May diin ang bawat salita nito sa kaniya, ang mga ngipin niyang nagngingitngit sa panggigigil. Nakatingin lamang si Kath sa mga mata ni Xandro at hindi nagsasalita. “Tell me Kath, you’re driving me crazy. I just want to know who is his father.” Malumanay na nitong tanong, hindi niya pa rin magawang sigawan ang dalaga dahil mas iniisip nito ang mararamdaman niya. Inalis naman ni Kath ang pagkakahawak sa kaniya ni Xandro. “Why do you care anyway? Bakit mo pa gustong pasukin ang personal kong buhay? Ano ba tayong dalawa Xandro?” bakas ang inis sa tinig ni Kath, naglalaban lamang ang mga mata nila sa titigan. Hangga’t kaya niyang itago, hangga’t kaya niyang itanggi gagawin niya mailayo lamang ang anak niya sa gulo. “Dahil karapatan ko, may relasyon pa tayo anim na taon na ang nakakalipas

