LUNES Hindi makapaniwala ang magkakaklase sa nakikita. Ang inaasahan nila ay magiging magulo na naman ang pagkikita ng grupo ni Betina dahil sa hindi pagsipot ni Bubot sa likod ng simbahan. Nagkatinginan pa ang mga ito nang makitang bahagyang nakayuko ang magkakabarkada nang dumaan sa harapan ng kaklaseng dati-rati'y inaasar agad. "Ano'ng nangyari sa mga 'yon?" Tanong ni Jhie. "Milagro ba ito o sabay-sabay namatanda ang mga bruhildang 'yan?" Tanong naman ni Aiza. "Baka na-guidance no'ng biyernes. O, kaya naman pinatawag sa office ng principal." Hindi makapaniwalang sabi ni Noemi. Pare-parehong nagtinginan kay Bubot ang tatlong magkakaibigan. Kanina nang tanungin nila, matipid lang itong ngumiti at sinabing huwag na silang mag-alala. Hindi na nila nagawang lapitan ang kaklaseng ibinib

