Tulala siyang nakaupo sa sofa ni Xandro, nahilot na lamang niya ang kaniyang sintido. Wala siyang alam, hindi niya alam ang nangyari, anim na taon niyang pinaniwalaan na siya ang may pakana, na siya ang may gustong mawala ang anak nila para isa lamang ang magiging tagapagmana niya. Wala naman siyang pakialam sa mana na yan, hindi siya makikipagpatayan para lamang sa pera, para lamang sa pamilya. Nanahimik siya habang pinagbubuntis ang anak niya, kumayod siya para mabuhay silang dalawa kahit na malaki na ang tiyan niya ay tiniis niya ang lahat. Dahil kung gusto niya talaga ang kayamanan ng mga Montesso, kung gusto niyang umahon sa kahirapan una pa lang sinabi niya na, una pa lang lumaban na siya pero hindi eh, nanahimik siya matapos niyang malaman na may fiancé na ito at buntis pa. Hindi ni

