Aoi "Kumain ka nang kumain diyan, Prend. Lalo kang nangangayayat, eh!” sambit ni Reen habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito. “Mabuti na lang talaga, mababait ang mga boss mo, ‘no? Hindi kasi lahat pinagpala sa mga amo, eh! Hope all na lang talaga, Prend!" dagdag pa niya. Ngumiti ako saka nagsalita, “Eh, ‘di ba? Sabi mo malapit ka nang umalis sa trabaho mo? Bakit hindi mo pa kasi gawin agad ‘yon?” tanong ko. Huminga siya nang malalim. “Plano pa lang naman, Prend. May pinag-iipunan pa kasi ako kaya nagtitiis ako ro’n. Isa pa, wala pa akong nakikitang ipapalit sa trabaho ko. Alam mo naman na hindi ako nakapag-aral, ‘di ba? Kahit elementary ‘di ko natapos, kaya hirap ako maghanap ng maayos na trabaho,” tugon niya. Dalawang beses akong tumango, “Kumusta kayo ni Tita?” muli kong ta

