Jerald's POV
"Grrr...grrr...arrrghh..."
I covered my ears because of the annoying sound that keeps on interrupting my sleep. Dumapa na rin ako at bahagya pang napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng likod dahil sa tigas ng kinahihigaan ko. After a second ay naramdaman ko namang may something na pumatak sa nape ko. I harshly wipe it off but it feels odd. Nang may tumulo ulit ay kaagad ko itong kinapa.
I twitched my nose when I feel how sticky it is. Kaagad akong napamulat at tumambad sa akin ang walang katao-taong sala. They are all gone and I am left alone here—lying on the cold floor. Inis akong napa-upo at kaagad na ipinunas ang comforter sa batok ko dahil sa lapot nang pumatak dito.
"Where the heck are they?" I mumbled nang makitang maayos na ang sofang kinahigaan ng tatlong babae.
"....grrrr!" Napakunot ako ng noo nang makarinig na naman ng isang growl. I roamed my eyes pero wala naman akong nakikitang hayop. I can't even hear noises coming from the four. What the f**k? Did they left me here alone?!
I immediately stand up but something caught my attention. There's a creature who's comfortably lying on the white bean bag na nasa likod ko kanina. Kulay asul ito, it also has a small wings on its back at may mahabang buntot na may patusok-tusok. I raised my eyebrow nang salubungin ako nito ng blue eyes niya.
It gave me a look like it's examining me. Bumaling pa-kanan ang ulo niya and there I saw its saliva who's flowing from its slightly open mouth. Don't tell me iyan ang tumulo sa batok ko kanina?!
"Oh, you're awake." Napatingin ako sa main door nang bumukas ito at iniluwa si Rose Ann na nagpupunas ng pawis niya.
"Where the heck did you all go? Ako na lang mag-isa dito oh!" Bulyaw ko sa kaniya na ikina-tawa naman niya kaagad.
"We just went outside to play with the Dragons." Sagot niya na ikina-kunot ng noo ko.
"What do you mean you play with the Dragons? As far as I know kay Cristina pa lang ang Dragon na napisa." Tanong ko habang inaayos na ang pinaghigaan ko.
"Oh I see, ang tulog mantika mo kasi kaya clueless ka. All of your Dragon Eggs hatched this early morning. Nandoon na silang tatlo sa likod ng dorm dahil may open field pala doon at nilalaro na sila. Bumalik lang ako dito to check you and your Dragon." Sagot niya na ikina-laki ng mata ko.
Parang nawala ang antok ko dahil sa narinig. "What the heck? Where's my Dragon?!" Sigaw ko. Napangiwi naman siya at napakibit-balikat.
"We left it here kasi ayaw niyang sumama sa amin. I think it's waiting for you to wake up kaya hinayaan na namin. Nasaan na nga ba iyon?" Sagot niya at inilibot ang paningin sa paligid.
Excitement filled my system at nakitulong na rin sa paghahanap. Damn! Makikita ko na ang Dragon ko! I've waited for this to happen kaya hindi na ako mapakali. "Nasaan na ba ang Dragon ko?" I can't help but to ask the air dahil napunta na sa kusina si Rose Ann.
"Grrr....grrr!" Again, I heard the growling sound kaya napatingin ako ulit sa bean bag na kinalalagyan ng creature kanina pero wala na iyon doon. Wait—what?
"Rose Ann!" Tawag ko sa kaniya. Tumatakbo namang lumapit kaagad sa akin si Rose Ann at magsasalita na sana nang mapako ang tingin niya sa likuran ko. "Oh there you are!" Sambit niya.
Napatingin kaagad ako sa likuran ko at tumambad sa akin ang creature kanina na nasa ibabaw na ng estante malapit sa main door. Mukha itong aso dahil parang tangang nakatunghay sa akin while showing its tongue that's dripping with saliva. Ngayon lang nag-register sa utak ko ang kabuuan niya.
It looks like exactly Cristina's Dragon! The color is just different pero halos lahat ay kamukha na. Ngayon ko lang rin napansin ang maliit nitong sungay. Naramdaman ko ang pagbunggo ni Rose Ann sa balikat ko.
"Jerald, meet your Air Dragon!" Bakas ang saya sa boses niya.
