Dragon V

2344 Words
Lola Melinda's POV (Lola nila Rose Ann) Malapit na. Malapit nang mag-bago ang takbo ng kapalaran ng mga apo ko. Kapalarang itinago namin sa kanila sa mahabang panahon. Hindi ko nasisiguro kung matatanggap ba nila ang mga mangyayari sa kanila ngunit sana... sana ay tanggapin nila. Hindi madali para sa akin—sa amin na isa-alang-alang ang buhay nila. Malaking responsibilidad ang kakaharapin nila at alam kong magagawa nilang lagpasan iyon. Panahon na rin siguro para sabihin sa kanila ang katotohanan sa pagka-tao namin. Mas mabuti nang masabi ko na ito upang hindi sila mahirapang intindihin ang mga bagay-bagay sa hinaharap. Sa ngayon... Manunuod na muna ako ng TV. Showtime na kasi. Cristina's POV Saturday kaya walang pasok. Since first week pa lang ng pasukan ay wala pa namang masyadong ginagawa. Natapos ang week na 'yon nang puro briefing lang muna sa bawat subject, may ilan ring major subject na pina-alam na ang mga projects na kailangan ipasa before ang first grading period. Since sabado nga. Oras na para maging labandera. Hindi naman kasi kami mayaman para ipa-laba ang mga damit namin. Tsaka ayokong ipahawak ang damit ko sa iba lalo na kung ibang tao. May nabasa kasi ako sa isang page sa f*******: na after daw nila magpa-laba ay sunod-sunod na daw silang nagkakasakit sa balat. I think na-balita 'yon sa TV kaya ayon natakot na akong magpa-laba sa ibang tao kahit minsan gusto ni Mama. Hindi ko mapigilan ang pag-kunot ng noo ko nang maramdaman na naman ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. I don't want to get paranoid pero kasi kahapon ko pa nararamdaman na para bang may naka-masid sa bawat galaw ko. Ayoko namang mag-assume na lang ng basta pero don't you think it's kinda creepy? Baka mamaya niyan may stalker na pala ako. Sinusubukan ko rin namang hulihin ang kung sino mang nagmamay-ari ng matang naka-masid sa akin. Pero wala akong makitang ibang tao bukod sa akin. Imposible namang sila Mama 'yon kasi ako lang ang nandito sa labas at nasa loob sila, busy sa panonood ng TV. Bonding na rin kasi namin ang panonood eh. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan na lang ang kung sino mang damuho ang nakatingin sa akin. As long as wala siyang ginagawang masama sa akin ay hindi ako kikilos. Baka mamaya napa-daan lang or what. "Cristina! Are you done? Pwedeng pasabay nitong mga damit ko?" Rinig kong sigaw ni Ate Larina sa akin mula sa itaas. Hindi man ganoon kalaki ang bahay namin pero two storey house naman ito. Kuwarto lahat sa second floor, habang sala, dining area, kitchen and CR naman sa first floor kasama na rin itong laundry area sa likuran. "In one condition! Ibigay mo na sa akin 'yang necklace mo!" Sigaw ko rin pabalik. Napa-ngiti naman ako habang ina-alala ang necklace niya na hindi niya magawang ibigay sa akin. Alam ko naman kung bakit ayaw niya pero gusto ko talagang ini-inis si Ate. Every weekend lang kasi siya umuuwi sa bahay. May work na kasi siya somewhere in Taguig pero hindi ko alam kung saan exactly. May apartment rin siya doon pero ni minsan ay hindi pa ako nakaka-punta doon. "No way! Iba na lang hingin mo 'wag lang ito!" Sagot naman niya kaya napa-tawa na lang ako nang bahagya. "Biro lang! Sige ibaba mo na lang dito Ate." Sagot ko na lang. Rinig ko pa ang mahina niyang pag-mura. Hindi pa rin niya talaga makuha ang trip ko, hindi niya alam kung kailan ko siya pinagti-tripan kaya advantage rin 'yon para sa akin