Aoi Muli akong humugot nang hangin, nang isang panlalaking amoy ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa loob. Napakabango at napakalinis ng opisina. Wala akong masabi sa ganda at quality ng mga disenyo, bukod doon ay malaki pa ito. Ewan ko kung ganito rin sa pinanggalingan kong kumpanya. Hindi naman kasi ako nakapasok sa opisina ng CEO, kaya ito ang unang pagkakataon. Hindi ko naiwasang paikutin ang mga mata ko, hanggang sa mahagip nito ang isang lalaking nakaharap sa kanyang laptop at tila abalang-abala sa ginagawa niya. Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha. Nakaupo ito sa isang swivel chair. Ang suot niya ay isang kulay abo na mahaba ang manggas. Bagay na bagay sa kanya, kaya kahit hindi ko makita ang kanyang mukha ay alam ko na isa siyang magandang lalaki. B

