Chapter 27

908 Words

HINDI mapakali si Summer dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sina Winter at Autumn sa party niya gayong nagsimula iyon kalahating oras na ang lumilipas. Kung totoo ang sinabi ni Tito Teodoro, ibig bang sabihin, magkasama pa rin ang dalawa? May nabuhol sa sikmura niya at nanikip din ang dibdib niya. “Summer, ano bang ginagawa mo d’yan sa entrance? Nasa loob ang mga bisita mo,” puna sa kanya ng kanyang ina. Simpleng floral dress ang suot nito. “Hinihintay ko lang si Winter, Mommy. Kayo na muna ang bahala sa mga bisita, please?” paglalambing niya rito. Bumuntong-hininga ito. “O, sige. Bilisan mo lang, ha? At anak…” “Ano ho 'yon?” Niyakap siya nito. “Happy birthday, anak. Dalagang-dalaga ka na. Pero sana, huwag muna kayong magpakasal ni Winter. Ikaw pa rin ang baby namin ng daddy mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD