“Mommy,” saad nito saka siya yumakap sa binti ni Kath. Sunod sunod siyang napalunok, hindi niya inaasahan na mangyayari ‘to. Hindi niya rin naman alam na sinusundo niya rin pala ang anak nila. “Maaga ka rin pala Mommy, halika po ipapakilala po kita sa Daddy ni Alex.” Masayang saad ni Xander. Nilapitan na rin sila ni Xandro habang buhat buhat ang anak nilang si Alex. Hindi na makatingin ng diretso si Kath kay Xandro na nakatingin sa kaniya ng nagtatanong. “Hi po, we met again po.” Masayang bati ni Alex, bahagya lang namang ngumiti sa kaniya si Kath at abot na ang kabang nararamdaman niya dahil seryoso ang mukha ni Xandro. “Mommy, buti na lang po at maaga ka ngayon. Makikilala mo po yung Daddy ni Alex, he’s cool.” Masaya pa nitong sambit, yes he’s cool and you didn’t know that he is your

