Rose Ann's POV
After Ronalyn left ay naiwan rin kami dito sa table nang walang nagsasalita. I'm just sipping my Iced Tea while looking at everyone around here in cafeteria. Lahat ng students dito ay may kaniya-kaniyang group. Aside from this guy, iyong lalaking nagturo sa amin dito sa cafeteria. I didn't leave my gaze at him when he's taking us a glimpse. Mukha rin siyang hindi mapakali kaya napapakunot na ang noo ko. I raised my brows when he suddenly stood up and took a deep sigh before facing our direction and walks towards us. I saw in my peripheral vision that Rommel notices him too kaya umayos ako ng upo and waited for that guy to approach us.
"Masters," Bati nito sa amin na siyang ikina-kuha ng atensyon ng tatlo pang kasama ko.
"Oh hi, you're that guy kanina right?" Asked by Ate Catherine, the guy nods.
"About earlier, I... I'm sorry about what happened." He said and looked down at his feet. I looked at my cousins and they also did the same.
"You tricked us earlier to come here for them to greet us like that, aren't you?" Rommel said while looking at him intently. Oo nga pala, siya pala iyong kamuntikan nang masapol nang kung ano mang pinagbabato nila sa amin kanina.
"I'm really deeply sorry Masters! Napag-utusan lang po ako ng mga second year, when they found out that, may transferee sa first year Alpha's." He reasoned out na ikina-tingin ko sa ilan pang students dito na which is mga classmates na lang namin. They were looking at us also dahil sa lalaking ito.
"Ganoon ba sila mag-greet ng mga new students dito?" Tanong ni Cristina.
"Yes po, as you can see, second-year Alpha is the most bully section in Dranair." Paliwanag naman kaagad ni... what his name by the way?
"Anong pangalan mo?" Voiced out ni Jerald kaya hindi na ako nag-effort mag-tanong.
"Oh right. I am Philip Cabrera, a Plant Manipulator and I am 18 years old." He said kaya napatango naman ako.
*kriiiing! kriiiing*
"Time na, anong next subject natin Ate Catherine?" Tanong ni Jerald as soon as the bell rang.
"Wait," She said and immediately grab her bag and looked for our class schedule.
"Uhmm. Our next class is Physical Training po." Salita ni Philip while kinakamot ang nape niya.
"Oh yeah, Physical Training nga and sa Gym 3 daw ito." Ate Catherine agreed.
"Let me accompany you there po Masters, if you want," Philip said while raising his hands as he gulped.
"Okay," I answered that made him breathe in relief.
"Maybe someone will ambush us again in the place you point out." Rommel suddenly said that made Philip looked at him in surprise.
"No, no! Hindi na po Master! Hindi ko na po uulitin ang nagawa ko kanina." Philip defended himself while shaking his hands. Base sa emotion sa mata niya ay mukhang sincere naman siya. Since when did I know if someone is sincere or not?
"Siguruhin mo lang." Rommel then again said while looking at him sharply na ikina-tawa ni Jerald.
"Hoy chill ka lang, tinatakot mo naman si Philip." Salita niya at tumayo at inakbayan si Philip. "Sinabi na niyang hindi na niya uulitin iyon kaya we should trust his words."
"Stop na guy's, Philip, lead us the way." Ate Catherine said that Philip immediately nodded.
"Pupunta po pala muna tayo sa Locker Room para mapalit ng uniform." Philip said that made us nod. Alangan naman kasing itong uniform ang gamitin namin e parang P.E yata ang subject na papasukan namin ngayoon.
We had already arranged our belongings before we went to the Locker Room, I don't think we went there yesterday because we ran out of time to wander around. Kinakausap lang ni Jerald si Philip while naglalakad papunta sa Locker Room at kahit papaano ay nagiging maayos na ang pakikitungo nila sa kaniya. Well, except for Rommel dahil iba pa rin siya kung maka-tingin kay Philip and I understand it naman. May reason naman kasi siyang acceptable.