"Grrr!" After it growl ay kaagad na akong napa-ngiti. Halo-halong emotion na ang nararamdaman ko while just looking at it. I can't move my feet nor my body para lapitan siya. I was surprised when it voluntarily comes to me.
Dahil sa maliit pa ito na halos kasing laki lang ng full grown cat ay umupo na ako at sinalubong na siya. I saw excitement on its eyes nang ilahad ko ang kamay ko para iangat siya. Napatawa ako nang bigla na lang nitong dinilaan ang mukha ko and I feel its tail incircled my arms.
"Hey there little Dragon." Ngiting-ngiti na bati ko dito habang inilalayo ang mukha ko sa kaniya. Kumawag-kawag ang maliliit niyang pakpak at tumatama rin iyon sa mukha ko kaya no choice ako kun'di ang ilayo siya sa mukha ko. Damn, hindi pwedeng masira ang mukha ko 'no!
"Halatang excited na excited ah." Natatawang kumento ni Rose Ann habang tinitingnan kaming dalawa. "Come on outside para makita mo na rin ang iba pa." Aya niya sa akin. Tumango naman ako at sumunod na rin sa kaniya.
Pagkalabas namin ay pumunta kami sa gilid ng dorm. May pathway naman doon at pag-tingin ko sa dulo ay napanganga ko nang makita nga ang open field. May tatlong burol doon at may isang malaking puno sa gitnang burol. Doon ko nakita ang tatlo na hawak ang mga Dragons nila. Nagpapasag naman ang Dragon ko kaya inayos ko ang pagkakahawak sa kaniya. Mukhang na-excite rin nang makita ang mga kasamahang Dragons.
"Goodmorning! Look at our Dragons! Aren't they're cute?" Kaagad na bati ni Ate Catherine while showing me her Dragon. Hers is color green and Rommel's red.
"Ang dadaya ninyo, hindi man lang kayo nanggigising!" Sita ko sa kanila while examining our Dragons.
"Duh? We did kaya! Ang hirap mo lang talagang gisingin kaya iniwan ka na namin." Sagot naman ni Cristina habang tinuturuang lumipad ang Dragon niya na nagagawa nang ikampay ang pakpak niya.
"Hey, magpe-prepare na muna ako ng breakfast natin ah." Paalam bigla ni Rose Ann. Tinanguan na lang namin siya habang nakatuon ang pansin sa mga Dragons namin.
MASTER Catherine's POV
I followed Rose Ann with my gaze when she goes back inside the dorm. Earlier, we woke up because of the noise that comes from Rose Ann. We heard her laughter and when we find her, we saw her in the kitchen playing with our Dragons. She looks so happy while surrounded by the four Dragons. But because of our surprise and excitement for our Dragons, we spoil it.
I know she's sad because until now ay hindi pa rin nagha-hatch ang Dragon Egg niya. And a little sadder because hindi naman Dragon ang nasa loob niyon. I know she wants one kasi I know how she loves reading and watching movies-series about Dragons. Sa aming lima ay siya lang ang mas naniniwala sa mga myths.
I sighed before facing my Dragon who's currently staring at me.
"What? Are you that surprised to finally see your beautiful Master?" Tanong ko dito.
She snorted and she even rolled her eyes! "Dream on! I was just listening to your thoughts oii. Nag-a-alala ka kay Rose Ann right?" Sagot niya. I nodded because it's true naman.
"How can the Gods is being unfair to her? Dapat hindi na lang siya binigyan ng Dragon Egg kung hindi naman pala Dragon ang laman niyon. They are giving her false hopes!" Nakangusong sagot ko sa kaniya.
"We can't blame them though. Swerte niya pa nga kasi kahit papaano ay binigyan siya ng Dragon Egg." Sagot nito while licking her paws.
"Kahit na ano, unfair pa rin sila." Sagot ko pa rin. "Kaya ikaw! Be good to her ah?"
"Sus kami pa? Even though she's not our Master ay may something sa kaniya na we can't help but go near her. We always feel this feeling that we need her touch every single day. Hindi namin alam kung bakit but we are comfortable with her—just like our Master." Sagot niya.
"Hmm I see. Okay na rin siguro 'yon para hindi siya malungkot." Sagot ko at nilaro-laro na lang siya.
