Rose Ann's POV
Another day, I won't ask for this day to be good for me because as long as Agatha is at Cupid University, my day will not be good.
I am now facing Lola as we have our breakfast. I didn't know last night what time did she arrived because I was already fast asleep. I couldn't even have my dinner kasi balak ko sana siyang hintayin but my body couldn't take the pain anymore. I fell asleep with my headache so now it seems like it is a bit numb and I also missed taking medicine for it. I don't know what medicine to take for it rin kasi, whether it's biogesic or paracetamol or amoxicillin or mefenamic. There's a B-complex at Loperamide pa. I don't look at what medicine Lola gives me kada may masakit sa akin, as long as the medicine is okay ay inom na kaagad.
"Lola anong oras ka na po pala naka-uwi kagabi? Nakatulog na po kasi ako kakahintay sa'yo 'di na tuloy ako naka-kain." I asked, well, that's how I really am to my Lola, they said I am a sweet apo but for me, it's not, because that's my way so she can't nag at me.
"Hindi ka na naman kumain?! 'Di ba sinabi kong huwag na 'wag kang matutulog nang walang laman ang tiyan mo?!" She shouted angrily at me so I frowned.
"Ang tagal ninyo nga po kasing dumating kaya kasalanan ninyo rin po 'yon." I replied, she was about to hit me so I immediately gave her a peace sign.
"Bakit, sinabi ko bang hintayin mo ako?" Taas kilay na tanong niya.
"Hindi po. Pero alam ninyo naman na hindi ako sanay nang walang kasamang kumain, 'di ba? Wala naman kasi dito si Mama para samahan ako." My answer. Lola calmed down and averted her eyes.
"Magha-hating gabi na noong nakauwi ako kaya hindi na kita ginising pa." Grandma only answered and drank her coffee.
About my mother, she is not here. What I mean is, it's almost 10 years when she left us. She left without even saying a word. Kahit mag-iwan ng letter ay hindi niya ginawa. Until now I have no news of her. It seems like she forgot that she has a daughter who's been waiting for her. She forgot that there's someone who's longing for her touch and presence. We don't want to think that she is gone or that she is dead because we just feel that she is still alive, and where in the world she's hiding that she can't even remember that she still has a child that's waiting for her and has a mother who was still waiting for her return.
I also can't figure out what reason she had for doing this to us but I think she was hiding something from us that she couldn't admit so she suddenly disappeared and never showed up again. I feel annoyed for what she did. It's normal for me to feel those because who doesn't, right?
I also felt sorry for Lola because she was too old to take care of me and I was no longer that young to not take care of her also, so Lola was able to move a bit as she wanted. Bilib rin ako sa Lola kong ito, with that age of hers she could still do heavy work! I caught her once standing on a relatively high chair and take note, her legs don't wobble like a usual elder ah. Kung ibang matanda iyon he wouldn't be able to do that.
Ang lakas pa rin ng Lola ko and that's okay because I don't want to see her struggling, iyong tipong mahina na at need na ng support for her to be able to move according to her will. I'm so lazy pa naman, I might drag her when I got irritated, charr. I can't do that to her oi, maybe when I do that, I'll be immediately chopped up by blows and pinches.
I looked at my wristwatch and saw that it's already 6:53 a.m. Ang pasok ko ay 7:30 and it was almost 20 minutes to Cupid so I finished my meal immediately. I drank the rest of the milk in my mug and hurried to brush my teeth. Lola gave me money so I just thanked her and left the house. I looked at the house in front of us and shouted loudly... "CRISTINA!!"
Yep, magkapit-bahay lang kami at hindi lang 'yon kasi dalawang bahay naman mula dito ay bahay ulit ng pinsan ko pa. Mamaya makikilala ninyo rin sila.
"Nagbibihis pa!" I heard Cristina shout inside their house.
"Bilisan mo! Malalate na naman tayo!" I shouted back again.
"Oo na! Mag-hintay ka diyan!" She answered as well.
"Last year mo pang gamit 'yang line na iyan! Is there nothing new?!" I shouted back again while laughing. I just smile when my neighbors look at me.
