Aoi MABILIS ang naging kilos ko para hanapin ang anak ko, pati na rin ang ama nito. Hindi ko na naintindi si Toyang dahil sa sobrang pagkataranta! Natatakot ako . . . Bumaba ako at hinanap sila agad sa dining area, pero napahinto ako sa paglalakad nang si Manang Fe lamang ang naabutan ko rito. "Manang?" kuha ko sa kanyang atensyon. Agad itong napatingin sa akin habang abala sa pagpupunas ng lamesa. "Oh, Ma'am Aoi. Kayo po pala. May kailangan po ba kayo? A-ano po ang gusto niyong kainin? Ipagluluto ko po kayo, Ma'am,” mahinahon at sunud-sunod niyang salita sa akin. Tipid akong ngumiti bago ito sinagot. "Hindi pa ho ako nagugutom, Manang. I-itatanong ko lang ho kasi sana kung— napansin mo ho ba s-si Mikell? Uhm, k-kasama niya po kasi si Akari,” kanda utal kong wika.. Ewan ko, hi

