Rose Ann's POV
Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi pamilyar ang mga bagay na nasa paligid ko at masyadong madilim. It looks like I'm in a place that full of darkness and nasa hallway yata ako. Wala rin akong makitang ibang tao bukod sa akin and it feel so eerie kasi mag-isa lang ako, though I really like being alone.
'Amber! Where do you think you're going!?'
Kaagad akong napa-lingon sa bandang likuran ko dahil sa makapanindig balahibong sigaw ng isang lalaki.
Para siyang may hinahabol at patungo siya sa direksyon ko. Halos matuod ako nang lagpasan ako nito at tumagos lang siya sa katawan ko.
'Please... just let me go Draco!'
Sigaw naman ng isang boses kaya napa-sunod ako ng tingin sa kanila at doon ko nakita ang isang babaeng purong puti ang kasuotan mula ulo hanggang paa, pati rin pala ang buhok nito ay purong puti but I can't see it's face kasi blurred siya. Even the guy's face is blurred.
'How many times do I have to tell you that you are not going anywhere?! You will stay with me here in this Palace!'
Sigaw muli ng lalaki at akmang lalapitan ang babae pero umatras lamang ito.
'And how many times do I have to plead for my freedom? For goodness sake Draco! I'm not an animal to be caged in this dark Palace! I have my own life!'
Ganting sigaw ng babae na sa palagay ko ay umiiyak na.
'Nooo!!! You are mine Amber so wherever I go, you will stick beside me!! And nothing can ever change that!!! Graaahhhhhhh!!!"
Hysterical na sigaw ng lalaki na para bang nababaliw na.
The guy became so furious that he eventually turned into a giant creature with big black wings, sharp fangs and nails, and a long pointed tail filled with thorns.
What the heck?! Did he just turned into a goddam Dragon!?!?
*Alarm clock ringing....*
Kaagad akong napa-balikwas ng bangon at napa-hawak sa dibdib. It's beating crazy fast that it aches and I'm silently out of breath. Mukha akong nanggaling sa pag-takbo ng ilang kilometro dahil sa tagaktak ng pawis na nakapagpa-lagkit sa katawan ko at sa hingal.
What the fudge was that?!
Bakit naging dragon ang lalaking iyon?! Bina-bangungot na yata ako dahil sa kakabasa ko ng mga fantasy stories. Pero anong pinag-uusapan nila? The scene was all blurred and tanging 'yong pag-transform lamang ng lalaki ang malinaw sa akin.
This is giving me goose bumps like damn.
After kong ikalma ang sarili ay tumayo na ako at 'agad nang kinuha ang tuwalya na naka-sabit sa pinto at kumuha ng mga under-garments at 'agad nang tinungo ang banyo. After an hour ay natapos na ako at niligpit ko muna ang hinigaan ko and fixed me up with my school uniform, it's a white blouse at below the knee yellow skirt. Just a typical University Uniform.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa lamesa para kumain. Naramdaman ko kaagad ang pamumuo ng laway sa bibig ko pagka-kita ko pa lang sa nakahandang pagkain sa hapag.
Mayroon doong sinangag, sunny side up, hotdog at hot chocolate.
"Almusal na dito, baka malate ka na naman." Pag-aya sa akin ni Lola na naka-upo na rin sa usual spot niya sa hapag while she's drinking her coffee partnered with pandesal na isinasawsaw niya pa roon. She loves dipping pandesal to her coffee especially if it's a brewed coffee—well I like it too rin pala. Who wouldn't by the way?
"Hindi naman po ako nala-late Lola eh... minsan lang kapag nai-iwanan lang ng sasakyan at sa kaka-hintay sa bulinggit na 'yon." Sagot ko while referring to Cristina. Na-upo na ako para lantakan ang pagkain sa hapag. Habang kumakain ako, nakita kong naka-tingin sa akin ang Lola ko habang sumisim-sim sa kape niya.
"Bakit po Lola? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko habang nginunguya ang kinagat na hotdog. Baka tanungin ulit ako nito ng tungkol kahapon! Sheez 'wag naman sana! Cross finger!
"Patingin nga ng nunal mo sa dibdib." Out of the blue na salita ni Lola that made me almost choke of what I am eating. Napahawak naman 'agad ako sa damit ko kung saan nakatapat ang nunal na tinutukoy niya.
"Lola naman e! Ano ba 'yang pinagsasa-sabi ninyo? Wala namang ginagawang masama ang nunal ko ah!" Naka-ngusong sagot ko na ikinataas lamang ng kilay niya.
