Rose Ann's POV
When I left the house, I went straight to Cristina's house. It's still a little early so tatambay na lang muna ako rito. I don't want to wait at home kasi wala si Lola doon. She left early and just leave a prepared breakfast for me. She didn't even inform me kung saang lupalop ng Pilipinas siya pupunta. She could wake me up to tell me where she was going for me to know where could I find her if ever, but she didn't. Ang tanda-tanda na pero ang lakwatsera pa rin, tsk.
I caught up with Tita Minerva in the living room, Cristina's mother. Who were folding their washed clothes while watching TV. She's even laughing because she's watching the movie entitled 'White Girls'. That was aired a long time ago so you must know about it, right?
"Oh nandito ka na pala, naliligo pa lang si Cristina paki-hintay na lang." She said as she noticed me sitting on the sofa in front of her.
"Sige po Tita... uhm hindi po ba kayo nagsasawa diyan sa movie na 'yan? Naka-tatlong ulit ko na po yatang nakita kayong nanonood niyan Tita." Curious na tanong ko.
"May mga movies kasing kahit paulit-ulit mo nang napanood nandoon pa rin 'yong excitement at energy na para bang first time mo pa lang napapanood kaya ganoon." She answered so I just nodded. Their family loves to do a movie marathon every Friday night. It was like a bonding moment for their family so sometimes I get involved because Lola doesn't like to watch things like that because she says her eyes hurt a bit when she spends a lot of time focusing on TV, matanda na kasi.
"Hoy, ano na namang ginagawa mo rito?" I heard a voice from the stairs. Their house is a two-storey house and there are only rooms upstairs, there is also a small terrace. Ours is only a one-storey but hey, it's wide and there's a big garden in the back.
When I looked there, it was Cristina's older brother, Jerald. He's a year older than us so I don't call him kuya anymore. Like I said before, they have another sister and that is the eldest but she is not here since she has a job and I just don't know where.
"Maka-'na naman' ka parang 'lagi akong nandito ah." I answered when he got down and sat down on their long sofa next to me.
"Eh sa araw-araw kong naririnig iyang boses mo sa labas at sa lakas niyon ay parang nandito sa loob nanggagaling 'yong boses mo." Sagot niya kaya tinampal ko ang noo niya.
"Maka-lait sa boses ko e 'di hamak na mas malakas at matinis ang boses ng kapatid mo kaysa sa akin!" I complaint.
"Sus e pareho lang naman kayo kaya huwag ka nang mag-reklamo, such a waste of saliva y'know." Sagot niya kaya napa-ismid ako.
"Speaking of saliva, mag-mumug ka nga muna! Amoy laway ka pa bwisit na 'to." I spoke angrily to him and moved away slightly to make the teasing more effective.
"Yah! How dare you say that! Kaka-hilamos ko lang for your information!" Sigaw niya.
"Duh? Sa spelling pa lang magka-iba na ang hilamos at mumog." Pang-iinis ko pa.
"Ahh gusto mo masampolan?" He threatened as he raised his fist.
"Tita oh! Balak yata akong suntukin ng mabaho ninyong anak!" I complained to her mother who was still busy folding their clothes.
"Tumigil nga kayo, kay aga-aga ang iingay ng mga lamok na 'to." Sita niya sa amin kaya napa-tikom ako ng bibig, 'langya, anong lamok?
"Bwahahahaha!! Maaa hindi lamok 'yan! Baka BABOY!" Jerald's ridiculous suggestion, ahh ganiyanan pala.
"Tita! Baka hindi rin ho lamok kasi PALAD 'yang isa diyan!" I answered immediately, I saw the change in the expression on his face so I turned to smile.
FYI. Iyong palad na sinabi ko is 'yong nakikita lagi sa dagat kapag low tide, alam ninyo 'yong isda pero manipis siya na malapad na parang gumagapang sa buhangin? It's also a bit slippery when touched so it's also a bit agile so he doesn't get caught right away. That's what we call him because he used to be skinny HAHAHA.
"Tongono?" Asar na sabi ni Jerald kaya napa-bunghalit ako ng tawa. Ang lakas kasi mang-asar pero mabanggit lang ang Palad grabe na maka-react, akala mo siya 'yong ina-api.
"Nagmumura ka?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Tita Minerva matapos marinig ang sinabi ni Jerald kaya 'di ko napigilang belatan siya.
May rule kasi kaming pamilya na sa oras na marinig kang mag-mura habang kaharap ang matatanda ay you will face your consequences at sa lahat ng rule namin ay 'yon ang pinaka-gusto ko kasi palaging nadadali 'yang Palad na 'yan kapag napipikon na. Kaya nga hilig naming asarin 'yan kapag kaharap ang matatanda dahil panigurado sermon na naman ang aabutin niyan HAHAHA.
