Jerald's POV
*flashback*
*ssshhhh! Shhhh! "
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang ihip ng hangin. Ang lakas naman yata ng electric fan ko? Napadilat ako at dagli ring ipinikit ulit nang masilaw ako sa sinag ng araw. Nag-unat-unat pa muna ako ng katawan at binuksan ko ulit ang mata ko.
Hmmm. Ang ganda naman yata ng view. Mga ulap at asul na asul na kalangitan, kung ganito lang sana ang laging tatambad sa akin pagkagising ay gaganahan akong bumangon. HAHAHAHA napatingin naman ako sa higaan ko, ang lambot-lambot kasi parang pure cotton. Oii! Ulap ba ito? Naks! Kailan pa naging ulap ang higaan ko——? Napalaki ang mata ko at ipinikit ang mata. I blink many times, I even rub it pero hindi nga ako nagkakamali ng nakikita....
"ANONG GINAGAWA KO DITO?!" Gulat kong sigaw. Napa-atras naman ako at kamuntikan pang mahulog nang wala na pa lang ulap ang ina-atrasan ko. Napakapit ako nang mahigpit dito at pinilit na tinataas ang katawan ko pa-akyat ulit sa ulap na hinigaan ko!
Dumulas 'yong kamay ko kaya muntik na ulit akong makabitaw. I look down that made me regret after. I am f*****g hanging on the clouds! All I can see is clouds and the blue sky. Wala akong makitang ni isang lupa sa ibaba! I want to vomit dahil nalulula na ako sa kinalalagyan ko.
Potangina. I am now afraid of heights! Simula noong mahulog ako sa cliff ay takot na ako sa matataas!
"Oh my gosh!! Tulooooooooong!!! Damn shiiiiit!!! Ayaw ko pa pong mamataaaaay!!!" Malakas na sigaw ko pero parang nag-echo lang ang boses ko. Ano nang gagawin ko?!
Ito na ba ang huling araw ko sa mundo?! Paano na iyong mga pangarap ko? Mawawala na lang ba iyon ng ganon-ganon na lang?!
"Oh s**t!" Mura ko nang bigla na lang humangin nang malakas at muntik na akong makabitaw kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka-kapit ko sa ulap. Wala ba ditong tutulong sa akin?! Halos 10 minutes na akong naka-lambitin dito at ang sakit na ng braso ko! Any minute now ay mahuhulog na talaga ako kaya please!! "Tulong naman oh!!"
*shhhhh!*
At sa muling paghangin na iyon ay tuluyan na nga akong nakabitaw.
"Ahhhhhhh!!!" Sigaw ko na lang dahil wala na akong magagawa. Ito na yata talaga ang huling araw ko dito sa mundo kaya ipinikit ko na lang ang mata ko at nanalangin na sana hindi masyadong masakit ang pagkaka-bagsak ko para hindi masyadong masakit o kaya sa tubig na lang ako mahulog para kahit papaano ay nakaligo ako—ang baho ko na yata.
"....kailangan ninyong makabalik dito bago maupos ang kandila dahil kung hindi......hindi na kayo kailanman makakaalis doon...."
Napamulat ako ng mata nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa amin ni Lola. Then realization hits me. NASA PAGSUBOK NGA PALA AKO!
Bakit nakalimutan ko iyon?! Hindi ako pwedeng mamatay dito kung hindi ay hindi ko na ulit makikita sila Mama't Papa. Hindi na ako makaka-alis dito sa dimension na ito. I don't want to be stock in here! Hindi ko kaya!
Kailangan kong mapagtagumpayan ito.
"....Hayaan ninyong mga mga Puso't-Isip ang magdikta kung ano ang gagawin ninyo upang makaalis at makapasa sa pagsubok na iyon...."
Pumasok ulit iyon sa isipan ko kaya sinunod ko kaagad ito. Pinanatag ko ang isip ko at kinalma naman ang naghuhurumintadong puso ko. Hindi naman ako nahirapan dahil parang ang dali ko lang itong nagawa. Ang gaan na sa pakiramdam ng nararamdaman ko kaya hinayaan ko lang ito at nagpakalunod sa sarap ng pakiramdam.
