Umupo ito at nakita kong meron itong ibinaba sa table tumingin ako doon at isang sobreng puti ang nakita ko. "Puwedeng ka nang umalis ngayon dito sa bahay ko Nicole. At heto ang bayad ko sa 'yo, iyong kotseng pinangako ko sa 'yo ay ipapadala ko na lang sa bahay mo," saad nitong seryoso ang pagkakasabi. Hindi ako makaimik sa mga sinabi ni Hendrex, ganoon lang 'yun pagkatapos pagsawaan ang katawan ko ay basta na lang akong itataboy. Ang sakit parang gusto kong maglupasay pero hind ako nagpahalata rito, ayaw kong pagtawanan ako ni Hendrex. Aaminin kong mabilis ko itong minhal. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Hendrex Brown na pagkatapos akong tikman ay basta na lang itataboy at itatapon na parang basura. "Okay," sagot ko. At kinuha ko ang sobreng inabot nito hindi ko na tiningnan kun