Sinamaan pa muna ako ng tingin ni Jerald bago nagpaliwanag sa nanay niya na kunot na kunot na ang noo, buti nga wala dito si Tito e, kun'di ewan ko na lang sa kaniya.
Naghintay pa muna ako ng ilang minuto bago bumaba si Cristina na nagsusuklay pa ng manipis niyang buhok. Tingnan mo nga naman, ang tagal na niya sa kwarto pero hindi pa pala nakakapag-suklay?! Anong ginawa niya sa loob, nagmuni-muni ganoon? Wala talagang pagbabago ang bulilit na 'to.
"Uso ang bilisan ang kilos Cristina." Sita ko sa kaniya na humarap pa muna sa salamin dito sa sala nila bago humarap sa akin.
"Kasalanan ko ba kung hindi ko mahanap ang taragis na medyas na 'to?" Sagot niya naman, bigla naman akong napangisi dahil sa sinabi niya at napatingin kay Tita na masama nang nakatingin sa anak niya.
"Ano kamo?" Taas kilay na tanong ni Tita kaya napakagat-labi ako, ayan na naman makakarating talaga kami sa school nito ng hindi late.
"Ahhh ano ma! Hindi mura 'yon! Pangalan 'yon ng medyas ko 'di ba? Taragis?" Mabilis na sagot ni Cristina at kaagad na inalis ang sapatos niya at 'agad na ipinakita ang ilalim ng medyas niya na may nakaburda ngang taragis with hearty shape pa.
The fudge? Sinong matinong tao ang magpa-pangalan sa medyas niya?! Only Cristina Graspela guys! Nakakahiyang kasama 'to, tsk, sa dami ng pwedeng irason 'yon pa talaga.
Napatango na lang si Tita Minerva at binalingan na lang ulit si Jerald na nakataas ang kilay kay Cristina dahil alam kong alam niyang nakalusot lang ang isang 'to at siya hindi!
Nagmadali na kaming lumabas ng bahay bago pa man balingan ulit si Cristina kapag napagtanto ni Tita na naloko siya ng bunso niya, dakilang sumbungero pa naman ang Palad na 'yon.
Pagkarating namin ng school ay ano pa nga ba? Edi late na naman kami kaya parang kasali kami ni Cristina sa race dahil sa liksi ng takbo namin. Kahit medyo chubby ako ay maliksi pa rin akong kumilos kaya nga nagtataka ang iba minsan sa akin na hindi likas sa isang chubby-ng 'tulad ko ang maliksi kumilos, feel ko tuloy may super speed ako like The Flash.
Pagkarating ko sa room namin ay saktong nagtatawag na si Mrs. Cortez para sa attendance kaya napatigil siya nang tumambad ako sa pintuan na hingal na hingal.
"You're late Ms. Graspela." Untag niya sa akin kaya huminga muna ako nang malalim, hoo! I need wotaahh!
"Sorry po Ma'am! Traffic!" Sagot ko 'agad.
"As far as I know, walang traffic ngayon." Sagot niya.
"Eh Ma'am...traffic na nga po kanina. Kung gusto ninyo tingnan ninyo pa sa may high way, parang EDSA na." Sagot ko ulit habang inaayos ang buhok ko na nagmukhang bird's nest na dahil sa gulo.
"Oh siya sige na. Pa-salamat ka hindi ka pa natatawag kaya I will not mark you as late, try to be more early next time." Sagot na lang ni Mrs. Cortez kaya napa-salute ako sa kaniya at dumiretso na sa may likod dahil naagawan na naman ako ng upuan. Wala kasing proper seating arrangement kaya kung saan-saan lang umuupo mga classmates ko.
Napa-tingin ako sa dalawang transferee nang mapansing sila lang dalawa sa last row at as usual, poker face pa rin 'yong lalaki habang 'yong babae naman ay bahagyang nakangiti sa akin. Tinanguan ko na lang siya at kaagad nang na-upo sa may katabi ng bintana na two seats away lang sa kanila.
Simula noong first day ay hindi ko pa sila nakaka-usap. Medyo ilag din kasi 'tong dalawang ito at palagi pang magkasama, feeling ko tuloy mag-jowa itong dalawa pero hindi naman mukhang sweet sa isa't-isa. Siguro mag-bff? Naks, diyan din nagsisimula ang mga mag-jowa 'di ba? Walang forever oii! Sayang bagay pa naman sila, they will look good together if ever. Pero wala ngang forever kaya hindi na pala sila bagay.
"Class we will be having your first quiz today. Review all the lesson simula noong lunes, I will be back after 10 minutes and sisimulan na natin ang quiz." Sambit ni Mrs. Cortez matapos niyang ma-discuss ang lesson for today. Kaagad na rin siyang lumabas kaya 'agad akong pumadaos-dos sa upuan ko. Slouching time!
