Aoi I CLOSED MY EYES— trying not to let the tears out. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayoko. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Damn! Kinamumuhian ko siya. Kinamumuhian ko siya ng sobra. Pero bakit ganito? Bakit isang hawak lang niya ay tila nanghihina na ako— bakit isang halik lang, bakit isang sorry lang . . . bakit parang talo na naman ako . . . Bakit? Inis na inis ako sa sarili ko. Inis na inis! Pero hindi ako makalaban. Lalo nang maramdaman ko ang halik niya sa aking mga labi, hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa kanyang ginawa sa akin. Napatalon ang aking puso nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik. Ito’y madamdamin, ngunit nakapagbibigay sa hilig ng laman. Ang kanyang mainit na dila ay naging daan sa aking bibig.