"Be free like the Wind." Rinig kong sambit ko.
Hindi ko na nararamdaman ang bugso ng hangin kaya binuksan ko na ang mata ko at laking gulat ko nang nasa lupa na pala ako?! Paano ako nakababa dito nang hindi ko man lang nalalaman?
"Paano mo malalaman eh sarap na sarap ka sa nararamdaman mo kanina." Nagpalinga-linga ako nang may marinig akong boses—boses lalaki ito.
"Sino ka naman?!" Iritang tanong ko sa kawalan, hindi ko siya mahanap eh!
"Ako'y ikaw, ikaw ay ako." Sagot naman nito na siyang ikina-taas ng kilay ko.
"Pinaglolo-loko mo ba ako?" Inis kong tanong dito. May baliw pa yata ditong napadpad sa pagsubok ko.
"Hoy grabe nanaman 'tong maka-baliw. Humarap ka nga sa akin!" Sigaw nito.
"Nasaan ka nga kasi?!" Naiinis pa ring tanong ko. Tae naman nito.
"Sa likod mo!" Sagot naman ng boses kaya walang atubiling humarap ako sa likod ko. Tumambad sa akin ang isang asul na liwanag na naka-lutang sa mismong harapan ko.
"Taena. Ikaw 'yan?!" Gulat na tanong ko.
"Yes dude, ako nga ito. Kamusta naman doon sa itaas? Masarap ba ang hangin? Sigaw ka nang sigaw doon kanina ah! Kamusta naman vocal chords mo?" May himig ng pang-aasar na tanong nito.
"Nakita mo ako doon?" Turo ko sa itaas. Narinig ko namang nag-hmm siya kaya bigla na lang sumiklab ang inis ko. "Nakita mo naman pala ako doon na nakalambitin hindi mo man lang ako nilapitan o tinulungan?! Nakakalutang ka naman kaya magagawa mo akong tulungan kanina!"
"Eh engot ka naman pala talaga e! Pagsubok mo iyon kaya bakit kita tutulungan? You're the only one who needs to find a way to leave that state!" Paliwanag niya na siyang ikina-tikom ng bibig ko. Ganoon ba iyon?
"Papasok na ako sa katawan mo ah." Rinig ko pang sambit nito. I immediately hug myself at umatras palayo sa asul na liwanag na ito.
"Potangina mo. Anong gagawin mo sa loob ko ha?!" Sigaw ko dito.
"Potangina mo rin. Ako ang Yin mo. Tapos ka na sa pagsubok mo kaya papasok na ako sa iyo nang makabalik ka na sa inyo. Pero kung ayaw mo ay pwede namang hindi na lang." Balewalang sagot nito. Pero ano daw?
"N-nagtagumpay ako?" Nanlalaking mata na tanong ko dito.
"Oo! Magpapakita ba ako sa'yo kung hindi?" 'Agad naman niyang sagot.
"YES!! Sige na gawin mo na ang dapat mong gawin nang makabalik na ako sa amin!" Excited na sagot ko.
"Oo ba. Sige pumikit kana!" Sagot niya kaya pumikit na lang ako at hinintay ko kung ano man ang gagawin niya sa akin. "Huwag kang gagalaw ah!" Tumango naman 'agad ako bilang tugon.
Maya-maya ay may nararamdaman na akong parang mainit na pilit pumapasok sa loob ko, napapa-atras pa ako pero tinatagan ko na lang ang katawan ko nang matapos na ito. Hindi naman nagtagal ay nakapasok nga sa loob ko ang mainit na iyon at para akong nakalutang sa sarap ng pakiramdam.
"Tapos na! Sige na mag-mulat ka na ng mata mo." Sambit ng boses sa isip ko at tinugon ko naman ito at pagmulat ko ay nakabalik na ako sa bahay ni Lola.
