Literal akong sumagap ng hangin habang nakatitig sa kaniyang mga mata. They were burning. May kung ano sa paninitig niya na umaakit. Nais kong kumawala sa kandungang ito ngunit may pumipigil sa akin. Hapit na hapit ng isa niyang kamay ang aking bewang habang ang isa ay nakasalikop naman sa aking mga daliri. “M-mali ito…” mahina kong usal nang napapailing-iling. Sinubukan kong itulak ang kaniyang dibdib ngunit mas lalo pa niya akong idinikit sa kaniya. Ang resulta, mas nadama ko ang pagkabasa ng kaniyang balat, lalo na sa ilang parte ng dibdib at braso kung saan may mangilan-ngilan pang butil ng pawis. “Siya ba? Naisip ba niyang mali ang ginawa niya?” tukoy niya kay Galileo sabay bitaw sa pagkakahapit sa aking bewang. Muntik na akong mawalan ng balanse ngunit mismong hita na niya an

