One year later Aoi UMAYOS ako nang tayo, matapos kong mailapag ang bulaklak na dala-dala ko. Huminga ako nang malalim, saka ko sinindihan ang kandila na hawak ko. Matagal na rin simula nang iwan niya kami. Pero kahit kailan ay hindi ito nawala sa puso at isip ko. Akala ko, habang lumilipas ang taon na wala ito ay magiging okay ako. Kaya buhat nang mawala siya ay hindi ko ito dinalaw. Ngayon na lang ulit. Pero nangungulila pa rin ako, tila hindi nababawasan ang sakit mula sa aking dibdib sa t'wing sumasagi sa aking isipan na hindi na siya babalik. Napakasakit. Muli kong inalala ‘yung mga panahon na nagkasama kami nito. Kung paano kami nagkapatawaran sa isa't isa, kung paano ko naramdaman ang pagmamahal na matagal kong hinangad mula sa kanya, kung paano namin pinagtibay ang relasyon n

