Aoi Nagising ako mula sa ‘king malalim na pagkakahimbing nang maramdamang tila may humahawak sa aking mukha, pero hindi ko inabala ang aking sarili na imulat ang aking mga mata dahil ramdam at alam ko kung sino ang gumagawa nito sa akin. Alam kong hindi pa gano’n katagal ang panahon na nakakasama ko siya, pero kabisado ko kung paano niya ‘ko hawakan. Alam na alam ko na walang ibang gagawa sa akin nang ganito, kundi siya lamang. Gaano na siya katagal dito? Bahagya kong naigalaw ang aking isang kamay nang maya-maya lang ay narinig ko ang pagbuntong hininga at ang mahina nitong pagmura. Mabuti na lang ay medyo nakatago iyon sa kanya kaya sigurado ako na hindi niya iyon napansin. Pinigilan ko ang gumalaw nang ilipat n'ya ang kanyang kamay sa kanan kong pisngi, nakaramdam ako nang hapdi s