"Dito na po ang Locker Room," Philip said as we stopped sa harap ng isang tila elevator na pintuan. "Isa-isa lang po ang pwedeng pumasok diyan and need i-tap ang ID dito para sa verification." Paliwanag niya pa. "I'll go first para mahintay ko po kayo sa loob." He added.
Pinanood namin ang ginawa niya and he did tap his ID sa screen before the door opens, he shyly smiled at us before entering the door and closed it. We waited for seconds and may nag-pop up na message sa itaas ng door na 'empty' kaya napatingin ako sa mga kasama ko.
"I'll go next." Ate Catherine said at ginaya na nga ang ginawa ni Philip kanina. Sumunod na rin kinalaunan sina Rommel, Cristina, and Jerald kaya ako na lang ang natira dito kasama ang ilan kong classmates na magpapalit rin. Actually, may pila na nga sa likuran ko kaya hindi ako masyadong maka-galaw.
I tapped my ID sa screen and nga pala, sa bawat pag-tap ng ID sa screen ay may lumalabas na ilaw according to their charms kaya medyo astig siya. I waited for the screen to pop the light according to my charm pero narinig ko ang bulungan sa likuran ko when the screen pop a different color at hindi iyon tumitigil. Nasisilaw na rin ako dahil sa mabilis na pagpapalit ng ilaw kaya iniiwas ko na ang mata ko doon. Napa-hinga ako nang maluwag nang bumukas na ang pinto kaya mabilis na akong pumasok doon without looking at my classmates who are actually staring at me. Damn it, hindi ba sila inform na staring is rude?
Nang bumukas na ulit ang pinto ay tumambad na sa akin ang lima na mukhang naiinip na sa kakahintay sa akin. "At last ay nandito ka na rin, bakit ang tagal-tagal mo?"
"Traffic." Sagot ko na ikina-rolled eyes ni Cristina. "Ano na?"
"Ahh dito po tayo, nandito po ang Locker ng mga Alpha." Salita ni Philip at iginaya kami papunta sa isa na namang pinto na kulay ginto. Tinulak niya lang ito pabukas at kaagad nang tumambad sa amin ang mga locker na kulay ginto. "I-tap ninyo po ulit ang ID ninyo dito sa screen para bumukas ang Locker ninyo." He added at tinap ang ID niya sa isa na namang screen na nasa gitna ng room.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa technology mayroon ang Dranair o maiinis e." Kumento ni Cristina as she tapped her ID when Philip's Locker opened automatically sa may bandang kaliwa namin.
"Ilan kaya bill nila sa kuryente?" Segunda naman ni Jerald.
"Milyon na siguro." Sunod naman ni Rommel.
"Naol na lang sa Milyon." Dagdag ko rin.
"Akin na lang sana 'yon, I can but a lot of things with that." Pakisali rin ni Ate Catherine na ikina-tawa ng mga classmates naming naka-abang na rin sa likuran.
Our Lockers opened at the same spot, sa may kanan, kaya pumunta na kami doon at tiningnan kung anong mayroon sa loob. It has a white shirt, jogging pants, rubber shoes and may casual clothes rin. Tig-three pairs rin ang mga iyon. May nakita akong button sa may gilid and I curiously pushed it. Muntik nang mapa-hiyaw sa gulat nang may bigla na lang nalaglag mula sa ceiling na parang kurtina na nagkulong sa akin nito sa loob kasama ang locker ko.
"Masters! You can change your clothes inside that curtain. No need to worry kung may makakita sa inyo kasi po may encantation iyan na kayo lamang ang makakapag-bukas ng curtain. Pindutin ninyo lang po ulit ang button kapag tapos na kayo." I heard Philip's voice outside kaya napa-buga naman ako ng hangin. Taragis ng Dranair, kung ano-ano ang pakulo!
"Thanks!" Sigaw naman ni Ate Catherine.
Wala na akong nagawa kun'di ang magpalit na nga, conscious pa rin ako kaya mabilis lang akong nagbihis at kaagad na inilagay ang uniform na hinubad ko sa loob ng Locker. May nakuha akong pantali sa buhok kaya tinali ko na muna iyon into a high ponytail again bago nag-retouch ng pulbos dahil nagiging oily na ang mukha ko. Sinuot ko na muli ang ID ko bago muling pinindot ang button para maalis na ang curtain.
