Dragon VII

3382 Words
Jerald's POV Hey, What's up? What a beautiful day it is. Alam ninyo bang ang saya-saya ko ngayon? Why? Well, wala kasing pasok so it means! *drum rolls* Movie time! Marathon na naman dizzz! Palakihan na naman ng eye bags ito at wala akong paki-alam dahil gwapo pa rin naman ako kahit magka-eye bags man. Madadaan lang 'yan sa tamang pormahan *smirk* Tinungga ko muna ang natitira pang tubig sa mineral water na binili ko kanina. Kagagaling ko lang kasi sa pag-jogging. It's so nice to be physically fit, nararamdaman ko na ang pamumuo ng abs ko! Dagdag pogi points rin 'to sa mga chicks sa school. Total may napili na rin naman akong target kaya kailangan ko nang pag-igihan ang pagwo-workout ko. Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko kaya 'agad akong napa-tingin dito. s**t baka may germs ang kamay ng damuhong tumapik sa akin! Ayokong magka-sakit! "Tabi." Salita ng panget na tumapik sa broad shoulder ko. Napa-taas kilay ko dahil sa sinabi niya. "Sorry? Bahay mo?" "Oh bahay mo?" Taas kilay rin niyang tanong. Napa-tingin naman ako sa bahay namin sa harap ko at nabalik ang tingin sa kaniya. "Sa parents ko ito so basically oo, bahay ko." Sagot ko. Napa-ngisi naman siya at tinabig ako papunta sa gilid. Taragis? Ang lakas talaga ng babaeng 'to. "Sayo na nanggaling, sa parents mo ito so basically hindi sa iyo. Kaya tabi." Pagdidiin niya pa na nakapagpa-irap sa akin. "Tsk. Nandito ka na naman. Tulungan mo na lang kaya si Lolang mag-gardening sa bahay ninyo!" Naka-ismid na pagbawi ko ng tulak sa kaniya. "Bulag ka ba? Kita mo nang tapos na nga 'di ba? Ano pa gagawin ko roon?" Kunot-noong sagot niya at humakbang na sana papasok ng bahay namin. Kaagad ko namang hinila ang damit niya at nagpa-tiunang pumasok sa loob. "Pamamahay 'to ng parents ko kaya ako ang mauunang pumasok sa loob." Salita ko at iniwan siyang napa-padyak sa inis. Napa-ngisi naman akong dumiretso sa taas para kumuha ng damit at maligo. Nadaanan ko pa ang kwarto ng kapatid kong bulinggit pagka-labas ko ng banyo. Bahagya itong naka-bukas kaya nasilip ko ang dalawa na parehong nakatutok sa mga cellphones nila. Ginawa na talagang tambayan ang bahay namin ng walangyang 'to. Buti wala pa ang isa------- "Good morning!" Bati ng kadarating lang na si Ate Catherine. The f**k? May balat ba ako sa dila? "Kay aga-aga, tatambay na naman kayo dito." Naka-ismid na sagot ko at nagtuloy-tuloy na papunta sa kwarto ko para magpa-pogi. "What else can we do? Si Cristina lang ang may spacious at sarili na kwarto sa aming tatlo." Rinig ko pang rason niya kaya pinabayaan ko na lang sila. Solo rin naman niya ang kwarto niya ngayon kasi wala ang Ate nila. Si Rose Ann lang talaga ang walang sariling kwarto. Pumasok na ako sa room ko at hindi na lang sila pinansin. As if namang may magagawa pa ako 'di ba? Nandiyan na sila, isumbong pa ako kina Mama kapag sinita ko na naman. Wala pa naman sila dito ngayon. Kasama nila si Ate at walang pasabi kung kailan ang balik nila at kung saan ba sila pumunta. Hindi man lang ako sinama, iniwan pa talaga ako dito kasama ang bungangera kong kapatid. After I put some gel on my hair at i-style ito ay kaagad na akong lumabas ng kwarto para kumain ng breakfast ko. Pagkarating ko sa lamesa ay 'agad na akong umupo matapos lagyan ng hot water ang milo na naka-lagay sa blue mug ko. Hmm. Tortang corn beef at TJ hotdog. Too bad for my diet! Arrgh! Iniinis talaga ako ng bulinggit na 'yon. Kaagad ko nang tinakpan ulit ang mga 'yon at tinungo ang cupboard sa gilid ng refrigerator at kinuha ang cereals doon. This is a dietary cereal na pinabili ko pa kay Ate. Supportive rin kasi sa akin 'yon sa pagwo-workout ko. Kung alam ninyo lang, noong bata pa ako ay bansag sa akin ng pamilya ko ay Palad dahil sa kapayatan ko raw. Nito lang bakasyon ako nagsimulang mag-workout dahil may narinig akong usapan na