"Hey, guys! What if mag-tour na muna tayo sa Academy while playing with them? Para na rin ma-familiarize na rin natin ito para hindi tayo maligaw bukas." Sigaw ni Cristina sa kabilang burol while teaching her Dragon to fly.
"Hmm sige. Pero let's wash up muna kasi kahapon pa itong mga suot natin and we didn't take our breakfast yet." Kaagad na sagot ko. Nagsitanguan naman sila kaya naglakad na kami pabalik sa Dorm House namin.
I called it Dorm House kasi napaka-unreal naman kung dorm lang. Mas mukha kasi talagang bahay ito kaysa dorm. Pagpasok namin sa bahay ay kaagad na sumambulat sa amin ang mabangong amoy. We laugh when all our stomach reacts. Nagpaunahan pa kami sa pagpunta sa dining area.
"Oh nandito na pala kayo, tara kain na." Aya ni Rose Ann while putting the bowl of fried rice sa center. There are hotdog, bacon, omelet, and fruits. May hot chocolate rin sa bawat mug namin.
"Abaa himala yata nagluluto ka na." Kumento ni Jerald habang umu-upo na sa upuan niya. It is a round table at may limang upuan. We sat alternately. Inilapag na rin muna namin ang mga Dragons namin sa separated na lamesa. May mga fresh meat doon at mga fruits na tingin ko ay hinandang pagkain ni Rose Ann para sa kanila.
"Magto-tour tayo ngayon Rose Ann." Sambit ko after naming mag-dasal bago kumain.
"Ahh okay cool." Tanging sagot nito dahil puno na ang bibig ng pagkain. Napailing na lang ako at kumain na rin dahil nagpapaunahan na silang kumuha.
"Sabi ko ayaw ko ng hot chocolate sa umaga, e." Reklamo ni Jerald while looking at his mug.
"Huwag ka nang mag-reklamo Kuya! Pasalamat ka pa nga may iniinom ka diyan." Sita sa kaniya ng kapatid. Napa-ingos na lang si Jerald.
After we eat, I volunteered to wash the dishes. They also went to their rooms to take a bath. We all have no choice since our belongings are there. We think that our terraces will not be opened so that nothing will be a problem. I also went to my room after. I left the Dragons in the living room because they were asleep again. They must have been drowsy because of satiety.
I take a deep breath bago binuksan ang pinto ng room ko. Kung ano 'yong iniwan ko kahapon ay ganoon parin naman ngayon. Nagulo lang ng slight ang kama dahil nataranta ako kahapon sa pagtakbo palabas dito. Naka-lock pa rin ang terrace ko at hindi kita ang labas. Mabilis na kinuha ko ang maleta ko at kumuha ng damit.
After that, pumunta na ako sa bathroom ko. When I opened it ay naamoy ko kaagad ang lavender scent. There, I saw a sink and a big mirror. May two-door cabinet sa gilid ng sink at mayroon din naman sa ilalim. I opened the one on top at mga necessities pala iyon. Kumpleto pa siya kaya napangiti ako. Sunod naman ay ang sa ilalim. Dalawang magkaibang cabinet ang nandoon, ang isa ay puro towel and bath robe. Ang isa naman ay mga necessities ulit, toiletries at panlinis yata dito pero mga naka-pack pa sila.
I closed it and put my clothes on top of a high table. Napa-woah ako nang makita ang marble made bathtub, may shower rin and a toilet of course. May kalakihan ang bathroom kaya hindi siya masikip—uhh duh?
I didn't waste any moment at kaagad nang naghubad at pumasok sa shower. I'll use that bathtub, but not now. Halos tumagal rin ako ng 30 minutes dito bago natapos. Nagbihis na rin ako at binalot ng towel ang buhok ko.
Lumabas na ako sa bathroom at umupo naman sa harap ng salamin para mag-lagay ng something sa mukha.
I heard a knock on my door nang saktong tapos na ako sa pag-aayos. "Ate Catherine! Tara na!" Rinig kong tawag ni Rose Ann sa labas. Tiningnan ko pa muna ang sarili ko sa full-length mirror na nakadikit sa closet ko.
I'm wearing an off-shoulder na long sleeve and high-waisted jeans, suot ko na rin ang pumps ko. Naka-half braid ang buhok ko at may kaunting strands. Naka-liptint lang rin ako since touring lang naman ang gagawin namin ngayon.
