Aoi HINDI ko alam. Pero kahit na saktan ko pa yata ang Mira na iyon sa harapan ng maraming tao ay hindi mawawala ang sakit at sama ng loob na idinulot niya sa akin. Sila ng lalaking katulad niya! Mabilis kong pinunasan ang mga luha na pumatak mula sa aking mukha, saka huminga nang malalim. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, dahil sa galit. Kailan nga ba ang huli . . . Malamang, noong mga panahon na sariwang-sariwa pa ang mga panggagago nila sa 'king lahat. Ang pananakit at mga kasinungalingan na ginawa nila sa akin. Napahinto ako nang matagpuan ko ang aking sarili na nasa harapan na ng CR. Nagmamadali akong pumasok dito. Nang makarating sa loob ay agad akong humarap sa salamin. Muli akong napahinga nang malalim, nang makita ko kung gaano na kalayo ang aking sarili sa dating

