Aoi MABILIS kong pinaandar ang sasakyan na dala-dala ko dahil sa takot na aking nararamdaman. Kulang na lang ay paliparin ko ito dahil sa 'king pagkataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano. F*ck! Huwag naman sana. Sana’y nagkakamali lang ako mula sa ‘king mga naiisip dahil hindi ko kakayanin kapag nawala sa 'kin ang anak ko. Isang tao lang ang alam ko na gagawa nito sa akin. Siya lang. Nanginginig man ay pinilit ko'ng magmaneho nang maayos. Hanggang maya-maya lang ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Sandali akong huminto sa pagmamaneho nang makita ko sa screen ng phone ko, na mula sa unknown number ang tumatawag sa akin. Iba ang aking naramdaman, dahilan, kaya mabilis ko itong kinuha. Huminga ako nang malalim saka ko i