Ito na nga ba ang sinasabi ko, sa tamad kong magsulat kahit isang word wala pang laman ang notebook ko. Naniniwala kasi ako sa stock knowledge and to tell you honestly guys, once in a grading period lang ako nagre-review, iyong tipong paduguan ng utak. Hindi ko rin alam kung bakit e kasi feeling ko may photographic memory ako kaya pachill-chill lang ako sa buhay estudyante ko, hindi katulad ni Cristina na sub-sob kung sub-sob sa pag-aaral kaya hindi tumatangkad.
Napatingin ako sa mga kaklase ko na seryoso nang nagre-review, suss mga pabida. If I know ngayon lang sila ganiyan kasi unang week pa lang ng pasukan kaya syempre, pabibo muna tapos hanggang magtagal ayon na labasan na ng mga ka-echosan.
"Hindi ka ba magre-review?" Biglang salita ng nasa tabi ko kaya kaagad akong napa-harap sa kaniya, si Levia pala.
"Dehins na, yakang-yaka 'yan kahit walang review-review." Natatawang sagot ko. Himala yatang kinausap ako ng isang 'to, 'yong isa kaya? Hmm.
"Oww, mukhang matalino ka ah." Nakangiting sambit niya kaya medyo na-offend ako.
"Hindi nakakatawa ang biro mo ah." Taas-kilay na sagot ko sa kaniya.
"Ay, sorry." Napapahiyang sagot niya kaya natawa ako nang bahagya.
"Hindi ako matalino, sadya lang talaga na nasanay na ang utak ko sa mga tagpo na ganito kaya alam na niya ang gagawin kung sakali mang magkaroon ng surprise test or something chuchu." Sagot ko dahilan ng pagbalik ng ngiti niya. Arrgh, sana all maganda ang smile putakte na 'yan, nahiya ang endorser ng Colgate sa puti ng ngipin ng babaeng ito.
"Wow, I wish kagaya mo rin ako." Sagot niya kaya 'agad kong itinaas ang kamay ko.
"No. Bilang lang kami sa kamay kaya pag-dumagdag ka ay sosobra na. Hindi na magandang pakinggan at makita." Sagot ko na may bahid ng pagka-angas.
Napabaling ang tingin naming dalawa sa katabi niya nang malakas na bumuntong-hininga ito.
"Levia, can you please lower down your voice? Can't you see that I'm taking a nap here?" Inis na salita nito kaya napataas kaagad ang kilay ko. Taking a nap daw oh. Lakas mo kyah, how to be you po?
"Sorry, Icen. BTW may quiz tayo maya-maya in case you're not aware." Sagot naman 'agad ni Levia.
Hinarap niya ako at nag-sign na lang na magre-review na ulit siya.
Hindi maalis ang tingin ko sa Icen na 'to, walang halong malisya ha pero may something akong nararamdaman sa kaniya--oh scratch that sa kanila pa lang dalawa. Hindi ko lang ma-distinguish kung ano pero 'yon nga, may something suspicious sa kanila medyo malakas pa naman ang pakiramdam ko sa mga ganito dahil to tell you honestly ulit ay lahat ng mga gut feeling ko or something na nararamdam sa paligid ay kadalasan tama at nagkaka-totoo.
After 10 minutes ay dumating na nga si Mrs. Cortez at kaagad nang nagsimula ang quiz. Madali lang natapos ang quiz dahil nga mga pabibo pa ang mga kaklase ko kaya kunwari tutok talaga sila like fudge.
Mabilis lang rin natapos ang klase namin mag-hapon at hindi na naulit ang pag-uusap namin ni Levia dahil lumipat na ako doon sa dati kong upuan na medyo nasa unahan pa nila. Alangan namang lumingon pa ako sa kanila para lang makipag-usap e hindi naman ako magaling makipag-socialize.
Paglabas ko ng room ay parang gusto ko na lang ulit bumalik sa loob dahil sa dalawang taong paparating sa kinatatayuan ko. At talagang magka-holding hands ang mga walanghiya, hindi ba sila aware na bawal ang PDA dito? Parang mga hindi nag-aaral ah. Sayang ang mga tuition ninyo dito sa Cupid University mga hunghang!
"Ohh look who's here. Hi, Rose Ann!" Nakangising bati ni Agatha the Queen of all malalandi and uhmm pokpok? char.
"It's not so nice to see you, Agatha." Nakangiti namang bati ko.
"Tara na." Salita naman ng pusanginang crush ko dati at 'agad na hinila si Agatha na nagpa-hila naman like mahinhin na babae siya. Para yatang gusto kong masuka?
"Hoy ano na namang katangahan 'yan?" Untag bigla sa akin ni Cristina na hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala.
"May dumaang masamang elemento, na-bati yata ako." Nakangiwing sagot ko at inis na nag-lakad paalis.