*flashback ends*
"Iyon ang naging pagsubok ko." Pagtatapos ko sa nangyari sa akin.
I rolled my eyes when they finished laughing. May nakakatawa ba sa nangyari sa akin doon?
"Sino na susunod?" Tanong ko na lang.
"Kapatid mo." Sagot naman kaagad ni Rommel kaya napa-okay na lang si Cristina.
MASTER Cristina's POV
"OKAY, HERE'S MINE!" Malakas na salita ko para kuhanin ang attention nilang apat. Pansin ko rin na nakikinig sa amin ang Driver at iyong isa pang lalaki na maghahatid sa amin sa Academy. Hinayaan ko na lang para hindi sila mabagot.
*flashback*
*tweet tweet tweet!*
Rinig kong huni ng mga ibon kaya napabalikwas ako ng bangon, kailan pa nagkaroon ng ibon sa kwarto ko?
Napamulat ako ng mata at pinikit rin ulit nang sumalubong sa akin ang sinag ng araw, wala bang kurtina ang bintana ng kwarto ko?
Nang imulat ko ulit ang mata ko ay tumambad sa akin ang mga puno at halaman. "Teka? Nasaan ako?!"
Napatayo ako at nakitang sa lupa pala ako nakahiga kanina kaya pagtingin ko sa damit ko ay ang dumi na. Anong ginagawa ko kasi dito? Paano ako napadpad dito? Ang huli kong natatandaan ay pumunta kami sa bahay ni Lola kasi pinapapunta daw kami ni Lola doon at iyong......PAGSUBOK!
Nasa pasubok na yata ako! Kaya inilibot ko ang paningin ko at napag-tanto kong nasa forest ako. Dito ko gagawin ang pagsubok ko pero paano at anong klase iyon?
Napili kong maglakad-lakad at habang nililibot ang paningin, baka kasi may bigla na lang sumakmal sa akin dito. Mukha pa namang wild forest ito.
*roaaaar!!*
Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko ang isang napaka-lakas na pag-ungol. s**t. Mukhang nasa malapit lang iyon sa akin kasi ang lakas-lakas! Dahan-dahan akong naglakad at iniiwasan ko rin ang matapakan ang mga tuyong dahon. Mahirap na baka marinig at malaman pa na nandito ako at gawing pagkain!
Narating ko ang mga halaman na matataas kaya dahan-dahan ko itong hinawi at napalaki na lang ang mata ko nang tumambad sa akin ang isang napakalaking "LION!?" s**t talaga! Huhuhu. Mukhang natutulog siya kaya hindi niya napapansin ang paghawi ko sa halaman.
Babalik na lang siguro ako sa pwesto ko kanina. Dahan-dahan ulit akong tumalikod at dahan-dahan rin akong naglakad. Hindi naman siguro ito magigising dahil medyo humihilik pa ito.
*Crack!* (tunog ng nabaling sanga.)
Mama!!! Huhuhu...sana hindi nagising! Please! Mabait naman po ako God kaya wag sana magising ang Lion! Narinig ko ang mahinang pag-ungol ng Lion kaya napatingin ako sa likod ko at muntik na akong himatayin nang makitang.....NASA LIKOD KO NA ANG LION AT ANG SAMA NG TINGIN SA AKIN!!!
Bumuka ang bibig niya at lumabas ang nagkikislapang, mahahaba't matutulis na ngipin!! Napasigaw ako kaya napaharap ulit sa akin ang Lion at akmang lalapit sa akin nang bigla akong tumakbo. Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin kaya mas lalo kong pinabilis ang pag-takbo ko habang nagsisi-sigaw pa rin.
"Wahhhhhhhhh!!! Tulong!!! Lola!!! Ilabas ninyo na ako dito!!! Kakainin na ako ng Lion!!! Huhuhuhu!!" Sigaw ko pa. Napalingon ako sa likod ko nang umungol ulit ito. Nakita kong ang lapit na niya sa akin at sa kasamaang palad....NADAPA AKO!!!
