Aoi Nagising ako mula sa aking masarap na pagkakahimbing dahil sa tindi ng lamig na tumatama sa aking balat, dito sa k'warto na aking tinulugan. Hindi ako nasanay na ganito ang bumubungad sa akin sa umaga, kaya naninibago ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata saka ko hinanap ang blangket na napansin ko sa 'king tabi kagabi. Agad ko itong ibinalot sa aking katawan nang matagpuan ko. Alam ko na wala ako sa aming sariling bahay. Pero dahil sa ganitong klase ng tulugan ay 'di ko maiwasan na muling magpahatak sa antok na aking nararamdaman. Muli kong ipinikit ang mabigat kong mga mata. Babalik sana ako sa pagtulog nang biglang pumasok sa 'king diwa ang aking pamilya. Agad akong napadilat mula sa 'king pagkakadapa sa katre na aking hinihigaan. Tumagilid ako saka tumingin sa

