ng pakiramdam. "Tapos na, I'm happy that we are now united." Bakas ang kasiyahan sa boses niya. "Ako rin, Lightnia." Nakangiti ko ring sagot habang pikit pa rin ang mata. "You already know my name huh." Sambit nito na ikina-tango ko. "Well, there's this memory flashed on my mind when I was a child. Nahulog ako sa hagdan but there's this thing na siyang sumalo sa akin kaya hindi ako nasaktan. It introduced herself as Lightnia and then immediately disappeared like she doesn't exist at all." Sagot ko while reminiscing that memory. "W-what? Pero masyado ka pang bata para maalala iyon!" Gulat na sagot niya. "Yeah I know. Naalala ko lang ulit iyon nang pumasok ka na sa akin. So thank you for saving me that day, nawala ka na lang bigla noon." Sambit ko. "We are not allowed to go out from our place. Pumuslit lang ako ng mga oras na iyon para iligtas ka." Sagot niya kaya napatawa nalang ako. "Bumalik ka na, kailangan ka na sa real world." Dagdag niya. "Paano?" Tanong ko sa kaniya. "Just open your eyes." Sagot naman niya kaagad. Napatango naman ako at nagpakawala muna ng buntong-hininga bago iminulat ang mata. Tumambad sa akin ang sala namin habang may mga kandilang nakatirik sa harapan ko. Napatingin ako sa direksyon ni Lola na tila ba may binubulong sa hangin. I feel so exhausted at ngayon ko lang napansin ang pawis na tumatagaktak. I looked at her again and called her. *End of flashback* "That's it, iyon lang ang nangyari sa pagsubok ko." Ngingiting sagot ko. Kita ko naman ang pagkayamot sa mga mukha nila. "Tae naman, ang daya-daya talaga." Kumento ni Cristina habang nakabusangot. Nagkibit balikat naman ako kasi hindi ko naman kasalanan kung ganoon ang sa akin. "Sino na next?" Tanong ni Ate Catherine. "Si Jerald." Sagot ko habang nakaturo pa kay Jerald na nakikinig lang. "Bakit ako 'agad?" Reklamo niya. "Kasi hindi kami, kaya go na." Sagot naman ni Cristina. "Oo na! Oo na! Ako na!" Ismid na sagot nito kaya napatango-tango naman ako. "Ganito 'yon." Panimula niya at nag-start na mag-kwento. Nakinig naman kami sa kaniya pero hindi kaming tatlo nila Ate Catherine nakatingin dahil nasa likod silang dalawa ni Rommel. Nakakatawa pa naman sana mag-kwento ito dahil with action pa. "Nakikinig ba kayo?" Rinig kong tanong niya. Nagkatinginan naman kaming tatlo at napatawa na lang. "Sorry, ulitin mo nga from the start." Sagot ko. "Hindi ko na uulitin kaya makinig na kayo!.....ganito 'yon." Iritang turan niya kaya umupo na lang ako ng pa-side view para kahit papaano ay nakikita ko siya habang nagku-kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD