Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa parte ng dagat kung saan nalaglag ang singsing. Sa layo nito, kitang kita ang bilugang hugis na nabuo habang maingat na humahampas sa dalampasigan ang alon. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon, ni hindi pumasok sa isipan ko na mismong singsing ko ang kukunin niya at itatapon nang ganoon kalayo. Sinubukan kong humakbang ngunit huli na ang lahat. Sinubukan kong magprotesta ngunit wala ng magagawa. What he did is brutal to our marriage. Mahalaga ang singsing na iyon! Paano kung hanapin na lang ni Galileo? Ano ang maipapakita ko? “Akin ka na…” May bakas ng pagkasabik sa boses niya. Na para bang ito na ang pagkakataong pinakahihintay niya. I couldn’t almost believe that he did this for me. Hindi pa ako nahihimasmasan sa ginawa niya sa singsing