*kriiing! kriiing!*
"Lagot, last bell para maka-pasok sa mga rooms!" I heard one of my classmates said at kaagad na hinila ang kasama niya papaalis ng dito.
"Tapos na po ba kayo?" I heard Philip's voice kaya napatingin ako sa gilid ko and I saw him waiting for us while looking at his watch.
"Yep, we're done! Tara na?" Sagot naman ni Cristina after umangat ng curtain niya.
"Kailangan na po nating magmadali kasi magta-time na po." Aniya ni Philip.
"Ahh yeah, I heard one of our classmates kanina." Salita naman ni Jerald habang inaayos ang buhok niya.
We followed Philip at halos lakad-takbo na ang ginawa namin just to get to Gym 3. Tumigil naman kami sa tapat ng hilera ng mga Gym na napuntahan namin kahapon. Lumapit si Philip sa isa sa mga pintuan and gestured us to come when he taps his ID sa parang screen door knob ng gym. Something caught my attention here in Dranair Academy. All the doors that we are about to go into, our IDs serve as our pass. You can't just barge in as you like, ID muna bago pasok. So I think ito ang pinaka-importanteng bagay na kailangang bitbit namin palagi while lurking around the Academy.
As soon as he opens the door, greenfield welcomes us. I can't help but be surprise dahil hindi ko inaasahan ito. Akala ko ay gymnasium ang hilera ng mga pintong iyon, but what the heck? Bakit may open field dito? Mataas ang tirik ng araw pero in some reason ay hindi siya masakit sa balat like the one in human world.
"Where are we?" Takang tanong ni Ate Catherine. "Are you sure we entered the right door?"
"Wait, I'll explain first po muna. As you can see, all the doors that we went into are improvised portals. Our IDs serve as our passes to enter the portal to go to some places. Alam naman ninyo na po yata na ang Academy ay nakatirik sa cliff ng waterfalls and napapalibutan ng katubigan right? Wala ring mga bundok sa paligid and kung mayroon man ay halos miles away. The Academy is filled with portals to fulfill the needs of the students. Some portals lead to another dimension like this place. This place is only a dimension and was designed as an open field for our Physical Training subject. Marami pang ganito and ang iba ay iba-iba naman ang design. Makikita ninyo rin iyon kapag need nating sa labas ng classroom ganapin ang klase." Mahabang paliwanag ni Philip while we're walking around.
We all awed dahil sa napaka-out-of-this-world na nawi-witness namin. Sobrang lawak ng open field na ito and if I know ay mas malawak pa ito kaysa sa runway ng airplane or iyong nilalaruan ng soccer. Ang soft rin ng mga carabao grass and perfectly trimmed pa. May mga puno rin dito na magkakahiwalay, for resting yata ang mga iyon since may mga tables and chairs ang iba.
"Good afternoon, first-year Alphas." Bahagya akong nagulat dahil sa boses na nag-echo sa buong lugar. I roamed my eyes around only to see my classmates who are looking everywhere too.
I heard a soft laugh from above kaya napa-angat ang tingin ko. My left eye is close dahil hindi ko ito parehong maimulat dahil sa sinag ng araw. Something blocked the sunlight na tumatama sa akin. There, I saw a man who's looking at me with a smile. He's floating in the air with cross arms. Hinigit ko ang braso ni Jerald at kaagad na isinenyas sa kaniya ang lalaking nasa itaas.
"Woah! Astig mo brad!" Kaagad na puna dito ng loko habang nakanganga pa. Napatingin na rin ang iba sa tinitingnan namin kaya mas lalong lumawak ang ngiti ng lalaki.
"Descendit!" Sambit ng lalaki. After he said those words ay slowly, bumaba na siya. Doon lang rumehistro sa akin ang mukha niya. He's in his late 30's with a good built. May istura siya kaya paniguradong habulin ang isang ito ng mga students niya.
"Hello hello! I am Christian Agnote and please call me Professor Christian or Sir Christian but not on my surname, I hate that. Your subject to me is Physical Training right?" Tanong niya na ikina-tango naman namin kaagad. "Okay. As you can see, my charm is flying. Cool isn't it?"
Sumang-ayon naman kaagad ang mga classmates namin kaya napa-iling na lang ako. What's cool in that? Para lang namang nakalutang lang siya. Mas matutuwa pa ako kung may wings siya for flying, it's way cooler.
"To start our class ay hindi ko muna kayo masyadong papahirapan. I want you all to ready your bodies for the worst training that I might gave you soon HAHAHAHA." Parang tangang tawa nito. Mahina namang napa-yes si Cristina at ngiting-ngiti na, hindi katulad kanina na parang nilayasan na ng dugo after she found out na may Physical Training subject kami.
"Ano pong gagawin namin today sir?" Tanong ng babae naming classmate. Hindi pa namin alam ang mga pangalan nila since kami lang naman ang pinag-diskitahan ng mga professor na magpakilala sa harapan. Si Philip Cabrera pa lang ang kilala ko.
"For now, I want you all to run back and forth. Limang lap lang naman kaya hindi na kayo masyadong mahihirapan." Ngiting sagot ni Sir Christian. May mangilan-ngilang nag-reklamo.
"Sir naman e! Ang hirap naman niyan!" Reklamo ng kaklase ko.
"Tatakbo ka lang naman, anong mahirap doon?" Tanong ni Sir Christian na sinang-ayunan naman ng iba.
"Ew sweat." Maarteng salita naman ng babaeng naka-make up sa arawan. Powta?
"Naiwan ba sa make-up kit niya ang utak niyan at hindi siya aware na pagpapawisan talaga tayo sa subject na 'to?" Halos pabulong na kausap sa akin ni Cristina while staring at the girl. Tinapik ko na lang ang bibig niya dahil baka marinig pa n'on at mapahamak pa kami.
"Hey students! Kung alam ninyo lang na ito ang pinakamadali sa ipapagawa ko ay baka mag-saya pa kayo." Naiiling na salita ni Sir Christian while tapping his right foot sa ground.
"What?! May mas ihihirap pa ito?" Eksahiradang tanong ng isa pang babae.
"What did you expect? This subject screams itself as hard." Kibit-balikat na sagot ni Sir na narinig kong ikina-tawa ng mahina ni Rommel. "Okay! Let's start! Volant!"
After Sir Christian said those words ay muli na naman siyang lumutang and nag-fly away na. I waited for him to stop sa nakikita kong dulo ng open field na ito but my eyes grew big. Halos kasing laki na lang siya ng langgam dahil sa layo ng kinaroroonan niya. "What the f**k?" I murmured na mukhang narinig ni Philip na nasa likod ko lang pala. I saw him gulped habang nakatingin kay Sir.
"G-ganiyan ka-layo?!" Gulat na bulalas ni Cristina.
"That's way better kaysa doon sa tinatakbo ko." Salita naman ni Rommel while stretching. Anak ng?
"Tae na 'yan, good luck na lang sa atin." Sambit naman ni Jerald na ginagaya na si Rommel sa pags-stretching.
Gumaya na rin ako nang makitang may ilan nang nagsimulang tumakbo. Since kasama namin si Rommel ay siya ang nag-lead sa aming anim sa pag-stretching. Nang ma-condition na ang katawan ay nagsimula na rin kaming tumakbo. We finish the two laps nang mabilis ang takbo kaya ngayong pang-tatlo na ay hingal na hingal na kami. The two guy's ay parang nagpapaligsahan pa at wala yatang kapagod-pagod sa katawan. Nauuna rin sa amin si Ate Catherine since medyo malakas ang stamina nito. Nahuhuli si Cristina sa akin dahil bukod sa mababa siya ay maliliit lang rin ang hakbang niya. Damn minion.
I'm on my fourth lap going to five nang maabutan ko si Philip na jogging na ang ginagawa. I'm bathing with my sweat na rin at hingal na hingal na. Nanginginig na rin ang paa ko pero wala pa ring hinto dahil malapit na akong matapos. "Pang-ilan mo na 'yan?" Tanong ko kay Philip nang medyo one meter na lang ang layo ko sa kaniya.
Nilingon niya naman ako at kita ko na ang pamumutla ng mukha niya that made me creased my forehead. "O-oii I-it's my thi–rd!" Sagot niya with almost a faint voice.
"Oh wow, ang bilis mo ah!" Pabirong sagot ko sa kaniya habang binubuntutan siya. I don't know why pero parang hindi ko 'to pwedeng iwan dahil sa condition niya na napapansin ko.
"Mahina ang....resistensiya ko at mabilis akong....mapagod! I can only....run for two....laps! I....I can't do more than this! I....I might collapse sooner!" Putol-putol na sagot niya. Hindi ko masyadong marinig ang boses niya dahil halos pabulong iyon. Naintindihan ko lang ay mahina ang resistensiya niya kaya pinantayan ko na siya sa pagtakbo.
"Don't talk na. Mas mapapagod tayo kapag nagsasalita." Malakas na sambit ko and I tap his shoulder. We managed to finish another lap pero wala pa man kami sa kalahati ay bigla na lang tumumba si Philip.
Kaagad naman akong napatigil at ramdam ko ang mas pag-ragasa ng pawis sa katawan ko. My heart beats rapidly and sumasakit na rin ang tagiliran ko. Napahawak ako sa tuhod ko para huwag mapa-upo at napatingin kay Philip na nakatihaya na at habol ang hininga. "Oii Philip! Tama na ang pahinga! Tara na!" Aya ko sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kaniya.
"I....I can't....breathe." Mahinang sagot niya.
"What? Hindi kita narinig!" Tanong ko sa kaniya at mas inilapit ang tainga ko sa bandang bibig niya.
"Can't breathe!" Paos na sigaw niya.
"What?!" Sigaw ko at nagmadaling chineck ang pulse niya. Taena! Pulse ba dapat?! Mabilis ang paghabol ng hininga niya at ang lalim rin ng nasa may adams apple niya. Wait—may hika pa yata siya?!
Kaagad akong napatayo at hinagilap ng mata si Sir Christian. "Sir!!! Sir Christian!!!" Sigaw ko nang makita siyang patawa-tawa habang pinapanood ang mga classmates kong hirap na hirap na sa kakatakbo. Hindi niya narinig ang tawag ko dahil tinatawag rin siya ng mga kaklase kong sumusuko na sa pagtakbo. I heard Philip cough kaya napatingin ako sa kaniya at namumutla na talaga siya! I closed my eyes tightly at malakas na humugot ng hininga.
"Sir Agnote!!!" Sigaw ko na halos ikaputol ng vocal chords ko.
I saw how everyone stop on their tracks nang sigawin ko ang surname ni Sir. Ang sabi niya ay huwag daw siyang tatawagin gamit niyon but I don't have a choice! Halos ganoon ang tinatawag nila sa kaniya and talagang hindi niya maririnig ang akin! Kunot-noong napatingin sa direction ko si Sir at walang ano-ano'y lumipad siya papalapit sa akin. "I told you all not to call me by my surname, didn't I?" Tanong nito sa akin. I gulped but maintain my problematic expression.
"Huwag ninyo akong artehan ngayon, Sir Christian. Philip needs assistance, hindi siya maka-hinga at mukhang may asthma siya!" Sigaw ko sa kaniya while looking directly into his eyes. Gulat naman ang naging reaction nito dahil sa pagsigaw ko pero kaagad din siyang napatingin kay Philip na mukhang lantang gulay na naka-higa sa damuhan.
"Philip! Philip can you hear me?!" Sigaw ni Sir Christian habang tinatapik ang half-conscious na si Philip. Philip groaned.
"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Ate Catherine nang makalapit siya sa amin. Well, they all are.
"Nahirapang huminga, ayan natumba na lang." Sagot ko sa kaniya.
"Class dismissed. Magpahinga na kayo, I'll bring Philip to infirmary." Tarantang salita ni Sir Christian at kaagad na lumipad tangay si Philip palabas ng dimension.
"Ang weak naman pala ng isang 'yon." Kumento ni Jerald kaya napataas ang kilay ko.
"Just be thankful that you grew up healthy, idiot." Turan ko naman dito. He just pouted like a duck that made his sister laugh.
"Oh ano ka ngayon?" Tatawa-tawang gatong ng kapatid niya. "Tara na at magpalit. Ang lagkit-lagkit ko na e." Aya nito sa amin.
"Ew magpapalit ka lang? Hindi uso sa 'yo ang salitang shower?" Balik kaagad ni Jerald sa kapatid at binigyan pa ito ng nandidiring tingin. Damn this two, mag-uumpisa na naman.
"Duh?! Uso rin kasi 'yong salitang common sense!" Sigaw dito ni Cristina at walang pasabing sinapok ang likod ng ulo ng kapatid. I bite my lips to prevent myself from laughter.
"Aba't nananakit ka na ngayon?! Isusumbong na talaga kita kay Mama!" Iritang sigaw ni Jerald habang hinihimas ang ulong nasaktan.
"Oh edi magsumbong ka. Kawawa naman ang bata oh, magsusumbong na sa nanay kasi sinaktan ng mas nakababatang kapatid niya oh." Pang-aasar pa ni Cristina at binelatan ang kapatid.
"Cut it. Let us go." Salita ni Rommel habang tagaktak pa rin ang pawis. Inabot naman sa kaniya ni Ate Catherine ang isa sa bitbit niyang towel na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Naglakad na kami pabalik sa locker room at medyo nagtagal kami dahil nagkasabay-sabay kami sa pagpasok ng mga classmates namin. I thought matatagalan na naman ako sa pagpasok but no, mukhang na-register na ako doon. Iyon nga lang ay umilaw lahat ng pwedeng umilaw sa pinto na ikinataka pa ng mga nakakita. I just shrugged my shoulders at kumuha na ng panibagong damit. Nakita kong mga casual na damit ang kinuha ng mga classmates namin kaya nakigaya na rin kaming lima. Maybe this is the purpose of these casual clothes. Pampalit after ng Physical Training subject namin.
The good thing is may shower area na rin pala dito kaya nakapag-shower na kami. After we wash up ay nagtungo naman kami ngayon sa cafeteria dahil nakakagutom ang pagtakbo namin kanina. Kami lang ulit na magka-klase ang nandito kaya ang daming vacant tables.
"*ehem* Good Afternoon students and dear Masters, please go to Headmaster's Office. Again, please go to Headmaster's Office, Masters. Thank you."
Nag-echo sa buong cafeteria ang boses ng babae na iyon. Doon ko lang rin napansin ang mga speakers na nakapalibot sa buong cafeteria. Nagkatinginan naman kaming lima. Since we are all done eating ay nagsitayuan na rin kami kaagad at naglakad na papunta sa Headmaster's Office. We are all tired kaya walang umiimik sa aming lima habang naglalakad.
Cristina knocks on the door as soon as we reach the said office. Nakarinig naman kami ng pagsagot sa loob kaya binuksan na namin ito at pumasok.
"Ohh you're quite fast huh, so obedient." Nakangiting bungad sa amin ni Headmaster Furukawa who's standing beside the big window.
"Hindi naman po, we're just tired because of our Physical Training, Headmaster. We want to rest immediately after this po." Magalang na sagot ni Ate Catherine nang maupo na kami sa couch.
"Oh I see, I won't let you wait any longer. I called you all here because your Grandmother and Parents want to talk to you all." Sagot ni Headmaster that made me creased my forehead. Bakit kailangan pang kay Headmaster pa sila makikiusap na makausap kami? What's the use of our phones? And na-contact naman namin sila noong isang araw ah?
"Sige lang po." Sagot naman ni Cristina. Tumango naman si Headmaster and he sat down sa isang single sofa that was meant for him.
He snaps his finger and a familiar stick appeared on his right hand. Sumingkit ang mata ko dahil pamilyar talaga iyon sa akin. Ahh yeah, I remember! Iyan iyong stick na hawak niya noong pinasakay nila ako sa kotse niya all the way to Cupid before. He pointed the stick sa center table and mumbled something. "Leporem Activate."