"Aray ko po!!!" Daing ko. Tatayo na sana ako nang hindi ko maigalaw ang paa ko, parang may humihigop sa paa ko pa-ilalim. Napayuko naman ako at nadismaya nang makitang nakalubog na ang dalawa kong paa sa.....KUMUNOY!...Mamamatay na yata talaga ako dito!
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang ungol ng Lion, medyo malayo pa siya pero dahil walang nakaharang sa dinadaanan niya ay kitang-kita ko ang malaking katawan nito at ang nakangangang bunganga na parang handa nang manakmal.
Lalo akong ninerbyos sa nakikita ko, hanggang tuhod ko na ang nakalubog at medyo malapit na rin ang Lion. Wala naman akong makitang pwedeng panghila sa sarili ko dahil wala namang nakakalat na pwedeng maabot ko. I'm so so so dead!
"....Hayaan ninyong mga mga Puso't-Isip ang magdikta kung ano ang gagawin ninyo upang makaalis at makapasa sa pagsubok na iyon...."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa amin ni Lola kaya nabuhayan ako ng pag-asa at sinunod ang bilin niya. Pinanatag ko ang isip ko at pinakalma ko rin ang puso na ngayon ay ang bilis ng t***k. Nagawa ko naman ito kaagad dahil madalas kong gawin ito kapag nagre-review ako every exam. Hinayaan ko lang ito at parang nakaramdam ako ng kaginhawaan kaya napamulat ako ng mata at laking gulat ko na nasa harap ko na ang Lion at nakatitig na sa akin.
Tinitigan ko rin siya at napatingin naman siya sa paa ko na ngayon ay malapit na sa bewang ko ang nakalubog. Tumalikod ito at lumayo ng kaunti, nagkakawag-kawag din ang buntot nito na malaki't mahaba. Nagtataka naman ako sa ikini-kilos niya, napatingin sa akin ang Lion at parang sinesenyasan niya ako na parang humawak ako sa buntot niya. Napakunot ang noo ko. Tae. Sigurado ba siya? Baka sakmalin niya ako kapag naka-alis ako dito. Para namang nainis 'yong Lion kaya umungol ito.
Wala naman akong nagawa kung kaya't hinawakan ko na lang ang buntot niya at hinila niya naman ako. Umungol siya nang malakas at pilit na hinihila ako, umabot ng kalahating minuto at nahila na nga niya ako kaya napa-upo ako at ganoon din ang Lion.
Napaupo ako at hingal na hingal gayon din ang Lion kaya napatingin ako sa kaniya at napatingin rin siya sa akin. Mababakas sa mukha niya na nahirapan talaga siya kanina nang hinihila niya ako kaya kahit papano utang ko sa kaniya ang buhay ko. Kung hindi niya ako tinulungan baka lumubog na talaga ako at hindi na ako makaka-alis dito.
Umungol ito kaya nilapitan ko at hinimas ang ulo niya. Mabait naman pala siya akala ko talaga kanina kakainin niya ako mabuti na lang hindi. Napatingin ang Lion sa may bandang likod ko nang may biglang kumaluskos doon. Napatingin ulit siya sa akin at parang may sinasabe, lilingon sana ako sa likod nang biglang idantay niya ang kamay niya sa kamay ko na ngayon ay nakahawak sa lupa para sana pang-suporta sa pag-tayo ko. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya at umiling siya.
Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong umungol sa likod ko. Parang ang lapit lang nito samakin, feel ko pa nga ang hangin sa may batok ko eh. Napatingin ako sa Lion nang bigla itong tumayo at galit na nakatingin sa likod ko kaya hindi ko na napigilan ang tumingin dito. Dahan-dahan lang akong lumingon dahil mahirap na, baka kung ano na naman itong nasa likod ko't mapa-hamak na naman ako. May nakita akong paa at apat iyon pataas ko itong tiningnan at kaagad rumihistro sa utak ko kung ano ang nasa harap ko, kung kanina Lion ngayon naman....TIGER!!!
