Chapter 46

1449 Words

Aoi Nang makababa ako mula sa ‘ming unit ay mabilis kong pinaandar ang sasakyan na dala ko. Mabuti na lang ay madali lang akong nakapag-adjust sa pagda-drive rito sa pilipinas.  Agad akong nasanay.  Sa Japan kasi ay nasa kanan ang manibela kaya no’ng una ay hindi ko naiwasan ang manibago rito. Hindi ko mapigilan ang mag-isip habang nagpapatuloy sa pagmamaneho. Nagpatugtog na ‘ko pero tila hindi pa rin mawala sa isip ko ang gumugulo mula rito. Pupuntahan ko sana ang kaibigan kong si Reen, pero biglang nagbago ang isip ko. Sana ay mabawasan ang bigat na nasa dibdib ko dahil sa aking naisip at gagawin. Hindi ko na kasi kayang dalhin, lalong-lalo pa kung ang dahilan ay ang unang taong nagmahal sa akin. Napahinga ako nang malalim, nang maalala ang huling tagpo na nangyari sa aming dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD