Aoi Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon. Nang makita kong papalapit ito ay napaayos ako nang tayo. "Padalhan na lang po siya ng makakain dito," maawtoridad nitong atas kay Manang Fe. "Ahm— s-sige po, Sir." Nakita kong agad itong yumuko saka tumalikod sa akin. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalabas ng pintuan, dahilan kaya hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Mikell. Dala ang pusang aking hinahanap. "Nakita ko 'to kanina sa tabi ng closet," imporma niya sa mababang boses. Inilipat ko ang aking mga mata kay Kam. Hindi ko alam kung paano ko ito kukunin mula sa mga bisig niya, naiilang ako. "Here," napaangat ako nang tingin dito. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa gulat, dahilan ng kanyang muling pag abante upang mas makalapit pa

