Someone's POV
Napapikit ako at dinama ang hanging malayang tumatama sa mukha ko. I'm currently here in our dorm's terrace, feeling the cold night breeze. Our dorm is on the fifth floor where all the dorms are placed—well, except for the Masters who's dorm is nowhere to be found. Every dorm's door has a label for the identity of the student who's using it. And wala akong mahanap na names nila.
I looked up to the round moon who's giving a dim light in every corner. Dranair Academy is girded with water kaya magandang tumambay dito sa gabi. You can see the reflection of the moon and stars.
"Hey? Aren't you going to sleep?" Napukaw ang atensyon ko sa ka-dorm kong babae na dumungaw sa akin dito sa terrace. She's already wearing her PJ's so I bet matutulog na siya.
"No, hindi pa. Tatambay muna ako rito for a while." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya.
"If that's what you want. Matutulog na kami ah, don't forget to lock the sliding door." Sagot niya kaya tumango na lang ako and say goodnight to them.
I have four dorm mates so we're five all in all. Three girls and two boys but the one is a girl by heart. Okay lang naman na may lalaki kaming kasama dito since he's nice and he respects girls. Feeling ko nga bakla din ang isang iyon but he said that he has a girlfriend na feeling ko ulit imaginary niya lang. I haven't seen him with a girl sa Academy aside sa aming ka-dorm niya.
Nagtagal pa ako nang almost twenty minutes before deciding to sleep. I just took a half bath before laying on my soft bed. It's already 11:35 p.m and I need to wake up early for our class tomorrow. Wala pang one hour na nakatulog ako when I felt someone's staring at me. I scratch my nose before glaring at the one who's standing just beside my bed and looking at me.
"What the f**k is wrong with you? Natutulog na ako oh!" Iritang sita ko sa kaniya but he just scoffed and fixed his black cloak.
"Pinapatawag ka ng Hari." Tanging sagot nito na siyang ikina-taas ng kilay ko. What f**k is wrong with him calling me at this hour?!
"Bukas pa ang schedule kong mag-report sa kaniya ah? Can't he wait for the morning to come?" Inis na tanong ko at ginulo ang buhok sa inis.
"Hindi ko alam, sumama ka na lang." Kibit balikat na sagot nito.
"As if I have a choice." Kumento ko at padabog na pumunta sa closet para kuhain ang brown cloak ko. Hindi na ako nagpalit ng damit at naghilamos na lang bago sumama sa lalaking ito.
He raised his hand mid-air and mumbled something. "Portal Aperta!" Just after he said those words. A cloud of black smoke appeared and slowly, nagiging spiral ang itsura nila and later on, a portal appeared. He's a portal creator by the way kaya wala nang kataka-taka kung paano siya nakapasok sa room ko when it was locked.
He went in first before I followed him after I checked my room. Para akong hinigop nang kung anong pwersa and nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatayo na sa isang malaking itim na double door. May mga sulong nakasindi sa paligid but it's kinda useless since madilim pa rin ang paligid dahil na rin sa atmosphere dito. I sighed and stared blankly at the door. I will see him again. Damn it.
When the Knights feel my presence, they automatically look at me and pointed their weapons at me. I sighed again and remove my hood for them to recognize that it's me. Kaagad naman nilang inilayo ang armas nila at tinanguan ako. "The King ordered me to be here. Where is he?" Tanong ko sa mga ito.
"Nasa loob, pumasok ka na." Sagot ng isa sa kanila at kaagad nang binuksan ang double door. Kaagad na tumambad sa akin ang madilim na throne room. May kaunting liwanag naman na ibinibigay ang mga sulo sa paligid just like the one outside. There, in front, I saw the King sitting majestically on his throne. He's caressing the head of his pet who's looking at me aggressively. Just by the look of it, that pet of his wants to devour me. I gulped before walking towards them at kaagad na napa-tikluhod.
"Ipinatawag ninyo raw po ako, Mahal na Hari." Pormal na salita ko while staring at the floor. I can't stand looking at him in the eyes. I feel like he was digging my life with just his gaze.
