Mikell Inisang lagok ko ang laman ng basong hawak ko bago kumuha ng panibagong beer. Tutunggain ko na sana ito, nang biglang magsalita si Vansha. "Hey! Hinay-hinay lang, nakararami ka na. Uuwi ka pa." I glanced at her for a moment, then turned my gaze to the beer I was holding. Napabuga ako nang hangin ng mapansin ko ang mga nagkalat na lata ng alak at pulutan sa lamesa. Medyo nakararami na nga ako, pero wala akong pakialam. Dahil wala akong gusto ngayon, kundi mamanhid ang utak at puso ko, nang hindi ko maisip at maramdaman ang sakit na dulot sa akin ng babaeng ginawa kong mundo. Alam kong sanay na sa akin si Vansha. At gano'n din ako sa kanya. Oo, marami akong kaibigang lalaki. Pinsan at mga anak ng kaibigan ni Dad, pero rito lang ako mas komportableng maglabas nang sama ng loob p

