Aoi Maraming mga sitwasyon ang tumawid sa aking landas, na pumasok sa ‘king buhay— na kung saan ay mabilis na itinapon ng aking kapalaran. Napakaraming hirap, hindi inaasahang mga suliranin at kapighatian, maging pakiramdam ang sa aki’y pinaranas. Mga isyu sa buhay, pagkawala ng minamahal dahil sa sakit, mga taong pinagkatiwalaan at minahal ko— pero sa basura lamang ako inihanay. “Yes, Mamila. We’re okay here.” “That would be good, Hija,” she uttered softly. “I won’t be long, I still have a meeting. Please, be careful, Darling.” “Alright, Mamila.” Napahinga ako nang malalim, nang maputol ang aming usapan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kapag sumasagi sa ‘king isipan ang halos maya’t maya nitong pagtawag upang kumustahin, kung ano na ang lagay namin dito sa Manila. Napalunok