"Oo, may gusto lang akong malaman." Malamim ang boses na sagot niya. I managed not to tremble because of how spine-chilling his voice are. Parang galing sa hukay ang boses niyon.
"Ano pong gusto ninyong malaman, Haring Draco?" I asked. Yes, you read it right. I'm currently here in front of the King of Darknians. The one and only King Draco.
"Totoo bang nasa Dranair Academy na ang mga Dragon Masters?!" Malakas na tanong niya na ikina-kuyom ng kamao ko. Hindi ko akalaing masyadong mabilis kakalat ang balitang iyon.
"Opo, tama po kayo. Nakarating na po sa Dranair Academy ang mga Masters and I met them already." Sagot ko naman at napatingin sa kaniya nang mabilis.
"Mga wala talagang kwenta ang mga kawal na iyon! Tatambangan na nga lang hindi pa nagawa!" Asik nito at mas lalong dumilim ang paligid that made me goosebumps.
"Ikaw! Dahil nasa Academy ka rin lang naman ay manmanan mo ang mga batang iyon!"
"Y-yes po King Draco. Makaka-asa po kayo sa akin." Kaagad na sagot ko. Hindi na siya sumagot pa at sinenyasan na lang ako na pwede na akong umalis. I took a deep bow before turning my back at him at mabilis na umalis sa throne room. I can't let myself stay there for too long. Masyadong nakaka-nerbyos. Mamamatay pa yata ako nang maaga.
I may be a traitor to the Academy, especially to the Whitenians but I need to do this in order to make my family live. Hawak niya ang pamilya ko at kapag hindi ko nagawa ang mga pinag-uutos niya sa akin, patay ang pamilya ko. He doesn't even let me visit them just for a second dahil baka raw itakas ko sila, as if naman na makakaya kong itakas sila. I'm sure na may mga bantay sila doon and hindi lang basta-bastang mga bantay.
"Kamusta ang pag-uusap ninyo ng Hari?" Napatingin ako sa gilid nang marinig ang boses ng Darknian na sumundo sa akin kanina. Pasulpot-sulpot na lang ba ang role niya dito?
"'Wag ka nang mag-tanong, I know you eavesdrop again." Bagot na sagot ko sa kaniya. "I need to go back now." Dagdag ko.
"Hmm masyado pang maaga ah. Mamaya ka na bumalik sa Academy." Ngiting sagot nito but I just gave him a bored look.
"Wala akong pakialam. My dorm mates might know that I'm not in my room at this hour." Salita ko. That's true, one of my dorm mates has the ability to pass through walls. Baka maisipan ng isang 'yon na pasukin ang kwarto ko. I don't want to get caught.
"Sige sige. Next time na lang." Tatango-tangong sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Portal Aperta!"
I immediately went in sa portal and seconds after ay nasa kwarto ko na ulit ako. Nothing's changed kaya ibinalik ko na ang cloak ko sa compartment ng closet ko at bumalik na sa pagkakahiga sa kama ko. Inalala kong muli ang naging pag-uusap namin ng Hari. He wants me to keep an eye on the Masters. Should I ask for their help? Should I report false information? Napalatak ako at niyakap na lamang ang unan ko. I can't do all those. If I know, may mga spies pa rin siyang nakakalat dito aside sa akin. He doesn't trust me that much. Who am I to get trusted? I am spying my own consanguine for Pete's sake.
MASTER Jerald's POV
As soon as the bell rang, all our classmates went wild that they didn't bother to say goodbye to our professor. Nag-stretch na lang ako ng katawan at tumayo. Medyo nangalay ako sa kaka-upo and my butt felt numb. Six hours ba namang naka-upo lang, sinong hindi mamanhid ang pwetan?
"Tara na sa cafeteria! Gutom na mga alaga ko." Aya ko sa apat na nililigpit ang mga gamit at nagre-retouch pa ng mukha ang dalawa.
"Sure, I'm hungry na rin talaga." Sagot ni Ate Catherine after she put her girly things sa bag niya.
"Ang isa kasi diyan hindi nagluto ng almusal kanina." Parinig ni Rose Ann habang isinukbit na ang bag niya. Napatango-tango naman ako bilang pagsang-ayon. We attend our class without having a damn breakfast! How cool is that?