HAHAHA. "Sige. Ibababa ko na lang!" Sagot niya. Siguro iniisip ninyo na ang bunsong kapatid na katulad ko ay utusan na lang palagi ano? Nagkakamali kayo, pinagbibigyan ko lang talaga si Ate paminsan-minsan kasi alam ko namang pagod siya sa work niya. Ito na lang ang pwede kong ibigay sa kaniya in return for her hardworks to sustain our family needs. *Shwisshhhhh* Halos manginig ako sa lamig nang dumaan ang malakas na hangin sa mismong harapan ko. Mabilis talaga akong lamigin kasi may kapayatan ako at lalo pa ngayon na halos basa ang ibang parte ng katawan ko dahil sa talsik ng tubig gawa ng pagla-laba. "The heck? Uulan pa yata." I uttered. Usually kasi dumadaan ang ganoong hangin kapag uulan nang malakas. Bibilisan ko na sana ang pag-kusot sa nilalabhan ko dahil nga baka umulan. Sayang ang mga nilalabhan ko kapag naulanan lang. Pero napa-hinto rin kaagad nang maramdaman ko ang pagnginig ng lupa. Palakas ito nang palakas kaya parang natuod ako sa kinauupuan ko. Sisigaw na sana ako nang bigla na lamang humangin nang malakas at ang mga tuyong dahon sa paligid ay nagsi-angatan at tila ba sumasayaw sa ere. It lasts for about 30 seconds at nagkumpol-kumpol ito sa mismong harapan ko. Nawala na rin ang hangin at ang pag-nginig ng lupa. Napa-busangot ang mukha ko nang mapagtanto ang nangyari. Mukha yatang balak pang palinisin sa akin ng kalikasan ang ginawang kalat niya kaya sa mismong harap ko pa talaga pinagkumpol ang mga patay na dahong natangay ng hangin. Bilang responsableng anak ay tumayo na ako at kinuha mula sa gilid ng paso ang walis at dust pan para linisin na ang kalat. Hindi pa man ako nakakalapit doon ay bigla na lang itong lumiwanag. Sa lakas ng liwanag ay napa-takip ako ng mata. Masyadong malakas ang kulay yellowish brown na liwanag na ibinibigay nito at hindi kaya ng mata ko. After a seconds ay napansin kong nawala na ang liwanag kaya dahan-dahan kong inalis ang harang sa mata ko. I looked around to look for something unusal but I found nothing. Wala rin akong marinig na ingay na nanggagaling sa loob ng bahay kagaya kanina na rinig na rinig ang malakas na sounds ng TV. Kagat ang labing napa-hawak ako sa dibdib ko. Anong nangyari bakit... bakit may lumabas na liwanag sa kumpol ng mga tuyong dahon kanina? Bakit... bakit ganoon? Naglakad ako papalapit sa kinalulugaran ng kumpol ng dahon kanina pero nanlaki ang mata ko nang makita ang naka-lagay doon. "What the heck is this?!" Gulat na sambit ko at kaagad na napalapit dito. Hindi ko mawari kung ano ito pero sa tingin ko ay hugis itlog siya. Pero ang kakaiba dito ay may something na naka-ukit sa shell niya at hindi pang-karaniwan ang laki. Mukha siyang itlog ng ostrich sa laki pero tingin ko ay mas malaki pa 'to kahit hindi pa ako nakaka-kita niyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero 'yong sinabi kong naka-ukit dito, they were looked like leaves. Yes, dahon. Isa pa, ang kulay nito ay hindi tipikal na kulay puti. Kulay brown nga siya and too shiny for a normal egg na dapat magaspang . Natatakot akong hawakan siya dahil hindi ko alam kung dapat ko bang gawin iyon o hindi. Baka kasi kung anong hayop ang nasa loob nito. I'm scared... but I am damn curious! Ano kayang laman nito? Saan ito nanggaling at bakit nandito ito? And importantly... bakit ganito ang itsura nito? Natatakot man ay unti-unti kong inaabot ang itlog. "Ahh!" Pikit matang inangat ko ito at muntik ko na ring mabitawan nang may maramdaman akong