Dragon VIII

2551 Words
Rommel's POV "Mga hayop kayo! Paano ninyo nagawa sa akin ito?! Ahhhhh!!!" Mariin akong napa-pikit dahil sa nakaka-rinding sigaw na pinakawalan ng tropa ko. "Tangina. Kung balak mong magwala 'wag dito, doon ka sa kalsada para mag-trending ka. Nakakahiya ka." Inis na sita ko sa kaniya bago lumagok sa root beer na hawak ko. Paano nga ulit ako napunta rito? Ahh yeah, this guy pulled me here sa tambayan namin just right beside our school dahil wasak raw ang puso niya. Ang gago kasi, nag-two time tapos mag-kaibigan pa ang pinatos, ayon siya tuloy ang naloko. Ang talino rin kasi ng isang 'to, maglo-loko na nga lang palpak pa. Tsk. "f**k. Nagmahal lang naman ako ah? Bakit ganito ang ibinalik sa akin?" Naluluhang salita ulit nito at nilagok ang beer na mahigpit na hawak niya. "Dumbass. Nag-mahal ba ang tawag sa nan-loko ha? It was your entire fault why you end up like this. You can't settle yourself with just one, kailangan 'lagi may reserba ka. Ayan ikaw tuloy ang binalikan, karma is a b***h nga raw sabi nila." Balewalang sagot ko at sumandal sa pader. "Okay lang naman sana kung isa lang sa kanila 'yong gumawa n'on pero pareho sila eh! Pinagka-isahan nila akong dalawa! Sinong tangang magugustuhan 'yon ha?" Inis na singhal niya. "Sino rin bang tanga ang magugustuhan na may kabit ang karelasyon niya at ang malala pa ay kaibigan niya pa? Tell me who," Taas kilay na singhal ko rin sa kaniya. Paano ko nga ba ulit naging tropa 'to? Hindi ako naka-rinig ng sagot sa kaniya bagkus ay hagul-hol na ang narinig ko. Napabuntong-hininga na lang ako at tinapik ang balikat niya. "Tumigil ka na nga, mag-move on ka na lang. May mga babae pa naman diyang handang magpa-loko sa'yo, sila na lang tirahin mo." "Ayoko. Masyado pang masakit, hindi ko kayang ibaling sa iba ang atensyon ko sa ngayon." Sagot niya. Wait... "Anong sinabi mo? Paki-ulit nga? Tama ba 'yong narinig ko ha?" Gulat na tanong ko. For your information, hindi ganito ang ugali ng isang ito. Mabilis lang siyang maka-hanap ng bago every break-up niya. Medyo kakaiba nga ang ikinikilos niya ngayon e. Never siyang umiyak nang ganito dahil lang sa naloko siya. "Tinamaan ako pre. Tinamaan ako sa kaniya, putangina na 'yan." Nai-iyak na naman niyang sagot. Pinigil ko ang sarili kong matawa dahil baka masuntok ako nito. "s**t. Isang malaking himala na natamaan ka ni kupido pre. Nagba-bago ka na talaga." Naka-ngising sambit ko as I tapped his shoulders. Inis naman siyang pumalag. "f**k. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng maloko ng taong mahal mo, puta." Maktol niya kaya napa-iling-iling naman ako. "Deserve mo 'yan pre. Lesson na 'yan sa iyo para tumino ka na. Masyado ka nang gumagawa ng kasalanan sa mundo kaya pinaparusahan ka na." Natatawang sagot ko na ikina-sama niya ng tingin sa akin. We spent a few more hours in our tambayan before he got tired and left voluntarily. I just threw away what we drank before going home. I wasn't drunk from what we drank because It's just a root beer so it's okay to go home like this. Naabutan ko si Ate Catherine sa sala ng bahay habang nanonood ng movie. I heard Mama's noise in the kitchen and I don't know where Papa is. Walang salita na tinungo ko ang kwarto ko para magpalit ng pam-bahay na damit. Nag-hilamos lang ako ng mukha at nag-toothbrush bago bumaba sa sala at nakinood sa pinapanood ni Ate. Lunchtime came and we ate together. Ate Grace is not here so only the four of us to eat together. I was the one who offered to wash the dishes since ako ang naka-toka every lunch except when there were classes.The afternoon has come and I