"Sorry na nga kasi. I overslept and I forgot to set my alarm." Nakangusong sagot ni Ate Catherine.
"Oo na lang Ate Catherine, kdrama pa more ano?" Gatong naman ni Cristina while grinning from ear to ear. Sus, parang siya hindi, pa-inosente ang putek. Natawa na lang si Ate Catherine at naglakad na kami papuntang cafeteria.
We immediately get our food and I have a two-plate for my lunch. Rommel does the same and the three girls have only one, pero punong-puno naman. The servers help us to carry those plates kaya hindi naman kami nahirapan. I just smiled when the girls gave me a look when we passed them. I heard their low scream that made me grin even more. Iba talaga ang lakas ng kamandag ko shet!
"Mukha kang tanga Kuya." Kumento ni Cristina at nauna nang umupo sa table namin. Nagsi-upuan na rin naman kami and our food served by the servers. Napunta pa kay Cristina ang isa kong plate kaya dagli kong tinapik ang kamay niya when she was about to touch my food!
"That's mine minion!" Sambit ko. She just rolled her eyes at kaagad na tinuon ang atensyon sa pagkain niya. Walang pa itong energy makipag-asaran sa akin dahil gutom na.
Wala nang nagsasalita sa table namin and you can only hear our spoon and forks. Galit-galit muna kami ngayon. We are all hungry after all.
"Hindi naman yata masyadong halata na gutom na gutom kayo ano?" Natatawang salita nang kung sino mang poncio pilatong nasa likuran ko. "Pa-share ng table mga insan ha?" Narinig ko na lang na may umusog ng available seat sa tabi ko.
I looked at it at nandoon na nga nakaupo si Ronalyn na sine-serve na rin ang pagkain niya. Six seater ang table na napili namin kaya may available seat talaga. "Hindi kami nag-almusal kaya ganito." Sagot ni Cristina habang puno ang bibig.
"Ohh I see. Oh siya, galit-galit na muna tayo." Natatawang kumento niya kaya nagpatuloy na kami sa pagkain. May kalakasang napadighay ako nang matapos na ako sa pagkain. We are all done at inu-ubos na lang ang juice at tubig namin.
"Anong next class natin?" Tanong ko habang nilalaro sa bibig ang toothpick na ginamit ko. Wala namang sumabit sa ngipin ko, I just wanted to look cool kaya ginawa ko ito. I didn't felt ashamed rin naman kasi may napapatingin sa aking mga babae. Iba talaga kapag attractive kang tao, whatever you do ay kapansin-pansin talaga.
"Uhh, History yata?—yes, History nga." Sagot naman ni Ate Catherine while sipping her frappe.
"Another boring subject, damn." Iritang kumento ni Rommel habang kunot-noong nakatingin sa pinag-kainan naming nakatiwang-wang pa. He raised his hands and gestured to the servers to clean our mess. Napailing naman ako, this guy is really a clean freak. Lalaki ba talaga 'to?
"Ano naman kaya ang topic diyan? Mga bayani-chuchuness?" Tanong ni Cristina. Napa-iling naman kaagad si Ronalyn at ibinababa ang iniinom na orange juice.
"It's more interesting than you think kasi malalaman ninyo na ang history ng Dragonania. You will know a lot about that subject. You'll enjoy it for sure." Sagot niya na ikina-taas ng kilay ko.
"Well, tama ka naman diyan. We grew up educating us about the Earth's history and stuff when in fact it's not our world to be the studied off." Tatango-tangong sagot ni Ate Catherine.
"At least hindi na tayo magiging clueless when it comes to our real world," I said. We stayed in the cafeteria for about 20 minutes more when the bell finally rang. The good thing about this bell ay every time na magne-next class na ay nagbe-bell siya. Kaya walang takas kapag sinabing late kasi wala pang palya ang bell na iyan, according to none other than the President of the Student State.
"Oh siya paano? Mauna na ako sa inyo ah, bye-bye!" Dagling paalam ni Ronalyn at sumabay na sa mga classmates niyang nagsisilabasan na rin sa cafeteria.