Ganoon na ba ako ka-pasaway kaya ang dami ko yatang gagawing pagsubok?! Huhuhu...Makaka-ligtas pa ba ako dito?! Umanggil ang Tiger at humakbang papunta sa akin, napa-atras naman ako at saktong pag-atras ko ay lumapit rin pala sa akin ang Lion kaya nabangga ko ito. Sinenyas naman ng Lion ang likod niya kaya pumunta kaagad ako dito, susunod sana ang Tiger pero hinarang siya ng Lion kaya napatigil rin ito.
"L-lion, labanan mo siya please! Ayoko pang machugi!" Kausap ko sa Lion napa-ungol lang ito sa akin kaya tinap ko ang katawan niya at nag-tago sa may likod ng puno, medyo malaki itong puno kaya makaka-tago ako.
Nag-tinginan ang Lion at Tiger habang naglalakad nang paikot, uma-anggil rin sila sa isa't-isa kaya napapabuga ako ng hangin. Hindi ko kasi mapigilan kabahan dahil baka mapaano iyong Lion, wala na sa aking magta-tanggol kung sakali. Napabalik ang tingin ko sa kanila nang mapansin ko ang paa ng Lion, may sugat siya! Hala?! Paano na iyan? Nasugatan yata siya nang hinila niya ako kanina, naalala ko may mga bato nga pala doon na nakausli at matutulis. Natamaan niya yata kanina ang mga iyon.
Napatingin sa akin ang Lion at binalik rin sa Tiger na ngayon ay biglang sumugod sa kaniya! Hindi kaagad naka-kilos ang Lion kaya nasakmal siya sa may bandang tiyan. Napasadsad ang Lion at pilit na kumakawala sa pagkakagat ng Tiger. Dahil na rin siguro sa laki ng Lion kaya siya nakawala at kaagad na kinalmot at kinagat rin ang Tiger, iwinasiwas niya pa ito bago patalsik na binitawan. Tumama ang Tiger sa may mga bato kaya namilipit ito sa sakit at di kaagad nakatayo.
Kinuha na itong pagkakataon ng Lion at 'agad niya ulit itong kinalmot sa may mukha at kinagat ang binti. Napa-ungol ang Tiger nang malakas kaya napatakip ako ng tainga. Binatawan rin siya ng Lion kaya hingal na tumayo ang Tiger at iika-ikang umatras. Napatingin ito sa akin kaya nanlaki ang mata ko. 'Agad rin itong umalis nang mag-growl ang Lion, lumapit siya sa akin kaya lumapit rin ako sa kaniya. Umupo ako sa harap niya at kinuha ang paa niya.
Malaki 'yong sugat pero nagawa niya pa rin labanan ang Tiger. Napa-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagod sa mata ng Lion kaya hinawakan ko ang ulo niya at nginitian ito. Tatayo na sana ako nang mahagilap ng mata ko ang tatlong Tiger na papalapit na tumatakbo papunta sa amin. Napansin yata ng Lion ang pagka-gulat ko kaya napatingin siya sa likod niya. Pero huli na dahil sabay sabay na sinakmal siya sa katawan at binti niya ng mga Tiger kaya napa-ungol siya nang pagka-lakas-lakas.
Hindi ko mapigilan ang mapa-luha nang makita ang kalagayan niya ngayon dahil pilit niyang nilalabanan ang tatlo pero hindi niya magawa dahil na rin sa mga natamong sugat. Pagod na rin ang Lion dahil sa dalawang beses na pag-sagip niya sa akin tapos ngayon ay pangatlo na.
"Ahhhh!!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang hapdi sa binti ko kaya napa-upo ako at napatingin doon, may kalmot!
*roaaar!*
Napa-angat ako ng tingin nang may biglang umungol sa harapan ko. Para akong nawalan ng dugo nang makitang isang Tigre ang nasa harap ko, nakabuka ang bibig niya kaya kitang kita ko ang matatalim na ngipin niya at ang hahaba pa! Siya siguro 'yong kumalmot sa akin! Ang sakiiiit!!! Huhuhuhu kailan ba ito matatapos!?