kakaiba. May tila kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko the moment my hand touched the egg. Hindi ko ma-ipaliwanag ang nararamdaman ko. Feeling ko ay biglang nabuhay ang dugo ko at para bang buhay na buhay silang umiikot sa katawan ko. What is happening to me? Bakit nakakaramdam ako ng ganito? Anong meron sa itlog na ito at bakit ganito ang naging reaction ng katawan ko pagka-hawak ko pa lang sa kaniya? Mataman ko itong pinakatitigan at palala rin nang palala ang nararamdaman ko sa bawat ugat ko. "Cristina." Halos manginig ako sa gulat nang may nag-banggit ng pangalan ko na 'galing sa likuran ko. Walang atubiling nilingon ko ito at tumambad sa akin ang isang taong naka-suot ng cloak? Kulay brown ito na sumasayad sa lupa. Hindi ko rin kita ang mukha nito dahil sa hood na suot nito. Pero base sa boses ay babae ito. "Sino ka? Kilala mo ako?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa hawak kong itlog at inangat ito. "Sayo ba 'to?" Tanong ko ulit. Hindi ako naka-tanggap ng sagot mula sa kaniya. Bagkus ay umangat ang kamay nito at dahan-dahang inalis sa pagkakatali ang cloak na suot niya at 'agad itong nahulog sa mga kamay niya. Tumambad sa akin ang babaeng mala-diyosa sa ganda. I'm not being exaggerated here kasi totoo naman. She has golden-brown hair, eyes, and dress. Pink lips, a pointed nose, and thick black eyelashes and eyebrows. "Ako si Eartha. And yes, ako ang nagmamay-ari niyang hawak mo... noon. Since nandito ka na, ikaw na ang susunod na magmamay-ari niyan. Tinatanong mo kung kilala kita? Hmm, simula pa noong bata ka, kilala na kita." Nakangiting sagot niya. Goodness, how can she be this beautiful? Parang ang daya ah. "So Eartha? Bakit sinasabi mong ako na ang bagong may-ari nito? At ano... stalker ba kita?" Tanong ko sa kaniya. Napa-ngiti naman siya sa tanong ko. "Dahil ikaw na ang napiling bagong magmamay-ari ng Dragon. Ilang daang taon rin ang lumipas bago dumating ang oras na mapapasa-kamay na siya sa totoong magmamay-ari sa kaniya." She said. "Hindi mo rin ako stalker dahil binabantayan lamang kita sa pag-laki mo. Ayokong malungkot ang Dragong matagal kong inalagaan kapag nawala ka." She added and hindi pa rin rumerehistro sa utak ko ang sinabi niya dahil sa isang word na naka-agaw ng pansin ko. "A-anong sinabi mo? A-ano 'tong hawak ko?" Kina-kabahang tanong ko. Napa-ngiti naman siya at napatingin sa hawak ko. "Ahh. Iyang hawak mo ay isang... Dragon Egg. Kaya 'wag mong lulutuin 'yan ha?" Tila tinakasan ako ng dugo nang marinig ang sinabi niya. "DRAGON EGG?!?! 'Di ba wala na niyon ngayon? Pinaglolo-loko mo ba 'ko ha Eartha?" Gulat pero may bahid na inis na tanong ko. Napa-iling-iling naman siya at napa-buga ng hangin. "Hindi porket wala kang nakikitang Dragon sa panahon at lugar na ito ay ibig sabihin wala na talaga sila." Sagot niya. Napakurap-kurap naman ako at napa-balik ang tingin sa hawak kong Dragon Egg daw. "Impossible." 'Di ko maka-paniwalang sabi. "Totoo 'yan at walang halong biro." Dagdag niya. "Okay? Pero kung dati itong sa iyo, bakit mo naman ibinigay sa akin? Pwede mo naman itong ibenta ah! Tiyak na kikita ka nang malaki dito." Tanging nasambit ko. Napa-busangot naman siya dahil sa sinabi ko. "Dahil nakita na nga niya ang bagong magmamay-ari sa kaniya. Hindi sa habang panahon ay pag mamay-ari ko siya at ang totoo ay hindi naman talaga siya naging akin. Ako lang ang nag-bantay sa kaniya sa mahabang panahon para hintayin ang