"Let's go na rin guy's!" Aya ni Cristina at ganadong pinaghihila kaming apat.
"Parang kanina halos wala kang ganang gumalaw ah." Puna ko sa kaniya at kinotongan siya. Napa-aray naman siya at kaagad na binawian ako.
"Eh sa walang energy! Bakit ba?!" Pasigaw na sagot nito at kumapit na lang sa braso ng dalawa pang babaeng kasama namin.
When we reached our room ay kaagad na kaming umakyat sa seats namin. Just before we sat down ay may pumasok namang lalaki. He's the same height as Rommel so mas matangkad pa rin ako.
Ahh yeah about our heights. I'm the taller one, next is Rose Ann, then Rommel and Ate Catherine, and the last is my minion sister.
The guy stands in the middle and he roamed his eyes around us. He gave us a nod when his eyes reach our spot. He has a white complexion, well-styled ang buhok, and may glasses siya that made him look intimidating. Sa mukha naman ay hmm....masasabi kong mas gwapo pa rin ako.
"Good afternoon, Alpha Charm-1S. I am Garry and your History Professor for this year. I only have three rules sa klase ko and I want you all to follow them. First is....." Salita niya and I can't help but grimace. This is what I hate the most, hindi ako pala-aral, yes, but I still want to be educated than listening to someone who's talking nonsense.
Like Mr. Garry, kung ano-ano na ang pinagsasasabi after niyang i-discuss ang rules niya sa klase namin sa kaniya. Magle-lecture ba siya o magso-storytelling?
"So, do you want me to lecture now or sa next meeting na lang natin?" Tanong niya that made us all sigh. He raised his brows when he saw what we did. "Is there something wrong students?" Tanong niya. No one answered so he just nodded his head and was about to talk again when the bell rang.
My mouth gaped open in disbelief. He wasted our two hours class just to talk about nonsense things?! Unbelievable!
"Oh mukhang sa next meeting na lang tayo mag-start. Class dismiss! Goodbye." Salita ni Mr. Garry at walang pasabing lumabas sa classroom namin. We fell silent after that at naputol lang nang matawa ang ilan sa mga classmates ko.
Napailing-iling na lang ako at napahilamos sa mukha. Did I just waste my time on something unworthy? "Walangya." I muttered.
"Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Rose Ann na for the first time yatang nagsalita ngayong araw.
"Damn. Akala ko napipe ka na!" Manghang salita ko at napatakip pa sa bibig. She look at me with a bored look.
"'Wag mo 'kong simulan." Aniya.
Napangisi na lang ako at inayos ang buhok kong feeling ko nawala sa ayos.
"Wala na tayong klase. I think we should go to our dorms na lang." Sagot ni Ate Catherine.
"Yes yes! Tutal maaga pa naman, why don't we train our Dragons na lang?" Excited na sagot ni Cristina that made our classmates look in our direction. I saw their eyes glimmered just by the word Dragon.
Napa-face palm naman ako. Ganiyan ba talaga sila ka-hanga sa mga Dragons namin? Tae na 'yan. Mas malalamangan pa yata ako ng Dragon ko sa kasikatan dito. Paano na ang mga chicks ko?!
"Oo ba! Tara na!" Sagot naman ni Ate Catherine na mukhang hindi 'ata napansin ang pagtingin ng mga classmates namin. If I know pasimple lang ang mga ito.
Pero well, good idea nga ang i-train na sila. They grow a bit faster than we think. Kung dati ay kasing laki lang sila ng full-grown cat, ngayon naman ay ang full-grown dog naman. They can flap their wings stronger than before kaya oras na para i-train sila nang totohanan na talaga.
Nagsitayuan na kaming lima at naglakad na papunta sa dorm house namin. Up until now ay nagtataka pa rin ako dahil wala akong makitang ibang student except sa aming mga Alpha. Wala akong makitang Beta at Gamma students. Confirmation na lang ang kailangan ko para malaman na nasa ibang part ng Academy ang lower class at ang part kung nasaan kami ngayon ay para lang sa mga Alpha.
