Every Rose Has Its Thorn Thirty-six: He feels empty Gaia Rowen Pagkatapos ng ilang minuto, hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko kasabay ng tuloy-tuloy ding fireworks. Naramdaman kong bigla ang pagtabi ni Thorn sa akin. His aura seems so lonely. Gustuhin ko man kaagad ang magtanong kaya lang ay mas nangingibabaw ang pag-aalala ko rito. I shouldn’t ask. Usapang pampamilya kasi iyon kaya hindi ko magawang ipasok ang sarili ko sa sitwasyon. Isa pa, we grow up in a different family and sitwasyon. Imbes na magtanong at ma-curious ay pilit ko na lang inikot-ikot ang paningin sa lugar. Aside kasi sa fireworks na makikita mo sa halos buong paligid ng nursing home ay napakaganda rin pala ng view dito sa bandang itaas. Hinaluan pa iyon ng malamig na simoy ng hangin kaya talagang perfect para