"Bakit ba? May titingnan lang naman ako tsaka wala naman akong makikitang iba diyan." Sagot naman ni Lola na ikina-busangot ko. Wala daw makikita, mayroon din kaya kahit papaano! Hmp!
"Eehh, nunal pa rin naman po ito ah... tsaka mayroon naman kaya kayong makikita dito kahit papaano." Sagot ko pa rin habang naka-hawak sa damit ko. Napa-inom muna ako sa hot chocolate ko para bumaba kahit papaano ang kinain ko. Mabilis pa naman akong sinukin.
"Ang dami mong dada, ipapakita mo o ako pa mismo lalapit sa 'yo para alisin 'yang uniform mo?" Banta niya kaya napa-buntong hininga na lamang na sinunod ang sinabi niya.
Bahagya ko lang inilihis ang uniform na sakto lang para makita ang nunal na tinutukoy niya. To tell you honestly, it doesn't look like a mole. Mas mukha siyang balat na kulay itim. Para kasi itong balat na may kakaibang hugis, hugis na parang hayop. Hindi ko lang ma-clear kung anong klaseng hayop kasi hindi masyadong detailed ang pagka-form niya. Feeling ko nga buhay 'to e.
Kasi feeling ko lumalaki siya at may pagkakataon pang sumasakit ito, lalo na sa gabi. Hindi kaya cancer na ito?
"Malapit na." Bulong ni Lola matapos paka-titigan ito kaya napa-taas naman ang kilay ko.
"Anong ibig ninyong sabihin na malapit na Lola?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lamang siya at bumalik sa pagkaka-upo niya at napa-inom sa kape niya.
"'Wag mo na lang pansinin iyon, bilisan mo na diyan." Sagot niya. Kahit nagtataka ay binilisan ko na lang din kumain at baka nga malate pa ako.
***********************
Kakarating ko lang sa school and thank goodness dahil mukhang nasa panig ko ngayon ang swerte dahil hindi na ako natatambangan ng mga alipores ni Agatha. Baka hindi pa rin natatapos ang parusa sa kanila and it suites them well, bagay sa kanila iyon dahil sa mga childish acts nila na hindi nababagay sa edad nila.
Anyways. Wala kami ngayong Teacher kaya wala kaming lecture, may emergency meeting daw sila na ewan ko kung para saan na naman.
Tutal wala namang magawa ay kinuha ko na lang ang phone ko at kaagad na binuksan ang isang reading and writing platform. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakapag-basa dito.
I immediately click the story entitled "Dragon World: The White Dragon" by TShieMhey pero pinalitan niya yata ang title kasi The White Princess na ang nakalagay but who cares? Pareho pa rin naman ang laman and it's really good kaya I'm secretly idolizing its author for making such wonderful work. Habang tutok na tutok ang attention ko sa pagbabasa ay bigla na lamang may tumamang bola sa ulo ko at packing tape talaga! Nahilo ako doon ah!
"What the fudge?! Sinong may gawa niyon?" Malakas na tanong ko kasabay ng pag-tayo at hawak pa rin ang ulong nasaktan.
"Hala sorry Rose Ann! Malay ba naming nandiyan ka." Sabi ng walang-hiyang bumato sa akin na walang iba kun'di ang isa pang self-proclaimed bully ng classroom namin.
Hindi na yata talaga ako lulubayan ng mga pusanginang bully na 'to. Akala ko ligtas na talaga ako sa classroom na ito. Hindi pala.
"Ahh so sinasabi mo bang kasalanan ko pa na hindi ninyo ako nakita? Bulag ka ba o bulag ka talaga?" Inis na singhal ko sa kaniya. Napatawa naman ang iba pa naming kaklase na mukhang ka-laro niya kanina ng pesteng bolang ito.
"Uyy chill! Naglalaro lang kami dito at napa-mali ang pag-bato." Sagot ng isa sa mga ka-laro niya habang tatawa-tawa pa.
"Nag-lalaro? Are you kidding me? Sinong matinong tao ang gagawing play ground ang classroom ha? Sino?" Tanong ko. Walanghiya, trigger na ako ha. Ang ayoko pa naman sa lahat ang maiingay at iniistorbo ako sa pagbabasa!
"Tumahimik ka na nga. Hindi ka naman masyadong nasaktan ah. Tsaka immune ka na dapat sa sakit dahil sa pambu-bully nila Agatha sa'yo." Nagtitimping sabat ng isa pa. Ahh, so pinagkaka-isahan na ako ng mga damuhong 'to?
"You know what? Y'all should go back to your parents and start to learn again how proper etiquettes work and why manner is important. Ayos lang naman sanang mag-laro pero try to know your limitations, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ninyong ipakita na sporty kayo. Wala tayo sa P.E subject para mag-batuhan ng bola sa classroom." Seryosong sambit ko. Mariing ikinuyom ko ang kamao ko bago piniling umalis ng room matapos silang tingnan lahat.
Surprised was written all over my other classmate's faces. It's my first time bursting out in front of them, not minding whom I'm facing.
Naalala ko na naman tuloy 'yong lalaki sa panaginip ko. Isang malaking hiwaga pa rin sa akin ang tungkol sa panaginip kong iyon. How the heaven did he turned into a Dragon? It is just a myth at hindi ko alam kung totoo ba 'yon or it's just a random dream again.
Nagiging attracted pa naman ako sa mga Dragon lately at ayoko ng ganoong mukha ng Dragon! It looks like puro kasamaan ang idudulot ng ganoong mukha. Sheet, baka bad omen pa iyon, naku naman!
I decided na sa canteen na lang muna tumambay at ipagpatuloy ang naudlot na pagbabasa. Huwag lang talaga may mang-istorbo ulit sa akin kun'di ay hindi na ako mag-pipigil!
Bumalik ulit ako sa pagbabasa. Maganda kasi, lalo na iyong tungkol sa Dragon at mga magic-magic na 'yon even though they don't exist in the real world or maybe oo pero hindi sila nagpapakita at nagtatago lang.
Hindi ko na namalayan ang oras at malapit na pala 'yong susunod naming subject so I immediately placed back my phone into my bag at naglakad na pabalik sa classroom namin.
Habang nagla-lakad ako pa-alis ay naramdaman ko na naman na may nakatingin sa akin. Kanina ko pa 'yan nararamdaman simula doon sa classroom at mukha yatang sinundan pa ako dito sa canteen.
Mabilis na inilibot ko ang paningin ko and I found two pairs of eyes were really looking directly at me. Sila 'yong dalawang transferee sa klase namin ah, 'yong Levia tsaka Icen. Anong problema nila at tinitingnan nila ako? Nakita kaya nila ang pagsigaw-sigaw ko sa room kanina? Na-impress ba sila sa tapang ko? Hmm, tingin ko oo.
Fudge. May fan na yata ako.
Hindi ko na sana sila papansinin pa pero one of them came to me.
Levia is smiling at me kaya napilitang ngumiti rin ako sa kaniya. She's really a beauty lalo na kapag ngumingiti siya. No wonder some of our boy classmates ay gusto siyang ligawan.
As if naman papatulan niya sila, sa mukha pa lang wala nang panama kay Icen.
"That was quite impressive." Sambit niya na ikina-kunot pa ng noo ko. First-time yatang may nag-compliment sa akin dahil sa ginawa kong pag-laban.
"Ahh. Namumuro na rin kasi sila. Hindi ko alam kung bakit natatagalan ng Teachers natin ang ugali ng mga 'yon. If I were them matagal ko na silang pinatapon sa detention room para mag-tanda." Sagot ko na ikina-tawa niya nang bahagya.
"I dis-agree. Kulang ang detention sa kanila. Mas mabuti siguro kung pag-linisin sila sa labas ng campus ng ilang araw. Tutal malaki naman ang premises, malilinisan pa ang labas. Right?" Naka-ngising sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero napa-ngisi rin ako.
"That was a brilliant idea!" Nagtawanan kami dahil sa kalokohang naiisip namin. Ayos naman pala siyang kausap e. Madali lang pakisamahan.
Napa-tingin ako kay Icen nang walang sabi-sabing dumaan sa gilid namin at tinungo na ang patungo sa room namin.
"Tara na? Baka may teacher na sa room." Aya ni Levia sa akin kaya tumango na lang ako.
Pagkarating namin sa room ay mayroon na nga kaya dumiretso na 'agad kami sa own choice of seat namin.
Pansin ko pa nga ang masasamang tingin na ipinukol sa akin ng mga classmates kong napag-sabihan ko kanina. Suit them well. They deserve my words since no one dares to do that. Tapos na akong maging api-apihan na lang palagi. Nakaka-bagot din pa lang maging ganoon.
Nagdaan ang ilang oras ay natapos na ang lecture. Napaunat-unat ako ng katawan dahil nakaka-ngalay ding umupo ng ilang oras.
Tatayo na sana ako nang may mga bultong pumalibot sa kinauupuan ko. Pag-angat ko ng tingin ay iyong mga classmates ko lang pala na napag-sabihan ko kanina.
