Aoi TAHIMIK kong pinanood si Akari at ang ama nito habang naglalaro. Hindi man ako sumasali sa bonding nilang dalawa, alam ko sa sarili ko na hindi ako nakararamdam kahit na konting pagkainip man lang. Dahil ang totoo, masayang-masaya ang puso ko na makitang maligaya ang anak ko sa piling ng kanyang ama ngayon. Ganito pala talaga kapag isa ka nang magulang. Isasakripisyo mo ang lahat, para sa kapakanan ng ‘yong anak. Kahit na minsan ay labag na sa ‘yong kalooban ay sisikapin mo pa rin na maibigay ang lahat, para lamang sa ikaliligaya ng mga ‘to. Simula nang dumating si Akari sa buhay ko, wala akong ibang pinangarap para sa kanya, kundi maibigay lahat ng bagay na hindi ko natikman simula noong bata ako. Kaya kahit galit ako sa ama niya, ay makikisama ako. Makikisama ako at aasal na tila

