“Talagang isinisiksik mo ang sarili mo ano?” tinaasan ko na lamang ng kilay si Ellise ng sabihin niya iyun. Natapos na ang meeting namin kaya nagsilabasan na rin ang iba. Kaming dalawa na lamang ni Ellise ang naiiwan dito. Hindi ko akalain na sumasama rin pala siya sa meeting ng mga nasa itaas. “You know what? Bakit hindi mo na lang tulungan ang asawa mo kesa ang pansinin ako buong araw? Is this your dream? To become a vice president? Then sorry it’s already mine.” Nginitian ko siya ng nakapangloloko at masama ang iginagawad niyang tingin sa akin. Ang sarap picturan ng mukha niya at ipakita sa kaniya kung gaano siya kaapektado. “Hindi naman ako pumapatay Ellise so don’t be afraid.” “What?” hindi makapaniwala niyang saad. Kinuha ko na ang bag ko akmang aalis na sana ng pumasok si Xandro.