am now in the back of the house. Burning dry leaves that have accumulated here. This is my usual routine during weekends and no classes. Actually, taong-bahay lang talaga ako, I just went out earlier because that one needs a company. He may commit suicide when left alone. I'm the one to blame for not taking pity on him if ever, tsk. That's the reason why I don't entertain those girls who are confessing their feelings to me. Hindi sa takot akong masaktan, ayoko lang talaga na malagay sa ganoong sitwasyon. Mahirap din magkaroon ng commitment, wala kang kalayaan at kailangan palagi ini-inform sila sa kung anong gagawin mo. Like wtf? Parents ko nga walang paki-alam sa kung ano gagawin ko, sila pa kaya? It's better to be single. No problem, no hassle. Aalis na sana ako dahil paupos na ang apoy nang bigla na lang lumakas ang siga nito. Muntik pa akong maabot ng apoy kung hindi lang ako naka-atras kaagad. Taragis? Anong problema nito at bigla na lang lumalakas ang apoy? Wala namang hangin sa paligid dahil hindi naman open area ang backyard namin at maliit lang din ito. Mga tanim lang ni Mama at ibang halaman na matatayog pa. I tried to cover it with sand to put out the fire but it only got stronger. s**t! Baka pag-lumakas pa ito lalo ay madamay na ang bahay. Wala akong balak mawalan ng matitirhan ano! Dali-dali ko na ring pinuntahan ang sprinkler at 'agad itong binuksan pero tangina. Ayaw bumukas! Parang na-stuck ang pihitan. I just took the shovel from the side of the door and tried to keep the fire out of the house. I move it to a larger space in the backyard so that it doesn't touch other plants around and it gets worse. Ang sakit na sa mukha ng apoy dahil masyado na akong tumatagal malapit dito. f**k. Baka mukha ko naman ang masunog nito, s**t. "Arghh s**t!" Daing ko nang bigla na naman itong lumakas at talagang sa may pwesto ko pa talaga napiling lumiyab. Kinakabahan na akong naka-tingin sa apoy dahil para na itong sumasayaw sa harap ko. Nagfo-form din ito ng mga hugis like a whirlpool. Shit. Iba na ito. Kakaiba na ang nangyayari rito. Mabilis kong tinungo ang loob ng bahay para tawagin sila Papa pero halos nahalug-hog ko na ang buong bahay pero wala sila. Fuck f**k f**k?! Bakit ngayon pa sila wala dito?! Kung kailan ano mang oras ay baka masunog na nang tuluyan ang bahay! Nagtatagis ang bagang na tinungo ko ang CR para kuhanin ang timbang may lamang tubig at 'agad na bumalik ulit sa likod. Napanganga naman ako nang makitang unti-unti na itong humihina, iyong tipong parang sa stove na pinapahinaan ang apoy? Ganoon na ganoon ang nangyayari at tangina. Nagtaasan na ang balahibo ko dahil sa nakikita ko. Totoo pa ba itong nakikita ko? Paano nagkaroon ng Itlog doon sa sinigaan ko?! Sigurado akong itlog iyon dahil sa hugis nito na katulad ng sa Ostrich. I was once witnessed how an Ostrich lay its Egg at ganito ang laki niya-----no, mas malaki pala ito pero what the f**k? Paano nga nagkaroon niyan diyan? We don't even have an ostrich! Sa pagkaka-alam ko ay tanging mga tuyong dahon lang ang nilagay ko diyan kanina at wala nang iba pa! s**t. Na-engkanto na ba ako? Pero hindi naman sila totoo! Kwento-kwento lang iyon sabi ni Mama. Bahagya ko itong nilapitan at doon ko lang napansin na kulay pula ito na tila nagbabaga pa ang kulay. Napapalibutan pa rin ito ng apoy pero hindi na ganoon ka-lakas. Parang bumalik na ito katulad kanina na may kahinaan na lang. "Ahhfakk!" Gulat na sigaw ko nang may bigla na lamang lumitaw na pulang liwanag sa tabi nito at naging hugis tao. Namumuro na ako sa gulatan ngayon ah! Tangina na 'yan. Nagmumukha na akong bakla