Aoi Nerbiyos, takot at pagkasabik. ‘Yan ang mga pakiramdam na bumabalot sa akin habang naghihintay sa susunod na tatawagin para sa kompetisyon na ginaganap ngayong gabi rito sa Carpio's band café. Kanina pa ‘ko hindi mapakali habang narito ngayon sa likod ng stage. Kanina pa rin ako pasilip-silip mula sa kulay pulang kurtina— na nagsisilbing harang para sa lahat ng kasali sa patimpalak ngayon. Hindi ko mapigilan na igala ang aking mga mata sa mga nanonood sa labas. Sa dako kung saan, nakita ko na masayang nakatayo ang kaibigan kong si Reen kasama si Toyang at Maxwell na pumapalakpak dahil sa pag-awit ng isa sa kasamahan ko rito sa contest. Habang lumilipas ang oras ay para bang lalo akong nilulukob ng pagkabahala. Hindi ako mapakali, tila naghahalo na ang mga nararamdaman ko. Alam ko