"Anong kailangan ninyo?" Bagot na tanong ko. I want to pat myself in the head for not stammering.
May kaunti ring kabang lumulukob sa dibdib ko but since nasimulan ko nang magma-tapang kanina, might as well karirin ko na.
"Alam mo bang nakaka-offend ang sinabi mo sa amin kanina? Hindi kami ganoon ka-tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi mo." Sagot ng nasa harap ko.
"Kung na-offend kayo dahil sa mga sinabi ko kanina ay hindi ko na kasalanan 'yon. Deserve ninyong pagsabihan rin paminsan-minsan dahil humahaba na ang sungay ninyo." Taas kilay na sambit ko. I heard one of them gritted his teeth.
"Anong akala mo sarili mo? Magaling? Hah masyado ka naman yatang matapang ngayon Graspela? Baka nakakalimutan mong ikaw pa rin ang number one na nabu-bully sa school na ito?" Salita naman ng nasa gilid ko. Hinarap ko ito at napa-higpit ang hawak ko sa ballpen ko na dapat ilalagay ko na sa bag kung hindi lang nagsisulputan ang mga ito.
"Alam ko at wala akong pakialam. Naparusahan na nga ang mga 'yon, 'di ba? Gusto ninyo yatang sumunod, sabihin ninyo lang. Mabilis akong kausap." Matapang na sagot ko. Napa-singhap ako nang walang ano-ano'y may humigit na lang bigla ng kwelyo ng uniform ko that made me forcefully stand up.
"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo Graspela. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo? Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo." Nagngingit-ngit sa galit na sambit ng nasa harap ko.
"To tell you honestly? Hindi talaga kita kilala. I'm so done being a damsel in distress so please leave me alone." Kinakabahan nang sagot ko. Dapat sa mga oras na ito ay hindi na ako nakakapag-salita pero hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sumagot-sagot sa kanila.
"Dapat sa una pa lang 'yan na ang ginawa mo. Ikaw ang nauna kaya tatapusin lang namin." Sagot niya at akmang sasampalin ako nang may bigla na lang humila sa akin dahilan ng pag-bitaw ng kaklase ko sa kwelyo ng uniform ko.
"Tumigil na kayo. Any minute ay dadating na ang teacher natin. Ayaw ninyo naman sigurong mahuli sa aktong may sinasaktan, 'di ba?" Malamig na salita ni Levia. Bahagya akong napa-lunok dahil sa tinuran niya. Hindi ko akalaing ang kaninang masayahing babae ay magiging ganito ka-intimida.
"H-hindi pa tayo tapos." Sambit ng kaklase ko bago mabilis na lumabas ng room. Naiwan namang tahimik ang buong classroom at doon ko lang napansin na kami lang pala ang nandito. Mukhang nagsilabasan ang iba nang makitang nagkaka-initan na kami kanina.
Napa-buntong hininga ako at muling napa-upo. Bahagya pang nanginig ang binti ko kaya tinapik-tapik ko ito. Narinig kong napa-buga ng hangin si Levia kaya napatingin ako sa kaniya. She look pissed kaya napangiti ako.
"Salamat, Levia." Sambit ko. Napatingin naman siya sa akin at marahang ngumiti.
"Don't worry about them. Ako nang bahala sa kanila, sisiguraduhin kong hindi ka nila sasaktan." Sagot niya kaya napa-ngiti naman ako at napa-iling.
"Hindi naman nila ako sinaktan e. Kaya 'wag na lang." Sagot ko pero umiling din siya.
Napakunot ang noo ko nang mapansing nag-flicker ang mata niya or it's just my imagination?
"No. They need to learn some lessons." Sagot niya na nakapagpa-tahimik sa akin. She looks kinda scary at hindi ko akalain na may ganito pa lang side ang isang Levia. Should I be thankful for witnessing it?
Hindi rin nag-tagal ay nagsipasukan na ang iba naming kaklase kaya bumalik na siya sa upuan niya katabi ang kanina pang nagmamasid lamang na si Icen. Kahit kanina ay nakatingin lang siya sa amin, walang balak maki-alam. Tama rin lang 'yon, baka madamay pa siya sa ka-tangahan ko and we're not even that close for him to interfere with my mess pa.
Nagpatuloy na ulit ang lecture namin at so far, wala nang nangyari. Hindi na rin pumasok ang mga kaklase kong iyon. Mabuti na nga rin 'yon para maka-iwas na ako sa gulo.
Hanggang sa mag-uwian na ay naging tahimik ang araw ko. Thank goodness.