dito! "Who the f**k are you?" May bahid ng inis sa boses ko. Sino ba naman ang hindi mai-inis kung may mga bagay na hindi maipaliwanag ang nangyayari sa harapan mo? "I am Firenold." Direstong sagot nito. Napa-tingin ako sa kabuuan niya. From his crimson hair, crimson eyes, perfect shape nose, and red lips that emphasized its chiseled jaw. He's wearing armor-like clothes from head to toe, may cape rin siya sa likod na aakalain mong nag-a-apoy kapag natatamaan ng liwanag. "What's happening here? Anong kalokohan ang nakita ko kani-kanina lang?" Pigil ang inis na tanong ko. "I have my apology for what happened. I'm here to inform you that you were chosen to be the new owner of that Dragon Egg." Sagot niya na nakapagpa-kunot ng noo ko. "Dragon Egg? Seriously?" 'Di naniniwalang tanong ko. Who did the heck say that I will buy that? Walang Dragon. "Believe it or not. That's really a Dragon Egg and you can't do anything to prove me that I'm wrong." Seryosong sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I don't f*****g care. Leave before my parents came back. Wala akong panahong makipag-lokohan sa 'yo." Sagot ko at tinalikuran siya. Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang bigla na lamang lumiyab ang harapan ng pintuan na ikina-laki ng mata ko. "Don't you dare turn your back at me kid." Rinig kong salita n'ong Firenold daw kaya inis akong napa-balik ng tingin dito. "Kapag ang bahay namin nasunog, lulutuin ko 'yang itlog na 'yan sa harapan mo!" Inis na sagot ko. Tumaas naman ang sulok ng labi nito na mas lalong ikina-inis ko. He's playing with me, f**k him. "My fire is harmless... for now." Sagot nito. May pa-for now-for now pa siyang nai-isip ha. Akala niya ba nagbibiro ako? Wala akong paki-alam kung totoo ngang Dragon ang nasa loob niyang itlog na 'yan. Hindi ako tanga para mag-alaga ng Dragon. Wala akong balak na magpa-kuyog sa mga tao kapag nalaman nila na may ganito sa bahay. "Pwede bang umalis ka na lang dito Firenold at dalhin mo na 'yang Itlog na 'yan. Wala akong panahong makipag-lokohan sa 'yo. Based on your looks ay mukhang hindi ka taga-dito sa mundong ito. Bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo." Seryoso kong salita. Nakita ko ang pag-kislap ng mata niya. Hindi ako makaramdamam ng takot sa kaniya kahit pa sabihin na nating may kapangyarihan siya. Kung hindi sana siya gumawa ng kalokohan kanina ay malamang hindi ako maiinis nang ganito at mamamangha pa ako dahil sa kakayahan niya. Sa TV ko lang nakikita ang ganito pero hindi ko inakalang totoo pala talaga sila. "No, you listen to me. I know I made fun of you earlier but I just want to test you. What I said was true. That thing is indeed a Dragon Egg. I am here to give it to you because that thing chose you as his new owner and you can't do anything to reconsider it." Seryoso niya pa ring sambit. Nanahimik ako ng ilang minuto at hinayaang promoseso sa utak ko ang sinabi niya. I'm the new f*****g owner of that Dragon? The heck. Aso nga hindi ko magawang protektahan sa mga magnanakaw, Dragon pa kaya? "No. You can't do this to me Firenold. Wala akong balak magpaka-hero sa Dragon na 'yan. Delikado para sa pamilya ko ang mag-alaga ng ganiyang ka-delikadong hayop." Sagot ko. "I'm sorry to say this but it's final. You all have to do is to accept it and keep it. Don't you ever dare to tell it to anyone until the right time comes. That Dragon is no harm for your family as long as you will teach it properly... I have to take my leave, Rommel. Remember what I've told you. Protect it at all cost." Huling sambit niya bago siya nilamon ng pulang liwanag gaya