A white light appeared on top of the center table. "Aperire!" Salita niya ulit and nag-spark ang tip ng stick. I bite my tongue when an image pop on the white light. It looks like a hologram now.
The image is a garden—wait, is that the secret garden at the back garden of our house? That's our Lola's secret garden indeed! Nagkatinginan kaming lima at iisa lang ang reactions namin. "Just wait for them to appear, I'll leave you all for now for your privacy." Salita ni Headmaster at naglakad na and he entered the door behind his table.
"There they are!" Sigaw ni Jerald habang nakaturo sa hologram. Nakita na nga namin sa screen sila Lola at sila Tito't-Tita. They are all smiling and waving at us so we do the same.
"Mga apo ko! Kamusta naman kayo diyan?" Kaagad na bati ni Lola kaya napatawa kami ng kaunti.
"We're okay naman po Lola. Kayo po diyan?" Sagot ni Ate Catherine.
"Maayos naman kami dito anak. Ngayon ang first day ninyo, 'di ba? Kamusta naman?" Salita naman ni Tita Marivic.
"Naku Tita! Ang hirap po! May Physical Training po pala kaming subject and kakatapos lang namin kasi may inatake ng hika." Kaagad na sagot ni Cristina na ikina-iling ko naman. Nagsumbong naman kaagad, naku naku.
"That's better, atleast mahahasa na ang kakayahan ninyo." Sagot naman ni Tito Gerry.
"Ano, maganda ba diyan?" Tanong ni Tita Minerva.
"Yes po Ma! Ang astig nga ng Academy e, akalain ninyong nakalutang siya sa itaas ng falls?! Ang laki-laki pa and ang ganda ng uniforms namin oh, look!" Sagot ni Jerald at tumayo pa habang fine-flex ang uniform namin. Nakatanggap naman siya ng batok kay Rommel dahil natamaan siya sa pisnge nang kamay nito kaka-pose.
"Kamusta naman ang mga students diyan? Wala namang nangyaring gulo?" Tanong ni Lola kaya nagkatinginan naman kami ulit.
"So far so good naman po Lola." Tanging nasagot ni Rommel while grimacing. Naalala na naman yata na muntik na siyang matamaan kanina sa cafeteria para sa pa-welcome kuno ng mga higher Alpha.
"Mabuti naman. I can feel the Dragon's presence, napisa na ba silang lahat?" Tanong ulit ni Lola. Nagsitanguan naman sila kaagad. "Oh kamusta naman sila? Nasaan sila ngayon?"
"They're fine and healthy Lola, we left them sa dorm house namin kasi baka pagkaguluhan sila if we tag them along with us." Sagot ni Ate Catherine.
"Rose Ann, ang tahimik mo yata?" Puna sa akin ni Tito Maximo kaya napa-ayos ako ng upo.
"Ahh hehehe. Wala naman po Tito." Alanganing sagot ko. I'm always like this, I won't talk when no one's talking to me. I won't initiate a conversation on my own. Gusto kong may mag-a-approach sa akin and sometimes naman ay tinatamad lang talaga akong mag-salita. I prefer listening to talking. In-short, hindi ako pala-salita.
"Ang Dragon Egg mo ba napisa na rin?" Tanong ni Lola when she heard my answer. Umiling naman ako and she just smiled. "Don't worry, mapipisa na rin ang iyo. Maghintay ka lang ng kaonti pang panahon."
"Opo, sige po." Tanging nasagot ko. I'm not that excited since hindi naman Dragon ang laman niyon. I'm not mad ah, medyo disappointed lang ng kaunti. Pero okay na rin atleast nabigyan naman kahit papaano.
Nagtagal pa ang pag-uusap namin but I'm just listening at miminsang nagsasalita. They just told us to be careful since the Dragons are already here. May mga instances daw na mapapahamak kami dahil sa kanila, kaya we need to be serious with our Physical Training. Kung ano daw ang ini-utos sa amin ay sundin na lang daw namin para walang problema. Umoo na lang kami nang umoo kahit alam naman na namin ang dapat gawin. Nag-aalala lang naman sila sa amin e. That's better than being neglect.