nakapag-boost ng energy ko para gawin ito. Huwag ninyo nang alamin dahil baka gayahin ninyo rin. Para sa akin lang 'yon and I don't like sharing though. Matapos kong kumain ay lumabas muna ako para magpababa ng kinain. Mamaya ko na sisimulan ang movie marathon ko dahil kailangan pa ng kalikasan ang presence ko. Ako lang naman kasi ang nag-iisang taong namamahagi ng kagwapuhan sa kalikasan. *smirk* Ininat-inat ko muna ang katawan ko. Naririnig ko na mula dito sa likod ang harutan ng tatlo sa itaas. Nakakarindi man ang mga boses nila ay narinig ko pa rin ang pagtunog ng cellphone ko sa kwarto. Mukhang may chicks na tumatawag! Kasing bilis ng kidlat akong kumaripas ng takbo papasok ng bahay at mabilis na tinakbo ang hagdan at tinungo ko ang kwarto ko at 'agad na dinampot ang cellphone na naka-lapag lang sa kama ko. "Hello babe." Nakangiting bati ko kahit hindi ko na nakita ang caller ID. "Eww ka pare! Anong akala mo sa akin baboy?" Nawala ang ngiti ko dahil sa boses na narinig ko. "Tangina mo dude! Sayang ang effort kong sagutin ang tawag." Naka-busangot kong sagot at pabagsak na humiga sa kama ko. "Ano ba kailangan mo?" "You're welcome pare. Hahahaha. Puro ka na lang kasi chicks, as if namang may tatawag sayo ano." Sagot nito. Paniguradong naka-mukhang asong ulol na naman ang mukha nito. "Ano nga kailangan mong putangina ka?" "Nag-aya si pandak mag-mountain climbing dito sa may bundok malapit sa school. Baka lang naman gusto mong maka-kita ng chicks dito tutal mukhang tingga ka na diyan sa bahay ninyo." Bakas ang pang-aasar na sagot niya. Nabuhayan naman ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Chicks daw oh! "Taragis ka talaga. Kung ano-ano pa sinabi mong panget ka. Papunta na ako." Mabilis kong sagot bago mabilis na pinatay ang tawag. Mabilis ang galaw na nagpalit ako ng damit at inimpake na ang mga dapat dalhin sa bundok. Since palagi naman naming ginagawa ito ay confident na ako sa laman ng bag. Pagkain na lang tapos sandamakmak na tubig gora na ako. Sinulyapan ko muna ang sarili ko sa salamin at kumindat, shet ang gwapo ko pala talaga. Paglabas ko ng kwarto ay saktong papasok si bulinggit sa kwarto niya habang may bitbit na tatlong chit-chirya. Napatingin siya sa get-up ko kaya itinaas ko ang kamay ko and I brush my hair sexily. Napangiwi naman siya sa ginawa ko. "Ayos na ba?" Taas-babang kilay na tanong ko. "Mukha kang monggoloid. Bundok pupuntahan mo pero naka-white polo ka?" Taas kilay na tanong nito. Hindi na kataka-takang alam niya na sa bundok na naman ang punta ko dahil sa bag na dala ko. "That's what you call porma bulinggit." Sagot ko bago siya kinindatan at ginulo ang buhok niya. Kaagad na rin akong bumaba nang aambaan niya pa ako ng suntok. "I-text mo na lang ako kapag nandito na sila mama ha!" Sigaw ko nang nasa may pinto na ako. Tinarayan nalang ako nito at agad nang pumasok sa kwarto niya. Wala na akong time mag-paalam sa kanila dahil wala naman sila dito at wala naman silang dalang cellphone. Naiwan na naman sa kwarto nila kahapon. Ulyanin na yata ang mga magulang ko kasi every aalis sila ng bahay kasama si Ate ay laging naiiwan ang cellphone nila. Siguro sinasadya nila 'yon para hindi kami maka-hingi ng pasalubong. As if naman na mag-uuwi sila n'on, duh. Naka-sakay na 'agad ako ng trike at inarkila ko na ito para ideretso na ako doon sa paanan ng bundok. Wala pang 30 minutes ay naka-rating na ako. Nag-bayad muna ako ng singkwenta pesos bago bumaba. Nakita ko na sila panget kasama sila tropapips at....ooohhh may chicks nga! Tatlong magagandang binibini! Ow yes! "Pare! Buti naka-abot ka pa!" Salubong sa akin ng panget na tumawag sa akin kanina. "Oh yes naman dude!" Sabay tapik ng malakas sa balikat niya na ikina-ngiwi niya. "Wala namang magawa kaya sasama na lang ako sa inyo." Dagdag ko habang naka-tingin sa tatlong binibini na naka-ngiting naka-tingin sa akin. Kitams? Ang gwapo ko talaga hahaha "Tara na, akyat na tayo." Aya ni Bulldog bago inakay ang kaakbay na Garapatang naka-lingkis sa kaniya. 