Lumabas na rin ako after at tumambad sa akin ang maaayos nang mukha ng kapatid at mga pinsan ko. Cristina's wearing a dress and nakalugay lang ang buhok na may clip sa right side, she's wearing her pumps rin. Rose Ann's on her oversized shirt and high-waisted jeans with rubber shoes, naka-high ponytail lang siya. Rommel's on polo shirt, jeans and rubber shoes, naka-brush up ang buhok na usual hairstyle niya. Jerald's on a long sleeve na pinush hanggang siko, jeans and rubber shoes rin, naka-messy hair siya na I think ginamitan ng gel kasi medyo stylish.
"The heck? Are we going somewhere else than touring?" Natatawang tanong ko dahil sa ayos naming lahat.
"Ang o-OA ng suot ninyo." Ngiwing sagot ni Rose Ann at nauna nang maglakad pababa. Napangisi na lang si Jerald bago sumunod na rin kami.
We are holding our Dragons that have woken up and we are here now in front of the door we went through yesterday. We looked at each other because we didn't know how to open it.
Rose Ann's POV
We look like s**t while standing behind the door. Gusto kong kamutin ang ulo ko pero dahil naka-high ponytail ako ay pinigilan ko kasi baka masira. Napa-padyak na lang ako at nagsimulang kapa-kapain ang pinto. I don't know kung saan gawa ito pero it looks like a marble kasi makinis siya. Kinatok-katok ko pa ang ibang bahagi nito, baka kasi may nakatagong button para bumukas ito. May bato rin dito na kagaya ng nasa labas pero wala namang effect ang pagkatok ko.
"Ano wala pa?" Atat na tanong ni Jerald. Siniringan ko naman siya. Is he blind at hindi niya nakikitang I look like stupid while kumakapa-kapa dito?
"Hey look." Rinig kong salita ni Rommel kaya napatingin ako sa kaniya. While carrying his Dragon on his right hand, winave niya ang left hand niyang may hawak na rolled paper at isang card.
"Saan galing naman 'yan?" Tanong ko at nilapitan siya. Nagsilapitan naman na ang tatlo pa. Total ako lang naman ang walang bitbit ay kinuha ko na ito sa kaniya at ininspeksyon.
Ang front ng card ay may naka-engrave na parang logo. It is a four dragon na nakabuka ang pakpak. Naka-form sila ng circle at sa center nito ay may dalawang sword na magka-cross. The card is colored black while the whole logo is color silver. Sa likod naman ay nakasulat ang name ng Academy with the Headmaster's signature. Nandoon din sa upper right ang logo ng Academy.
Dranair's Academy logo is again—a Dragon pero isa lang iyon. Nakabuka rin ang pakpak ng Dragon at sa ibaba niya ay may built ng tao na may hawak na espada at nakatarak ito sa lupa. Sa baba nito nakasulat ang Dranair Academy.
"I think I saw that card before." Kunot-noong salita ni Rommel habang titig na titig sa card.
"Wait... I think iyan 'yong ginamit ni Ms. Secretary pambukas ng pinto kahapon. Iniswipe niya iyan doon sa bato." Sagot ni Cristina na siyang ikina-tango naman namin.
"Buksan mo na 'yang papel." Utos ni Ate Catherine na siyang ginawa ko naman.
Inalis ko muna ang ribbon nito bago tuluyang nabuksan. "It's a letter from Ms. Secretary." Sambit ko at kaagad na binasa nang malakas ang nakasulat. "Dear Masters, I'm sorry if I have to use a letter to tell this instead of saying it personally. That card is your temporary pass for you to open your dorm's door. We haven't finished making your IDs yet so please bear with it for a while. This message will dissolve immediately after you read it and it will change as the Academy's map. If you all are going to tour around, you can use it. Thank you and again, welcome to Dranair Academy. From Ms. Anastasia, Dranair Academy's Secretary."
"Oh look." Sambit ni Jerald matapos kong mabasa ang laman ng letter ni Ms. Secretary na Anastasia pala ang pangalan. Napa-woah kami nang ma-dissolve nga ang message niya at napalitan ng map ng Academy.
"Tae ang astig!" Tunog kantong salita ko at ininspeksyon pa ang letter na naging mapa.
