Denise's POV 11pm na pero nandito pa rin ako sa labas ng ospital. Kinontact raw ang mga magulang niya pero hanggang ngayon, walang dumating. Tsk. "Denise!" napalingon ako sa nagsalita. Si panget na babaeng fiancé ni Torres. "Anong ginagawa mo dito?" "I heard what happened to my bestf--- I mean fiancé. How is he?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Ba't ikaw nandito? Where are his parents?" "Si Tito nasa ibang bansa. Si tita busy so ako pinapunta and because I care, kahit gabi na, pumunta pa rin ako dito." Nagkibit-balikat nalang ako at sinaksak yung earphones sa tenga ko. Di ko na pinansin yung babaeng pangit. Bahala siya diyan. *** Iidlip na sana ako ng may lumabas na doktor. "Doc?? Si Clarence Torres po???" panget. Tumayo na rin ako. "Kamag-anak ba kayo ng pasyente?" "Sorry