'Wag kayong ano, jowa niya 'yan. May forever daw sila, yuck. Bale lima kaming boys. Apat na babae pero tatlo lang ang available. Pustahan tayo, pag-a-agawan ako niyan. In one....two.....three..... "Sabay tayo!/Sama ko sa 'yo!/Tara?" Sabay-sabay na tanong ng tatlong binibini kaya napa-ngisi ako. Nakita ko naman si Panget na naka-busangot habang naka-tingin sa amin. He mouthed 'ang daya mo! Ako nag-dala ng mga 'yan dito e!' Nginisian ko na lang siya. Kasalanan ko ba kung masyado akong pogi kaya pinag-aagawan ako dito? "Sorry girls pero isa-isa lang, mahina kalaban." Sagot ko. Aba kailangan ko ring maghinay-hinay ano para dagdag points sa kanila, Bwahahahaha! "Aww sige. Pero sino sa amin?" Tanong ni Binibini 1. "Hmm." Tiningnan ko sila isa-isa pero natigil ang tingin ko sa pangatlo. Mas mukhang disente ang isang ito kaysa dito sa dalawa. Kinindatan ko siya kaya napa-ngiti naman ito at 'agad na kumapit sa akin. "Paano ba 'yan?" Sambit nito at binelatan ang dalawa pa. Naka-busangot naman ang dalawa na iniwan na kami at lumapit sa tatlo kong tropa na naghihintay lang sa gilid. "Let's go?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito kaya nagsimula na kaming maglakad. Todo alalay ako sa kaniya at kulang na lang ay buhatin ko na siya. Napapangisi naman ako nang mapansin kong feel na feel niya ang ginagawa ko. "So, what's your name?" Tanong ko sa kaniya matapos tagpasin ang sanga ng kahoy na nakaharang sa dinadaanan namin. "Cassy. Ahmm... you're Jerald, right? From Cupid?" Sagot at tanong niya kaya nginitian ko siya. "Looks like someone's stalking me huh." Pabirong salita ko, natatawang tinapik naman niya ang braso ko at bahagya pa itong dumausdos. Hmmm. "Well, you just caught my attention like those two." Sagot niya at tinuro ang dalawang kasama niya kanina na kasama na ngayon nila Panget. "So you're friends with them?" Tanong ko pa. "Yup, but not that close though. By the way, there's uhh rumor about you...being a chick boy and I think it's just truly a rumor." Salita niya. Napa-kunot naman ang noo ko. "How'd you say so?" Tanong ko dito. "Hmm, kasi kung chick boy ka, dapat tatlo na kaming kasama mo like that guys in our school." Sagot niya. "Wait...our? So we're in the same school?" Takang tanong ko. Tumango naman siya. "Really? Hindi yata kita nakikita sa campus." Sambit ko. "Hindi naman kasi ako gala sa campus. But I always see you hanging out with your friends." Sagot niya and referring kila Panget. Napatango-tango naman ako. We hike for about 1 hour bago namin narating ang tuktok. Hindi naman kasi ito masyadong mataas. Parang pandak na bundok ganoon, makahoy lang talaga kaya medyo natagalan. Almost past 12 na rin kaya nag-luto ang girls ng maka-kain while I and the others wander around. Mas pinili kong mag-isang mag-libot para feel ko ang surroundings. Ang iingay kasi ng mga Unggoy na 'yon. Nakakasira ng peace of mind hahaha. Busy ako sa pag-iikot nang mapansin kong medyo liblib na ang napupuntahan ko. Ayoko pang maligaw kaya pumihit na sana ako para bumalik nang bigla akong mapatid sa naka-usling bato. Inextend ko ang braso ko para makahanap ng makakapitan pero huli na dahil nawalan na ako ng balanse. I stumbled on the ground at nagpagulong-gulong dahil pasulong na pala ang kinatatayuan ko kanina. I suppressed a low scream nang makitang bangin na ang babagsakan ko. I immediately grab a random root na naka-usli sa gilid at napa-tumbling pa ako dahil sa force na na-create ng katawan ko. Fuck! I don't want to die yet! Sayang ang lahi kapag namatay ako! s**t, s**t! Hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa ugat ng puno nang maramdamang parang matatanggal na ito sa pagkaka-baon sa lupa. I try so hard not to put so much weight from it para hindi tuluyang bumigay pero naka-rinig na ako ng mahinang crack and the next thing I knew, I'm now falling from a cliff. "AHHHHH!!!" I cried my lungs out habang tumatama ang malakas na hangin sa katawan ko. Fuck! I'm sorry God for all my Sins! I'm sorry for my wrongdoings! But please keep my family safe every day! I repent my whole being to you our Lord! "AHHHHHH!!!! JESUS CHRIST!!!!!!!!