Every Rose Has Its Thorn Thirty-seven: Fireworks couple Gaia Rowen “Anong ibig mong sabihin?” malumanay kong sambit. Sinadya kong huwag munang magsalita at hayaan itong makapag-isip-isip sa sumunod na mga minuto. HInayaan ko siyang pag-isipan nang mabuti ang maaaring isagot. “Are you tired?” Pagkatapos ng ilang minutong hindi pasagot ng lalaki ay minabuti kong magsalitang muli. Th night is still young. Marami-rami pa rin naman siguro ang oras kaya paniguradong this time would be perfect for him to tell everything that he feels. “Makikinig ako. . .” sambit ko pang muli. “Kung hindi mo pa kayang magsalita, o hindi mo pa alam kung ano ang sasabihin, hindi mo kailangang mag-alala. I won’t talk, as well, but I’ll be with you.” Akmang tatalikod na akong muli para pagmasdan ang langit, na

