Aoi HINDI AKO MAPAKALI, nang maalala ang hiniling ng anak ko na magtabi kaming tatlo sa pagtulog kagabi. Hindi ko maintindihan, pero sa dalawang araw at dalawang gabi na narito kami ni Akari, ay para bang may iba na akong napapansin sa anak ko. Bigla-bigla na lang kasi itong may ire-request, at ang ending ay hindi na ako makatatanggi. Huwag naman sana siya magpasapi sa ama niya . . . Natawa na lamang ako sa isipin na iyon. Manang-mana kasi siya sa ama niya. Ang lahat ay kinuha nito roon. Mula sa itsura, hanggang sa ugali. Para tuloy lumalabas, na ako lang ang nagdala, nag-alaga at nagluwal sa anak ko, pero ang Daddy lang niya ang nagmamay-ari sa kanya. Napahinga ako nang malalim. Siguro nga, ay totoo ang kasabihan na kapag nagdadalang tao ang isang babae at galit na galit ito sa isa