"Buksan mo na ang pinto para makapag-tour na tayo." Utos sa akin ni Ate Catherine. Tumango naman ako kaagad at itinapat ang card sa bato na nasa center rin ng marble door. The rock like gem glow white at kaagad na bumukas. "Shet na malagket talaga." Naiiling kong sambit at kaagad na lumabas.
"Cristina, ikaw na lang humawak ng map. I'm bad at direction at baka maligaw pa tayo kahit may map na." Kausap ko kay Cristina. Napatango naman ito kaagad at lumapit sa akin. Tulog sa braso niya ang Dragon niya kaya no choice ako kun'di ang maging taga-hawak ng mapa.
"Malapit lang dito ang library, let's go there first." Salita ni Cristina matapos pag-aralan ang mapa. Napatango naman kami at kaagad na sinunod ang nasa mapa.
Tatlong hallway ang nilikuan namin bago natunton ang library. Tumambad sa amin ang floor-to-ceiling na wooden door. May torch sa bawat gilid ng pinto na nakasarado. Itinulak nila Rommel at Jerald ang pinto dahil wala itong handle. The door creaked when it opens at kaagad namin nakita ang nagtataasang bookshelves. It almost reaches the high ceiling. The library looks like a dome at maliwanag dito. Kitang-kita mula sa naglalakihang bintana ang labas ng Academy.
Nangingiting napa-lapit ako kaagad sa mga libro. I love reading books, that is my pastime and my escape to this harsh world. I ran my fingers to the shelves at napatango-tango nang makitang walang kaali-alikabok ito. Every section ay dalawang shelves ang nauukupa at ang dami-daming libro! I think I found my favorite spot here in Dranair.
"Oii tara na, sa iba naman tayo." Tawag sa akin ng apat kaya sumunod na rin ako sa kanila. I'll get back to you soon my dear library!
We spent our day touring around the Academy. We went to Academy's garden, Dranair's hall, the classrooms, and many more. May nadaanan pa nga kaming hilera ng gymnasium. We can't open the doors to take a glimpse inside kasi naka-lock ang mga iyon and just like our dorm, kailangan rin ng card pambukas niyon.
Sa cafeteria na rin kami nakapag-lunch dahil ang layo na nito sa dorm namin. Ang cool nga kasi libre na ang pagkain doon nang makita nila ang mga Dragons ng pinsan ko. And hey, sobrang laki ng cafeteria!
Alam ninyo 'yong dining area sa Harry Potter? Damn s**t! Mas malaki pa iyon doon at mas maliwanag dahil sa naglalakihang bintana. Kung apat na long table ang nandoon, dito sa Dranair ay hindi. Mga 10 seater table and chair ang organized na naka-set up. Nasa elevated part rin ang food counter kaya kitang-kita kung ano ang mga naka-handa doon. May limang chandelier rin, isang malaki sa center at apat sa bawat corner.
Medyo weird lang kasi kami lang ang nandoon. Wala kaming students na nakita bukod sa mga server. Solo tuloy namin ang napaka-laking cafeteria at malayang nakakapag-laro ang mga Dragons.
All in all ay medieval style and design ang buong Academy na sakto naman sa Palace-like structure nito. Nahahaluan lang ng kaunting pagka-modern dahil sa mga mangilan-ngilang modern na kagamitan.
Pabagsak na sumalampak ako sa sofa pagkarating namin sa Dorm House. Nakakapagod ang araw na ito and to tell you honestly, hindi pa namin napupuntahan ang lahat ng nandito sa Academy. Masyadong malaki ang Dranair para gugulin ang isang araw sa paglilibot. But at least kahit papaano ay hindi na kami maliligaw bukas.
"I'll cook our dinner na ha. What do you want?" Salita ni Ate Catherine habang inaalis ang pumps niya at nagpalit ng pambahay.
"Basta iyong may sabaw ulit Ate Catherine." Sagot ni Jerald habang nakahiga na sa isang sofa.
"Okay." Tanging sagot ni Ate Catherine at naglakad na papunta sa kitchen.
Naiwan naman kaming tahimik. As usual, tulog na naman ang mga Dragon and nasa lapag lang sila since carpeted naman ang floor. Napagod rin yata magkipag-habulan sa mga Masters nila kanina. Automatic na nagkatinginan kaming apat nang may marinig na door bell sa pinto ng Dorm House namin.
