Later that day... Denise's POV Tulog na ulit si Torres. Well, nakakabagot dahil ako lang ang tanging nagbabantay dito dahil klase pa yung iba. Si lola naman, may trabaho. Yaan na nga lang. Nakaupo lang ako dito sa sofa habang naka cross ng arms at tsaka legs ng biglang bumukas ang pintuan. Napatingin ako doon. Isang babaeng nasa forties na siguro niya ang pumasok. Tumayo ako. "Sino ka?" Yes. I know I sounded rude but I don't really care. "What a rude young lady. Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Why are you in my son's room?" Oh. So itong babae ‘to pala ang walanghiyang ina ni Torres. Tss. Sorry not sorry. "I'm Denise Monica Vega. And why am I here? Ako ang nagbabantay eh kasi yung mga magulang niya--- oopps, ikaw pala ay isa dun ay hindi man lang nag atubiling pumunta

