Aoi I woke up at seven o'clock in the morning. Hindi pa sana ako tatayo sa higaan, pero napilitan ako nang mapansin ko na wala na pala akong katabi maliban kay Kam. Umalis na kaya si Mikell? Sandali akong natigilan nang maalala ang nangyari sa amin kagabi— bagay na alam ko sa ‘king sarili, na hindi ko pagsisisihan dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Tatlong linggo na mahigit ang nakalipas, mula nang ipinakilala niya ako sa kanyang pamilya. Simula no’ng gabing iyon ay nagpaalam siya sa akin, na kung p'wede raw ba kaming matulog ng magkatabi sa iisang katre. No'ng una ay napaisip pa ako, dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Mula kasi nang dumating ako sa bahay na ito at nakita ko na rito siya nag-shower no'n ay inasahan ko nang magkakasama talaga kami sa iisang k'warto.