Pagkarating namin sa subdivision namin ay mabilis nang nagpa-alam si Cristina at 'agad nang pumasok sa bahay nila kaya tinungo ko na rin ang bahay namin. Bahagyang nakabukas ang gate ng bahay kaya malamang may bisita sa loob. Nakita ko naman ang mga tsinelas at flipflops na naka-kalat sa labas ng pinto at marami iyon kaya malamang sila Tita lang ito.
Inayos ko muna ito sa pagkakalagay sa gilid bago marahang binuksan ang pinto pero kaagad akong natigilan dahil sa mga boses nila, mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan nila. Magmumukha naman akong bastos kung basta na lang ako papasok 'di ba? Siguro tatambay na muna ako sa kabila.
Akmang isasara ko na ang pinto nang marinig ko ang boses ni Tita Marivic na nakakuha ng atensyon ko.
"Kailan po ninyo balak sabihin sa mga bata ang totoo sa pagka-tao natin? Nasa tama na naman na silang edad para malaman ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa lahi natin."
Anong pinag-uusapan nila? Anong totoong pagka-tao? May kailangan ba kaming malaman?
Hindi naman siguro masama kung mag-e-eavesdrop muna ako ngayon 'di ba? Mukhang tungkol naman sa amin ang pinag-uusapan nila e.
"Malapit na. Huwag kayong maging atat dahil darating na tayo diyan, may hinihintay na lang tayo." Rinig kong sagot naman ni Lola.
"Ano ba kasi 'yang hinihintay ninyo Ma? Ilang taon ninyo nang sinasabi 'yan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating." May bahid ng inis na sabi naman ni Tito Jerry.
"Bakit? Anong masama sa pag-hihintay? Gusto mo bang maging padalos-dalos tayo? Hindi naman sila mapapahamak kung hindi muna natin sabihin sa kanila, 'di ba?" Rinig ko namang salungat kaagad ni Tita Minerva.
"Anong masama? Paano kung malaman ng mga kalaban na may mga Dragonian na naninirahan dito sa mundo ng mga tao? Mapapahamak at mapapahamak sila!" Mabilis na sagot ni Tita Marivic. Nakarinig ako ng pag-hampas sa mesa kaya bahagyang nagulat ako.
"Tumigil na nga kayo! Sundin ninyo na lang ang kung ano man ang gustuhin ni Mama, alam niya kung ano ang makakabuti para sa mga bata at alam kong alam ninyo 'yon." Suway naman ng isang baritonong boses na nanggagaling kay Tito Max na asawa ni Tita Marivic.
"Mag-hintay. Iyon ang pinaka-mainam na kailangan nating gawin." Pinal na sagot ni Lola kaya nabalot na sila ng katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pinag-uusapan nila, hindi ko alam kung bakit nila pinagtatalunan ang bagay na 'yon at kung bakit may inililihim sila sa amin.
Hindi ako tanga para hindi mapansin na may kakaibang nangyayari sa pamilya namin.
Matagal ko nang napapansin na hindi normal ang ikinikilos nilang lahat dahil kapag may nababalitaang may gumagala daw na mga kampon ng kasamaan dito sa lugar namin ay iba ang paghihigpit na ginagawa nila na para bang may pinoprotektahan silang bagay na mamahalin.
Oh well, mahal naman talaga kami at walang katumbas na halaga.
Kaagad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto at mabuti na lang ay naka-upo ako sa sahig habang nakahawak sa sapatos ko kung hindi ay malamang nahuli na nila ako.
"Anong ginagawa mo diyan?" Bungad 'agad sa akin ni Lola at dahil sa likas na magaling ang utak ko ay kaagad akong umakto na inaalis ang sapatos ko at inilalagay sa lagayan na nasa gilid.
"Kakarating ko lang po Lola, hindi mo po ba nakikita?" Sagot ko at tumayo na sabay mano sa kaniya.
"Sigurado ka bang kararating mo lang? Wala ka bang narinig sa pinag-uusapan namin?" Tanong pa rin niya kaya napatawa naman ako.
"Bakit, may hindi po ba dapat akong marinig sa pinag-uusapan ninyo?" Tanong ko. Tinitigan pa muna ako ni Lola bago umiling.
"Pumasok ka na." Sagot niya na lang kaya 'agad na akong tumalima at mabilis na nag-mano kila Tito't Tita na nakatingin lang rin sa akin.
Wala nang patumpik-tumpik pa ay tinungo ko na kaagad ang kwarto para kung sakali mang tanungin ulit nila ako ay hindi nila ako mahuhuling nagsisinungaling.
Kung ano man ang pinag-usapan nila kanina, tingin ko ay dapat na nilang sabihin bago pa man ako traydurin ng bibig ko at masabi ko na sa mga pinsan ko ang tungkol sa bagay na ito.