------" Kung alam ko lang na mamamatay na ako ngayon sana nakapag-paalam man lang ako sa mga chicks ko! Goodbye my future juniors! Mawawala na ang pinaka-gwapo ninyong soon to be tatay! I'm expecting a loud thud but nothing happens. Hindi ko na rin nararamdaman ang pagkaka-hulog ko but nararamdaman ko pa rin ang hanging tumatama sa katawan ko. God! Ito na ba ang tinatawag nilang lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko? Am I dead? I slowly open my eyes. All I can see is the blue sky. I'm really dead. Taragis na 'yan. Goodbye Earth! But why I can't feel pain? Namanhid na yata ang katawan ko dahil sa impact nang pagkakahulog. My beautiful body is now dead f**k. "Hey." Natigilan ako nang makarinig ako ng boses. Is someone calling me? Si San Pedro na ba 'yon? Ang gate keeper ng langit? "Get up young man." Rinig kong salita ulit ng boses. I tried to sit and I successfully did! Akmang tatayo na ako nang maramdaman kong parang ang taas ng kinalalagyan ko. Napatingin ako dito and I almost swallow my own tongue. The heck?! I'm f*****g floating! I tried to look for something to hold on pero mas lalo lang akong nagitla nang tuluyan nang pumasok sa utak ko ang kalagayan ko ngayon. I am stranded mid-air for about 20ft. above the rocky surface ng ibaba ng bangin. Kaya pala hindi ko naramdaman ang sakit ng katawan dahil hindi naman pala talaga ako tuluyang nahulog! At isa lang ang ibig sabihin niyon! TULOY ANG LAHI NG MGA GRASPELA!! But wait... how the heck I ended up floating in the air?! I'm trying to balance myself dahil para akong bulang palutang-lutang sa hangin. Nagpapa-ikot-ikot rin ang katawan ko dahil sa pagtama ng hangin sa katawan ko. What the f**k?! Paano na ako bababa nito?! "TULONG!!!" Malakas na sigaw ko habang naka-tingala sa itaas ng bangin. Nasaan na ba sila Panget?! They should find me here for petes sake! Baka matuluyan akong bumagsak at ma-dedo na talaga ako! "Don't move. I'll bring you down, young man." Rinig ko na namang salita ng boses kanina. Nilibot ko na ang paligid pero wala akong makitang ibang tao bukod sa akin. s**t baka engkanto na 'to at tinulungan ako para gawing alipin sa lugar nila! Kahit kinakabahan ay sinunod ko ang sinabi niya. Baka bigla na lang ako nitong ibagsak e. Dahan-dahan na nga akong bumababa hanggang sa maayos akong naka-lapag sa may malaking bato at halos mapa-luhod pa ako dahil sa nanghihinang mga binti. Mukhang may after shock pa ang katawan ko dahil sa near death experience ko. "Sino ka? Show your self." Sambit ko habang nililibot ng paningin ang paligid. Napa-atras ako nang may hanging lumitaw sa harap ko. Ano na naman 'to?! E di ba transparent ang hangin? Bakit nakikita ko siya na parang katulad sa mga napapanood ko?! Pusangina. Na-engkanto nga talaga ako! Namuo ito at wala pang ilang sandali ay humulma ito bilang isang tao. Unang lumitaw ang paa nitong nakalutang sa ere na naka-suot ng kulay itim na combat boots. Sumunod ang black pants na medyo hapit at isang kulay asul na coat, bigla ring may-lumitaw na blue cape sa likod nito bago lumitaw ang buong ulo nito. He has blue hair, smokey blue eyes, a perfectly sculpted nose and jaw, and red lips. f**k. Ang bakla mang sabihin pero... ang gwapo ng lalaking ito. "Sino ka?" Matapang na tanong ko habang pinipilit na huwag manginig ang tuhod dala pa rin ng panghihina. "I am Airnan. Nice to meet you Jerald." Sagot nito, napa-kunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ko. "How