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa amin ni Lola, nagawa ko na ito kanina kaya paniguradong magagawa ko ulit ito ngayon! Ipinikit ko ang mata ko at pinakalma ang t***k ng puso na para bang may karerahan na nagaganap at inalis ko ang lahat ng iniisip ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nagawa ko kaagad ito at ngayon ay tila nalulunod na ako sa gaan ng pakiramdam. Para akong wala sa kapahamakan.
"Be calm like the Nature." Sambit ko, nabasa ko ito sa isang libro. Naalala ko lang.
Dinilat ko na ang mga mata ko at napangiti nang biglang umatras ang mga Tigre nang tingnan ko sila sa mata nila. Tumayo na rin ako nang hindi ko na maramdaman ang hapdi sa binti ko, parang namanhid ang buo kong katawan nang gawin ko ulit ito. Nilapitan ko ang Lion nang tuluyan nang umalis ang mga Tiger. Napaluhod rin ako nang makita ko ang duguan at hinang-hinang katawan niya. Ang saklap ng sinapit niya! My goodness!
Kung kanina ko pa siguro ito ginawa siguradong hindi niya ito dadanasin.
"Sorry, Lion. Kung hindi dahil sa akin hindi ka magkaka-ganiyan. Kung hindi ka sana nagising kanina, ayos pa ang katawan mo hindi ganitong puro sugat ka na." Kausap ko sa kaniya, napatingin siya sa akin kaya hinawakan ko ang paa niya.
"Nagtagumapay ka!" Kausap sa akin ng Lion—teka! Kinausap ako ng Lion na ito?!
"Oh! Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Nagsasalita ka?!" Turo ko sa kaniya.
"Obvious ba?" May pag-taas na kilay na sagot nito.
"Paano ka nakakapag-salita?" Manghang tanong ko.
"Ay oo nga pala. Magta-transform lang ako saglit." Sabi niya at bigla na lang siyang nilamon ng liwanag.
After humupa ng liwanag ay may pumalit naman ditong isa pang ball of light. Hindi ko na ito pinansin at inilibot ang paningin.
"Oh, nasaan ka na?"
"Oii heto ako, hello?" Sagot nito na siyang ikina-tingin ko sa ball of light.
"Iyon na 'yon?" Tanong ko dito.
"Oo hehehe...ang totoo niyan liwanag lang talaga ako pero kaya kong mag-transform sa kahit na ano." Sagot nito
"Weh? Sino ka ba? Ano ka ba?" Tanong ko ulit.
"Ay oo nga pala. 'Wag ka muna magsa-salita ah! Magpapakilala muna ako." Sagot nito.
"Oh sige, basta ba walang mga Tiger okay ako."
"Hahaha wala na sila noh, umalis na." Natatawang sagot nito.
"Oh edi gora na! Magpakilala kana."
"Okay. Ako ay ikaw, ikaw ay ako. Iisa tayo, pero hindi ako galing sa Mama mo dahil galing ako kay Mother Light. Hindi ako mabubuhay kung wala ka gayon din ikaw, kaya ngayon na papasok ka na sa Dranair kailangang maging isa na tayo para ma-activate na ang charm mo! Kahit na nasa iyo na ang Earth Dragon hindi pa rin gagana ang Charm mo dahil wala pa ako." Mahabang paliwanag nito.
"Ahhh ikaw pala ang Yin ko. Paano tayo magiging-isa?" Tanong ko sa kaniya.
"Papasok ako sa loob mo, kaya pumikit ka na." Sagot niya.
"Ngayon na ba?" Tanong ko ulit.
"Oo, alangan namang bukas? Hindi pwede dahil nasa panganib ngayon ang magulang mo—natin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Ano?! Bakit?!"
"Basta doon mo na lang alamin. Pumikit kana dali!" Sagot nito. Tumango naman kaagad ako.
