Mikell I was in the office earlier when I received a call from Mom. Just informing me that we will have dinner tonight with my grandparents. Dito mismo sa bahay nila Mumaw at Pupaw. Maayos kong ipinarada ang sasakyan ko sa tapat ng bahay ng mga 'to. Dito ako dumiretso matapos kong asikasuhin ang bahay na nilipatan ko kanina malapit sa Carpio's band café. Napailing na lang ako nang biglang pumasok sa 'king isipan si Mommy. Tiyak na maraming katanungan ang sasalubong sa akin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Napalitan ng ngiti ang pag-aalala ko nang biglang may pumasok sa isipan ko— ang babaeng mahal na mahal ko. Para sa kanya, handa akong gawin ang lahat. Lalo pa't ngayon na malapit na kami sa isa't isa. Mas madalas ko na siyang makikita. Bago bumaba ay napatingin ako sa manibe