"Buset ka! Edi iwan mo na ako kung hindi ka makapag-hintay!" There was a mixture of annoyance when she shouted again so I laughed for real.
Ang dali talagang inisin ang isang ito kaya her brother always annoys her. She also has a sister and iyon ang panganay sa kanila while the boy is the second so Cristina is the youngest. Her father even always babysits Cristina because apart from being the youngest, she is also small. She was once mistaken for elementary student when we went to town to buy our school supplies, naaalala ko pa nga ang sinabi sa kaniya noon e.
"Oh dahan-dahan sa pagtutulakan, baka madapa ang bata!" Sabi n'ong guard doon sa shop. Muntik na akong mapahalak-hak kung hindi lang niya ako kinurot kaya ayon, halos laging umiinit ang ulo kapag may nagsasabing ang liit niya para sa grade niya HAHAHA.
"Oh? Ano pang tinu-tunganga mo diyan? Para kang tanga." Inis na bungad niya sa akin kaya nginisian ko lang siya at sumabay na sa paglalakad niya.
Medyo malapit lang dito ang University kaya minsan kapag hapon ay nilalakad lang namin at sa umaga naman ay kung wala kaming masakyang jeep or trycycle ay nilalakad na rin namin. But since medyo malapit nang mag-time ay kailangan na naming sumakay or else late kami and masaraduhan pa ng school gate.
Pero kung minamalas ka nga naman. Naka-alis na ang huling trycycle na nakaparada sa terminal at mga almost 15 minutes naman bago may muling dumating. Ang jeep naman ay ganoon din kaya no choice kami kun'di ang mag-lakad. Paniguradong haggard na kami pagkarating namin sa Cupid, umagang-umaga magpapawis na 'agad kami geez.
Malayo-layo na ang nalalakad namin at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa likod. Feling ko kasi may parang nakatingin sa amin or parang may sumusunod sa amin pero wala naman akong nakikitang tao o kung ano man everytime I tried to look back.
"Huwag kang feeling may stalker Rose Ann, nakakasama ang paga-assume." Kumento ni Cristina nang sabihin ko sakaniya 'yon, kaya nabatukan ko siya nang wala sa oras.
"Kapag talaga may sumusunod sa atin, iiwan talaga kita!" Sita ko sa kaniya.
"Edi iwan mo ako, hindi naman ako sisihin nila Mama kapag may nangyari sa akin at wala kang ginawa." Confident na sagot niya kaya napatahimik naman ako.
Bumalik tuloy sa alaala ko ang mga memories namin dati noong minsang ma-ligaw si Cristina at halos limang oras din ang ginugol nila sa paghahanap sa kaniya. Bumili kasi kami noon ng ewan ko kung ano, nakalimutan ko na kasi dahil masyado pa kaming bata noon. Ang alam ko kasi ay nakasunod siya sa akin nang papauwi na kami pero laking gulat ko nang makitang wala na siya sa likuran ko. Malapit na rin 'yon sa bahay namin kaya tumakbo na ako para sabihin sa kanila na nawawala nga siya.
Halos mamaga ang puwetan at binti ko noon dahil sa pag-palo sa akin ni Lola. Dahil daw sa kapabayaan ko ay muntik nang mawala ang pinsan ko at kung hindi raw nakita si Cristina ng isa sa mga kakilala ni Lola ay malamang may nangyari na sa kaniyang masama. Uso kasi that time ang kidnapping kaya grabe 'yong inabot ko sa kanila.
Ever since that day, I'm always attentive every time I'm with her. Pero talagang mapag-laro ang tadhana dahil noong mga bata pa kami ulit at naglalaro sa may kalsada ay nadapa siya dahil hindi ko alam na napalakas pala ang pagkaka-tabig ko sa kaniya when a group of cyclers almost hit her. Pero hayon nga at ako pa ang lumabas na masama, haay buhay.