Napatigil kami sa harap ng gate—we call this marble door as gate para naman mabilis ang explanation. We saw a brown box sa lapag at nilapitan ko naman iyon kaagad. Bubuksan ko na sana ang box nang may sumiko sa tagiliran ko.
"Don't open it here, that might be confidential." Salita ni Rommel na siyang ikinataka ko.
"Mama mo confidential." Sagot ko at napahimas sa tagiliran ko. Ang sakit rin n'on ah! Nginisian niya lang ako at tinap na ang ID niya para magbukas ang gate ng dorm house namin. Pinulot na rin ni Cristina ang box at siya na ang humawak niyon.
"What the f**k?!" Gulat naming sigaw ni Rommel nang tumambad sa amin ang napakagulong garden nang magbukas na ang gate. Kaagad kaming pumasok at mas lalong napanganga nang tila binagyo ang labas ng dorm house namin. Nagkalat ang mga basag na paso. Sira-sira na rin ang mga halaman at ang mga bulaklak ay nasa sahig na at nagkalat kung saan-saan.
"May bagyo yatang dumaan na hindi natin namamalayan." Kumento ni Rose Ann habang pinupulot ang mga basag na paso at inilalagay na sa gilid.
"Where are the Dragons?" Tanong ni Ate Catherine kaya nagpalinga-linga na rin kami. Just before we enter our dorm house ay may narinig kaming growl sa may gilid ng dorm house.
I walk straight to it at halos mapanganga nang makita ang mga Dragon namin.
"Aba magaling! Masarap ba ang basura?" Salita ko na ikinatigil ng apat na Dragon sa pag-ngat-ngat ng mga basurang inilagay ko dito kagabi. Para silang mga asong kalye na pinag-aagawan ang mga basura. Kahit nandidiri sa mga basura ay kaniya-kaniya na kaming hila sa mga Dragon namin palayo sa mga basura.
"Hoy taragis ka! Bitawan mo nga 'yan!" Sigaw ko sa Dragon ko at pilit hinihila ang sira-sirang garbage bag sa bibig niya. At dahil lumaki na nga sila ay nahihirapan na kaming agawin sa kanila ang mga iyon. They gain they're 10% strength pero nahihirapan na kami kaagad.
"R-rose Ann! Tulong please!" Salita ni Cristina habang nakikipagbuno na sa Dragon niyang halos paliparin na siya.
Nandoon lang kasi si Rose Ann sa gilid habang naka-cross arms na nakatingin sa aming walo. She seems to enjoy the view dahil ngiting-ngiti ito at napapatango-tango pa. She shook her head at nagpamulsa.
"Nauh. Magdusa kayo, Dragons ninyo iyan kaya kayo ang umasikaso sa mga 'yan. Pakilinis na rin itong garden ah? Ang kakalat ng mga alaga ninyo. Tsk tsk tsk. Pasok na ako sa kwarto ko, babosh!" Sagot niya at walang ano-ano'y tinakbuhan kami.
"YAAAHHH!!! ANG SAMA-SAMA MOOO!!!" Sigaw ni Cristina at bigla na lamang siyang napasubsob sa mga basura nang bitawan ng Dragon niya ang kagat-kagat na karton ng gatas.
I was about to laugh when my Dragon did the same at napa-upo naman ako ngayon sa putikan. Doon ko lang rin napansin na pare-pareho na kaming nakasalampak sa gulong ginawa ng mga Dragons namin.
"I think hindi natin sila mate-train ngayon." Salita ni Ate Catherine habang pilit inaalis ang mga basurang dumikit sa damit niya.
"We need to f*****g clean all this mess." Iritang sagot naman ni Rommel habang masamang nakatingin sa Dragon niyang nakahalukipkip lang sa harap niya.
"Taragis naman." Inis na salita ko at tumayo na sa pagkakaupo sa putikan. Wala na kaming nagawa nang magsipasukan na rin ang mga Dragon namin sa dorm house nang magpatugtog si Rose Ann sa loob. Damn. Hindi ko akalaing ito ang consequences nang pagkakaroon ng Dragon. Sakit sa ulo ang kakulitan amputek.