pagdating mo." Sagot niya at hindi na pinansin ang pang-huli kong sinabi. "My goodness. Ako lang ba ang mayroon nito?" Tanong ko, kasi kung ako lang ang mayroon nito ha! Ipagyayabang ko ito sa kanila. HAHAHAHAHA! "Hindi. Sa katunayan ay may apat pang pagkakalooban ng Dragon Egg." Sagot niya. Ay? Sayang naman. Kala ko ako lang. Pero okay na rin iyon para hindi lang ako ang kukuyugin kapag nalaman ng ibang tao ang tungkol sa kanila, HAHAHAHA! "Pero sa ngayon... kailangan mo munang itago iyan sa lahat. Hindi muna nila kailangang malaman ang tungkol dito, maliwanag ba?" Seryosong sambit niya na ikina-kunot ng noo ko. "Kahit sa pamilya ko? Bakit?" Takang tanong ko. "Oo, dahil may tamang panahon para diyan. Hintayin mong dumating ang iba pang katulad mong pinagkalooban nito." Sagot niya. Marahan naman akong napa-tango. "Ganoon? Okay, excited pa naman sana akong sabihin sa kanila ang tungkol dito e. Pero sa susunod na lang hehehe." Sabi ko. Syempre kahit kayo ay magiging excited rin na sabihin sa pamilya ninyo na mayroon kayong natanggap na Dragon Egg. Bihira lang kaya ang mga pagkakataong ito, paniguradong hindi sila maniniwala kaagad kagaya ng naging itsura ko kanina. Hello? This is a freaking Dragon Egg! A Dragon for goodness sake! This was just a myth kaya tapos biglang may itlog na ako niyon? Woah, daebak! "Magpapa-alam na muna ako sa ngayon." Sambit niya 'di kalaunan. Napalaki naman ang mata ko at itinaas ang kamay ko. "Sandali! May gusto pa sana akong tanungin." Nagdadalawang-isip na tanong ko. "Sige. Anong tanong ba iyon?" Nagtatakang tanong niya. "Ano uhh... kailan ba ito mapipisa?" Alanganing tanong ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Kapag nakuha mo na ang Yin ninyo." Nakangiting sagot niya. "Anong Yin? Tsaka sinong ninyo?" Kunot-noong tanong ko. "Hindi na ako ang pwedeng mag-sabi niyan. Sige, paalam. Magkikita pa naman tayo kaya 'wag kang mag alala. Tutulungan kita." Paalam niya. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. "Sige na nga, paalam sa iyo Eartha." Sambit ko at isang ngiti na lang ang iniwan niya sa akin. Maya-maya ay bigla na lang siyang nilamon ng liwanag at nawala. Naiwan naman akong naka-tanga dito. "Hmmm. Saan kaya kita itatago? Ang laki mo pa naman." Tanong ko sa hawak kong Dragon Egg. "Cristina!!" Muntik ko nang mabitawan ang Dragon Egg dahil sa lakas ng boses na pagtawag sa akin ni Mama. "Hala! Saan ko ito ilalagay?!" Natatarantang tanong ko sa sarili ko. Baka makita ito ni Mama, yari ako kay Eartha! Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nag-hanap na ako ng pwede kong pag-taguan nito. Mabilis na tinungo ko ang kwarto ko sa itaas at nilibot ang paningin. Napa-dako ang tingin ko sa kabinet na malapit sa kama ko. May malalaki itong drawer at sa pagkaka-alam ko ay mahirap itong buksan. "Dito ko na lang kaya ikaw itago?" Kausap ko sa Dragon Egg. Tumango na lang ako para kunwari sumagot siya. Kumuha ako ng mga damit ko na hindi ko na ginagamit at pinuno ang pinaka-ilalim ng drawer nito. Ito ang magsisilbing nest niya, baka kasi gumulong-gulong ito tapos mabasag. Nang mai-ayos ko na ang pagkakalagay sa kaniya, isinara ko na ang drawer. At siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. 'Agad akong napa-tayo at napa-harap dito. Tumambad sa akin si Kuya na nakataas ang kilay na naka-tingin sa akin. Napa-hinga naman ako nang malalim. Akala ko si Mama na. Deym.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD