Tahimik kong inangat ang aking kamay at tinitigan ang palasinsingan kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay sa akin ni Trivo. It’s a diamond ring. Malayong malayo sa pilak na singsing noong kasal namin ni Galileo. Halos buong gabi akong nakatulala rito. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung imumuwestra ko ba ito sa tuwing kausap sina Nanay at Diana ngunit pinapangunahan ako ng takot. Kapansin-pansin ang kinang ng diamond. Kitang kita ang malaking pagkakaiba nito sa una kong suot. Panigurado akong tatanungin nila ako ukol dito hanggang sa matuklasan na may namamagitan na sa amin ni Trivo. Umaga na at nasa dalampasigan pa rin si Nanay upang mamulot ng mga kabibe. As usual, tulog pa rin si Diana at mukhang mamaya pa ang gising dahil sa puyat. Mag-isa akong kumilos nang walang umaalalay. N