Kaya ito hanggang ngayon ay ginagawa ko ang lahat para huwag siyang madamay sa pambu-bully sa akin. Dahil kahit ako naman talaga ang laging nasasaktan ay ako pa rin ang magiging masama sa harap ng pamilya namin. Dang it. I sounded so dramatic.
I don't know kung may lihim ba silang galit sa akin kaya sa paraang ganoon nila sa akin nilalabas iyon. Siguro baka anak ako sa labas kaya ganoon HAHAHA or hindi kaya ay ampon lang ako ni Mama kaya iniwan niya rin ako. Dunno. Baka nga talaga.
Nawala na sana sa isip ko ang pakiramdam ko kanina na may sumusunod sa amin but to our surprise ay may malamig na kamay ang parehong humawak sa balikat namin.
"Ano ka ba naman Lola, papatayin mo po ba kami sa gulat?!" Sambit ni Cristina when we saw of who was the one held our shoulders with her cold hands. Isa itong matanda pero hindi naman siya mukhang pulubi sa daan, actually maayos ang pananamit niya at malinis rin.
"Pasensiya na mga iha. Magta-tanong lang sana ako kung saan ang lugar na ito, hindi ko kasi alam kung saang lupalop ba ako napunta dahil mukhang naliligaw na yata ako." Napapakamot na sagot ni Lola kaya napangiti na lang ako and told her the right direction.
"Maraming salamat mga iha....mag-iingat kayo...dahil marami ang naka-abang sa mga buhay ninyo." Pasa-salamat ng matanda but my forehead creased when I heard the words she whispered, katabi ko lang siya kaya rinig na rinig ko iyon.
"A-anong ibig ninyong sabihin Lola?" Alangang tanong ko sa kaniya. Samantala ay napatingin naman sa akin si Cristina na para bang nagtataka sa itinanong ko. I think she didn't hear what I heard based on her reaction.
Tinitigan niya kami ng mataman dahilan ng pag-kapit sa akin ni Cristina sa braso na tila ba natakot sa paraan ng pagtitig sa amin ng matanda.
"May mga masasamang nilalang ang tumutugis sa inyo, gusto nila kayong makuha dahil mapapasa-kamay ninyo ang bagay na kailangan nila. Kung kaya't mag-iingat kayong magpi-pinsan. Ngunit huwag mabahala, dahil may mga naka-antabay na tulong sa inyong mga tabi na handang ipagtanggol at iligtas kayo laban sa kanila. Sa muli Masters."
Para kaming natuod sa kinatatayuan namin dahil sa sinabi ng matanda na bigla na lang kaming tinalikuran at mabilis na naglakad papalayo sa amin.
Bumalik ulit sa isip ko ang mga katagang sinabi ng matanda. What the heck? May mga masasamang nilalang daw na naghahanap sa amin? Why? Why kami? At anong bagay naman ang nasa amin na kailangan nila? Sa pagkaka-alam ko ay wala naman kaming pagma-may ari na kinuha namin sa kung sino at sinabi pa ng matanda ay magpi-pinsan raw, edi ibig sabihin may iba pa naming pinsan ang hinahanap nila.
"T-totoo kaya ang sinabi ng matanda?" Bakas ang kaba sa tanong ni Cristina.
"Hindi ko alam. Pero bakit niya sinabi 'yon? Hindi kaya siya 'yong sinasabi ko sa 'yo na parang may naka-masid sa atin kanina?" I asked back at her.
"Posible, pero bakit tayo? Tsaka sinong pinsan?" Takang tanong niya ulit.
"Wala naman kayong ninakaw sa ibang tao 'di ba? Na posibleng mahalaga sa kanila kaya hina-hunting nila tayo?!" Tanong ko dahilan ng marahas na paglapat ng kamay ni Cristina sa batok ko, napa-aray naman agad ako.
"Mukha ba kaming magna-nakaw?!" Inis na bulyaw niya sa akin, napahawak kaagad ako sa tainga ko dahil sa tinis ng boses niya.
"Malay ko ba sa inyo. Hayaan na nga natin 'yon baka may saltik lang siya at napagkamalan tayo." I just said.
