PURSIGIDO siyang matuto. Kaya naman kinausap niya si Puyo, ''Sige na po, Angkol. Kahit wala si Tatay, payagan mo na akong magsanay sa hide out. Hindi naman ako magtatagal doon dahil magpupunta pa po ako sa tambakan. Sige na po.'' Malalim na buntung hininga ang pinawalan nito bago sumagot, ''Maaga kang gumigising sa umaga kaya kailangang makatulog ka pagkakain. Gagawa ka pa ng mga asaynment. Baka mapabaya--'' ''Hindi po, promise! Pagkakain, gagawin ko agad ang mga assignments ko. Tapos matutulog ako. Pagkagising ko, saka po ako magsasanay doon. Tapos saka ako pupunta sa tambakan. Kahit sandali lang, basta makapag-practice lang.'' Maagap niyang sagot. Sandali itong nag-isip, pagkaraa'y tumango na rin. Mabilis siyang yumakap sa tagapag-alaga, "Salamat Angkol Puyo, ang bait-bait mo talaga.

