"Ha! na saan ako?" tanong ko sa aking sarili, tumingin ako sa paligid, napaka gandang tanawin ang nakikita ko. "Nicole anak!" bigla akong lumingon sa tumawag sa akin at nakita ko si mama at papa, bigla akong lumapit sa mga ito at yumakap. "Ma, Pa, makakasama ko na kayo? Mis na mis ko na po kayo," wika ko. Nakita kong ngumiti sila sa akin. "Nicole anak, hindi mo pa oras para mamatay meron taong naghihintay sa 'yo sa ibaba. Bumalik ka na anak sa ibaba. At masaya ako kahit wala kami sa tabi ng papa mo ay nakaya mong tumayo sa sariling mga paa mo. Anak, tandaan mo mahal na mahal ka namin ng papa mo, alagaan mo ang sarili mo. At maging masaya sa taong nagmamahal sa 'yo," saad ni mama. Yumakap pa sina mama at papa sa akin. "Kailangan munang bumalik sa taong nagmamahal sa 'yo anak," wika ng

