MASAYA si Summer sa bago niyang look matapos ng mahigit tatlong oras niya sa paborito niyang hair salon. Binigyan siya ng bagong hair style ng stylist niya. Hanggang balikat na lang ang buhok niya ngayon at may full bangs pa siya. Bukod do’n, kulay blonde na rin ang buhok niya. Bumagay naman iyon sa kanya dahil maliit ang mukha niya at maputi siya. Pagkatapos niyang magbayad ay ginising na niya si Winter na natutulog sa couch ng salon. Dumating ito isang oras na ang nakakalipas para sunduin siya, pero dahil hindi pa tapos kulayan ang buhok niya no’n, natulog muna ito habang hinihintay siya. Sinabi naman niyang balikan na lang siya nito, pero wala naman daw itong gagawin dahil sinasamahan ni Spring si Autumn na magbantay kay Tito Teodoro sa ospital. He didn’t like going out with his office