"Oo sige." Sinunod ko na lang ang sinabi niya at hindi naman nagtagal ay may pilit na pumapasok sa loob ko na mainit. Siya na siguro iyon.
"Tapos na!" Rinig kong salita niya mula sa loob ko. "Iyon na 'yon?"
"Yup. Sige na magmulat kana." Magiliw na sagot niya.
*flashback ends*
"At doon na nagtatapos ang pagsubok ko." Hingal na sambit ko. Walanya 'yan, nakakahingal mag-kwento ah!
"Geez. Mahirap nga talaga ang sainyo." Nakangiwing kumento ni Rose Ann.
"Hmm! Sinabi mo pa!" Tatango-tangong sagot ko.
"Who's next?" Tanong naman ni Kuya, referring kung sino na ang magku-kwento.
"Si Rommel!" Suggest ko naman kaagad.
"Okay." Payag naman 'agad niya. Naks, mukhang nasa mood yata ang isang ito ah.
"Masters, gustuhin ko mang marinig pa ang mga kwento ninyo ngunit malapit na tayo. Kung maaari ay ihanda na ninyo ang mga sarili ninyo." Sabat ng lalaki na maghahatid sa amin sa Academy. Nasa passenger seat siya.
"Uhmm sige po." Sagot namin dito. "Mamaya na lang ninyo ikuwento ang nangyari sa inyo." Sabi ko sa magkapatid.
"Oo naman yes." Ngiting sagot ni Ate Catherine. "Do you have powder?" Tanong niya.
"None. Ikaw?" Tanong ko naman kay Rose Ann, pero umiling lang siya.
"KayJerald." Sabat ni Rommel. Natatawa naman kaming napatingin kay Kuya na ngayon ay nag pupulbos na nga!
"Wow! Prepared si Kuya!" Nakangising sambit ko.
"Buti nga mayroon ako, kababae ninyong tao wala kayo nito." Sabi niya habang panay pa rin ang kuskos sa mukha. Inabot naman na niya sa amin iyon kaya gumaya na rin kaming tatlo.
"Nandito na tayo." Sabi ni kuyang driver kaya napatingin kami sa bintana. Mga puno naman ito ah?
"Sigurado po ba kayo Kuya?" Tanong ni Ate Catherine.
"Oo, nasa b****a pa lang tayo pero nandito na po tayo." Sagot naman nito. Nagkatinginan na lang kaming tatlo dahil hindi namin gets ang sinabi niya. Basta oo na lang.
"Yah! May malaking gate oh!" Biglang sabi ni Rose Ann, kaya napatingin kami sa harap and she's right!
"Omooo dadaan na tayo! Picturan natin daliii." Excited na sambit ko habang hinahalungkat na ang phone ko sa bag na dala ko.
"Ahh kuya? Pwede po ba tayo tumigil sandali? Pipicturan lang po namin." Paalam ni Ate Catherine.
"I'm sorry but it's a no. Hindi tayo pwedeng tumigil dito." Sagot ng Driver. Na-sad naman ako dahil sa sagot nila at napanguso na lang.
When we entered the gate, the van filled with awe. Their gate is so effin cool! It looks like a dome filled with gold carvings. Ang taas din ng ceiling and may limang post doon with a special carvings sa itaas nila. This place can't be called a gate dahil mas mukha talaga siyang dome. Iyong malaking pinasukan lang namin ang gate yata.
Almost 10 minutes din kaming tumagal sa dome-like gate na iyon and now puro naman katubigan ang nadadaanan namin.
"Nandito na tayo." Nakangiting sambit ng nasa passenger seat.
When we looked again outside. My mouth drops by the sight. My eyes may resemble the owl. Nagkatinginan kaming lima at pare-pareho lang ang mga reactions namin. Kaniya-kaniyang pag-silip ang ginawa namin sa labas at hindi ko na napigilan ang mapatili.
"Waahhh!!! Ang gandaaaaa!!!"