Aoi “TOYANG . . .” agad akong lumapit kung saan ito nakapwesto. Mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, ngayong kasama ko na ito. Kanina lamang ay iniisip ko pa siya— sila ni Maxwell. Pero ngayon ay kasama ko na ito, at yakap-yakap ko pa. Siya ba ang tinutukoy ni Mikell kanina? Kung nalaman ko lamang agad, kahit hindi pa ako nakaayos ay binaba ko na ito. Oh God! Napakatagal kong inasam ang pagkakataon na ito . . . “Kumusta ka?” mabilis akong kumalas mula sa pagkakayap namin sa isa’t isa nang marinig ang tanong nito. Huminga ako nang malalim. Saka diretsong tumingin sa kanya. “Maayos po ako, Toyang,” naluluha kong tugon sa kanyang tanong. “Gano’n pa rin po tulad nang magkakasama tayo.” Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, katulad nang nakagawian kong g

