Paalis na sana ako ng kompanya nila ng may biglang humila sa akin papasok sa isang silid. “Ano ba!” inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko na kailangan magtanong dahil tindig pa lang niya kahit na nakatalikod sa akin ay kilala ko na. “Ano bang kailangan mo?” naiinis ko pa ring tanong, nahaplos ko na lang ang braso ko na mahigpit niyang nahawakan. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan? What do you need Kath? What are you doing here and what? A major shareholders? Are you out of your mind?” hilaw akong natawa dahil parang minamaliit niya ako. Matalim ko siyang tiningnan sa mga mata at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hindi naman siya nagpatinag at nanatili lang siya sa pwesto niya. “Bakit sa tingin mo ba hindi ko kaya? Hindi ako magsasayang ng oras dito A