What the fudge? Wala yata akong maalala na may door bell sa labas?
"Open it." Utos ni Jerald sa kapatid. Padabog namang tumayo si Cristina at padaskol na binuksan ang pinto. Since malapit sa akin ang pinto ay nasilip ko ang labas.
Walang ibang tao doon bagkus ay limang box ang sumalubong sa amin. Kaagad akong napatayo at napalapit doon. "Hoy tingnan ninyo oh." Tawag ko sa dalawang lalaki.
May letter na naman sa ibabaw ng isang box kaya inabot ko iyon. May stamp ito ni Headmaster kaya kaagad ko nang binasa nang malakas. "Dear Masters, we hope you enjoyed your tour around the Academy, and here are your school needs. I hope it fits you all. Have a good evening, Masters. From Ms. Anastasia." Basa ko dito.
"May bawat label ang mga box. Here's mine." Salita ni Jerald at kinuha ang box niya.
Kaniya-kaniya na rin kami sa pagkuha ng mga box namin. Inilagay na muna namin ang mga iyon sa mga rooms namin dahil chibugan na ulit.
After we eat ay si Cristina naman ang nag-hugas kaya nagsi-akyatan na kami sa mga kwarto namin. I took a bath first bago hinalungkat ang box ko. Unang tumambad sa akin ang school bag na may burda ng logo ng Dranair. When I opened it ay normal supplies lang ang nandoon kaya itinabi ko na muna iyon. Inside the box may three sets ng nakatuping uniform.
I immediately grab one at kaagad na inalis ang plastic. Nang iladlad ko ito sa kama ay napanganga ako dahil sa ganda nito.
There's a white long sleeve with a gold ribbon behind the collar. May black ding coat and sa left nito ay nandoon ang logo ng Dranair kasama ang maliit na bulsa. I think three inches above the knee naman ang black skirt na may white lacy design. I saw a two inches black shoes and dalawa naman iyon, when I check it ay sakto sa size ng paa ko. May set rin ng white long socks na may design na gold sa itaas.
Nang silipin ko ang box ay may white box doon na ka-size ng ring box. May naka-ipit din doong note kaya binasa ko.
'Please wear this pin on the right side of your uniform, Master. Thank you.'
Iyon ang nakasulat doon kaya binuksan ko ito. I was in awe when I saw the shining badge like pin na katulad ng logo na nasa card pass. It is made of gold at kahit wala nang test na gawin ay halatang gawa ito sa pure na gold. Napatingin ulit ako sa box nang makita ang isa pang box na pahaba. Nang buksan ko ito ay ID ko pala ito.
Napakunot ako ng noo nang makita ang mukha ko doon. Wala yata akong maalalang nagpa-picture kami for our ID picture? I just shrugged dahil kahit papaano ay maayos ito. Not like the one I have sa Cupid University. Akala mo hinabol ng aswang dahil sa haggard na mukha.
Nandoon ang complete name ko. Below ay ang bold letter na MASTER at sa ibaba rin niyon ay ang katagang Alpha Charm-1S. Sa upper left and right corner ay nandoon naman ang logo ng Dranair at n'ong pin. May black lace ang ID and again, nandoon ang dalawang logo sa may bandang nape. So basically, tago ang dalawang iyon kaya bakit pa nila nilagyan?
Nang matapos ko nang tingnan ang laman ng box ay inilagay ko na ito sa dapat nilang kalagyan. Maayos na ring nakalagay sa malaking closet ko ang mga damit ko, ang laki pa nga ng space e. Hinanda ko na rin ang uniform na gagamitin ko bukas. When I look at my alarm clock ay 10 na pala ng gabi.
Nakaramdam na rin ako ng antok kaya pinatay ko na ang ilaw at iniwan ang lamp na naka-dim na. Dumiretso na ako sa kama at kaagad na humiga. Walang aircon dito pero hindi ko alam kung bakit malamig kaya ang sarap tumambay sa kwarto.
After kong mag-pray ay napabuntong-hininga ako. Tomorrow is the day! The day that will distinguish whether our life here will be at peace or not. Lola said that all students here are not normal like we had before. We need to be more careful and expect the unexpected. Damn. With these thoughts, I don't think I'll have a good night's sleep.