"Pero paano nga kung totoo?" Pilit pa rin niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Hindi 'yon totoo kaya tumigil kana!" Singhal ko sa kaniya.
"Aish! Kinakabahan na tuloy ako, baka bigla na lang may humarang sa atin at tambangan tayo, edi bye-bye earth na tayo huhuhu." She insisted kaya napa-face palm na lamang ako.
"Pwede ba Cristina tumigil ka na dahil hindi ka nakakatulong! Wala lang nga 'yon at imposibleng mangyari 'yon at tsaka hindi naman tayo pababayaan nila Lola kung sakali mang may mangyari nga sa atin." Inis na sambit ko na nakapagpa-tahimik sa kaniya.
Napasulyap ako sa relo ko at muling napa-buga ng hangin.
"Putek ayan! Late na tayo!" Inis na sambit ko at hinila na si Cristina patakbo dahil hindi ko namalayan na ang tagal pala naming kausap ang matanda. Late na tuloy kami.
Natapos ang klase namin nang wala ako masyadong natutunan dahil nababagabag pa rin ako sa mga sinabi ng matanda kanina. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mangyayari sa mga buhay namin na magpapa-bago nito, pero ayokong mag-assume ng maaga lalo na't mukha pa namang jino-joke time lang kami ng matanda. Pero bakit naman siya magsasayang ng oras para sundan pa kami para lang mang-joke time?
I think I'll tell it to Lola as soon as we went home. Mahirap na baka may ibig sabihin pala 'yon tapos babalewalain lang namin, mahilig pa naman si Lola maniwala sa mga pamahiin.
Nandito ako ngayon sa may canteen dahil nagutom na ako kaka-hintay kay Cristina. Nag-over time yata 'yong teacher nila dahil may activity raw silang ginawa at kinulang sa oras kaya mapapa-subo ako nito sa paghihintay sa kaniya. I still don't want to get home alone dahil baka nag-aabang pa rin 'yong matanda sa amin. It will be better kung mag-stick kami sa isa't-isa. Mahirap na ano, baka kasi may mga kasama pa 'yon at bigla na lang tambangan ang isa sa amin if ever na we're not together.
Kahit papaano ay maayos naman ang araw na ito sa akin dahil napag-alaman kong na-suspend pala 'yong alipores ni Agatha at pinag-general cleaning pa sa may garden sa likod ng building namin. Ang swerte rin naman ng babaitang 'yon at na-missing in action ang gaga at hindi nasama sa mga alagad niya.
Malamang kasi nakipag-lampungan na 'yon sa isa pang bwisit na lalaking 'yon. Hindi ba niya alam na nilalandi na siya ng alagad ni Kimeniah? At kapag nalaman ko lang na pinatulan niya ang impokritang 'yon ay automatic na ia-uncrush ko na siya at isasama na ang name niya sa death note ko.
Kinuha ko na lang ang notebook ko at nag-simulang mag-doodle ng kung ano-ano. Hindi ko kasi nadala 'yong phone ko dahil naiwan ko pala sa bahay habang naka-charge. Paniguradong hanggang ngayon ay nakasaksak pa rin iyon dahil hindi naman ina-alis ni Lola kasi sabi niya ay wala siyang pakialam kung sumabog man ang bahay dahil sa kapabayaan ko. Mabuti nga raw 'yon para makabalik na siya sa bahay niya pa raw na isa na nasa malayo.
Para namang may bahay pa siya e 'yon lang naman ang bahay na pagma-may-ari niya. Hindi na lang sinabi na para ma-renovate ang bahay niyang kasing tanda na yata ng mga Lolo't Lola niyang namayapa na.
After 30 minutes ay nagsilabasan na rin sila Cristina kaya dumiretso na kami pauwi dahil medyo padilim na dahil mukhang uulan pa yata ngayon, may bagyo daw e.
Hanggang sa maka-uwi kami ay wala namang kakaibang nangyari, wala namang humarang sa amin kaya medyo naka-hinga kami ng maluwag dahil pareho rin pala kami ng iniisip, hindi rin daw maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa amin tsk.