Aoi “ARE YOU READY?” bungad sa akin ni Calvin nang makarating kami sa venue, kung saan ginanap ang event na pinangungunahan ng D&G Corporation. Tipid akong ngumiti sa kanya, saka isang beses na tumango rito. Maingat niya ‘kong inalalayan hanggang sa makarating kami sa loob. Napahinga ako nang malalim, nang makitang may iilan na kalalakihan na naka-tuxedo ang lumapit kay Calvin. Hindi na ako magtataka, dahil noon pa man ay siya na ang humaharap at nakikipag-usap sa mga matataas na taong kailangan kausapin hinggil sa mga negosyo ng pamilya ko— sa mga negosyo na naiwan ng aking ama, na sa akin ipinamana. Seryoso kong iginala ang aking paningin. Inangat ko ang aking mukha nang mapansin ang mga taong dumalo rito. The party was filled with men in formal wear and women in evening dresses.