ng pag-litaw niya kanina. Fuck that Firenold. Ano namang gagawin ko rito? Wala akong balak mag-alaga ng mapanganib na hayop katulad nito. I need to protect it at all cost? Bakit? May mangyayari ba kapag pinabayaan ko lang ito? At ano? Hindi ko pwedeng ipag-sabi ang tungkol dito? Tanga ba ako para gawin iyon? Hell no! Wala akong balak ilagay sa alanganin ang buhay ng pamilya ko 'pag nagkataon. Naiinis man ay nilapitan ko na lang ang Dragon Egg na ito at 'agad na hinawakan. Napa-pikit ako dahil sa sensasyong pumasok sa katawan ko nang mahawakan ko ito. Para akong na-ground sa saksakan. Pakiramdam ko ay nabuhay bigla ang dugo ko at ginanahang mag-circulate sa buong katawan ko. Tangina. Ano na naman 'to?! Kapag may nangyari sa katawan ko dahil sa kagagawan ng Dragon Egg na pula na ito ay hindi ako magda-dalawang isip na lutuin ito. Sinubukan ko ulit itong hawakan at nawala na ang pagka-ground sa akin 'tulad kanina kaya tuluyan ko na itong nahawakan at inangat. Mainit-init pa ito dahil siguro sa apoy na pumalibot dito kanina. Agad ko nang tinungo ang kwarto ko at sinipa ang isang bahagi nito. Agad itong umusog at nagkaroon ng tila maliit na siwang na tingin ko magkakasiya ang Itlog. Ito ang parte ng kwarto ko na pingatataguan ko ng mga root beer na inuuwi ko sa bahay. Hindi kasi pwedeng mag-uwi ng alak dito sa bahay kaya gumawa ako ng parang secret compartment sa kwarto ko para may mapag-lagyan. Kinuha ko ang lumang kumot ko sa kabinet at 'agad na ibinalot doon ang Dragon Egg bago ipinasok sa loob. Tiningnan ko muna kung ayos lang ba ang pagkaka-pwesto nito doon bago muling ibinalik ang harang. Na-upo muna ako sa higaan ko at pinaka-titigan ang pinag-taguan ko. Sana tama ang ginawa ko. Sana walang mangyari sa pamilya ko dahil sa ginawa ko. Nabaling ang tingin ko sa phone ko nang tumunog ito. Nag-text si Jerald. Binuksan ko ito at kaagad na binasa. Nag-a-aya lang pa lang mag-basketball sa court ng subdivision namin. Iisa lang naman kasi ang subdivision na tinitirahan namin, medyo may kalayuan lang nang kaunti ang bahay namin kaya text-text na lang kapag may trip gawin. Kaagad na rin akong nagpalit ng damit at chineck ko ulit ang secret compartment bago tuluyang lumabas ng bahay. Harmless nga ang apoy ni Firenold dahil hindi naman nasunog ang kahit kaunting parte ng bahay. Dapat lang dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iniingatan niyang Dragon Egg. Someone's POV I can feel the presence of the Dragons getting stronger. Surely the Whitenians are amazed at the strength of the shield that protects them against the Darknians.This is just the beginning. I know things are too early but it is better early than it is too late for it. I know they are too young to be given a big responsibility but this is their destiny and nothing can change that. Hopefully, they can overcome the evil in our world... in Dragonania. That race is getting too much fun. I don't want to repeat what happened before. It needs to end before it gets worse. I looked at the object in front of me, it was placed in a high container. It is surrounded by soft fabrics. Hinimas ko ito at napangiti dahil sa kinis na taglay nito at halos kasing kulay ko na ito. "Ikaw na ang susunod, ibibigay na kita sa mangangalaga sa iyo." Kausap ko rito at napangiti. Four have been given and only one is left. The former four became five. Hopefully, what I did will help them. Because she is the only key left for me to be able to correct the mistakes I have long covered up. The mistakes are the reason why everything is all messed up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD