Aoi NAGISING ako mula sa pagkakaidlip habang nakaupo at nakayuko sa tabi ni nanay. Gumalaw ako saka nag-angat nang mukha nang marinig kong bumukas ang pinto. Pinunasan ko ang aking mga mata at iniunat ang aking mga braso, pagkatapos ay napahikab ako habang nakatingin sa papasok na si Maxwell. Bahagya akong napangiti, lalo nang makita ko si Toyang. Kasama rin nito ang kaibigan kong si Reen. "Good morning, Prend. Kumusta?" bungad nito sa akin. "Morning, ayos lang naman. Hindi ka pumasok sa trabaho?" seryoso kong tugon. "I'm not feeling whale kasi, eh!" aniya, "Joke! Nagpaalam ako kay Tita, pinayagan n'ya naman ako agad no’ng sinabi ko na rito ako pupunta,” tugon niya. “Mabuti’t hindi nagagalit ang pinsan mo?” tanong ko. “Anong hindi? Kailan ba hindi nagalit ang dragon, lalo na kapag