the heck did you know my name?" Tanong ko dito. "I just know it. But I'm here to give you something... precious." sagot nito at ikinumpas ang kamay niya. May namuong hangin sa gilid niya. Nagpaikot-ikot ito hanggang sa maka-buo ng maliit na ipo-ipo. May naaaninag akong liwanag sa loob at huli na para matakpan ang mata ko nang bigla na lang itong naglabas ng napaka-lakas na asul na liwanag. Fuck?! Gusto ba akong bulagin ng isang ito?! Marahas na iwinasiwas ang ulo ko bago tiningnan ulit ito. My jaw almost dropped when I saw something sa gitna ng maliliit na ipo-ipo. It is like an oval shape at kulay blue ang labas nito. By the looks of it, mukha siyang itlog na may hindi normal na laki. (A/n:....see the picture above for imaginary purposes.) "Ano naman 'yan?" Takang tanong ko. "I want to give you the one of the Dragon Eggs." Sagot nito. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya. "Dragon what? Egg?! Are you fooling around?" Inis na tanong ko sa kaniya. "Do I look like I'm fooling around?" Seryosong balik na tanong nito na nakapagpa-lunok saakin. "That's indeed a Dragon Egg. I am here to give him to his new owner and basically... it's you. I don't have much time to explain it to you but you need to believe me. You must keep this Dragon Egg with you and don't let other people found it. Your life might be at stake if they knew that it's with you so you better do your best to hide it away from them." Seryosong salita nito na nakapag-pataas ng balahibo ko. Hindi masyadong clear ang sinasabi niya dahil gulat pa rin ang buong pagkatao ko dahil sa mga nangyari. But looking at his face right now, he is surely not joking. Nabalik ang tingin ko sa Dragon Egg daw na naka-lutang rin sa tabi niya. Kung sa akin na talaga ito ay malamang magugulat sila Papa dito. All along I believe that Dragons were all just a myth but here it is, I'm facing an Egg of it right now. s**t. "I know it's hard for you to understand but I have no time left to explain. Go now and hide it. I will soon come back so you don't need to worry. I'll leave my air with you to help you get back there." Salita ulit nito bago tuluyang nilamon ulit ng liwanag kanina. Napa-atras ako nang lumapit na sa kinaroroonan ko ang Dragon Egg daw at tila ba gustong magpa-kuha sa akin. Alanganin ko namang inangat ang kamay ko at hinawakan ito. Muntik ko na ring mabawi ang kamay ko nang maramdaman ang kuryenteng pumasok sa katawan ko. I felt like I was energized by something and I think dahil 'yon sa Dragon Egg. Nakarinig ako ng ingay galing sa itaas kaya 'agad ko na itong hinablot at tatakbo na sana nang bigla na lang akong umangat ulit at tila ba may pumapalibot sa aking hangin. Para akong nilipad nito at nakita ko na lang ang sarili ko malapit sa tinigilan namin kanina nila Panget. Nandoon silang lahat at nagkakatuwaan pa. Kaagad na hinanap ng mata ko ang bag ko at 'agad ko naman itong nakita sa may puno malapit sa akin. Mabilis ang kilos na hinablot ko ito at inilabas ang mga bagay na hindi ko na kailangan bago inilagay ang Itlog sa loob. Nag-iwan na lang ako ng note sa may kumpol ng pagkain para sabihing mauuna na akong umuwi dahil may emergency. Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi ng mabilis pero nakita ko na lang ang sarili kong nakatingin sa Dragon Egg na naka-lagay na ngayon sa kabinet na nasa pinaka-sulok ng kwarto ko. Ito ang secret kabinet ko na hindi alam nila Mama. Ako pa mismo ang gumawa nito para may mapag-taguan ako ng mga mahahalagang bagay sa akin. Damn. Anong nangyari sa magandang araw ko? Bakit ako napunta sa ganito? Napasabunot ako ng buhok nang maalalang iniwan ko lang doon ang chicks ko. f**k. Bawas pogi points iyon panigurado. Na-indian ko na 'agad siya. Pero mas importante naman ito kaysa doon ka... Cassy nga ba ulit 'yon? Ay ewan, bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD